Wednesday, October 04, 2006

Buried A Lie

Tuesday, October 3, 2006
(Delayed dahil sa sa sobrang pressure sa plates.)

Kung 'yung iba may group-study, tayo may group-drafting! Hahaha.

Highlights:
- Na-decode na ni Detective Andy and Kevin ang isang puzzle. Playing our games, hmmm...
- Nag-PE na si Andy, Jace at si Bais sa Basketball COED. Written exam lang.
- Binakla ni Sir Anselmo si Andy! Hahaha. Kadiri!
- Nasa pav lang sila pagkatapos. Nagsisidatingan na ang mga tao para gumawa ng kani-kanilang mga IND.
- Pagkatapos mag klase ng mga LC boys ay nalaman ni Andy na 'di pumasok si Penelope. Awww...
- Inaantay ni Jobert at ni Andy si Carlo para makapunta na sila sa bahay nila Kevin.
- Nalaman nilang matatagalan pa si Carlo kaya nauna na sila pumunta dun.
- Makakasabay sana nila sa FX si Arki Chick III kundi dahil sa katangahan ni Jace! Grabe.
- Pagdating ni Jobert at ni Andy dun ay kagigising lang ni Kevin. Nag-relax lang muna sila. Nakay Carlo pa ang gamit ni Jobert.
- Maya-maya ay dumating na rin si Carlo. Gumawa na rin sila.
- Dumating na ang dalawang ate at daddy pagsapit ng gabi.
- Pinakain na sila ng dinner. Crabs, veggies and beef... Mouth-watering...
- Gawa ulit pagkatapos at umakyat na sila maya-maya sa attic.
- Nag-draft na silang tatlo maliban kay Andy. Inaantok na dahil dalawang gabi nang walang tulog.
- Nakatulog na nga si Andy at ginising na nila ito para maligo dahil tapos na si Kevin.
- Tapos ni Andy ay si Jobert. Tapos si Carlo at kumain na sila ng breakfast.
- Nagpatawag na rin sila ng taxi at pumuntang USTe! Lahat tulog sa taxi haha.


Wednesday, October 4, 2006

Pasahan na ng IND! Lagooot! Hahaha.

Highlights:
- Bumaba na sila Carlo, Kevin, Andy at Jobert galing sa taxi na sinakyan nila.
- Nakita nilang naka-yellow pa rin ang ibang mga estudyante. Umakyat na rin sila.
- Tuloy sila sa paggawa ng drafting dahil 'di pa sila tapos.
- 10:00am daw ang deadline sabi ni Sir Buni. Madami pang 'di tapos. May deduction na kapag late.
- Pagkatapos ng IND ay pumunta na sila sa My Family Tree para dun kumain.
- Bumalik din sila pagkatapos at pumunta sa loob ng room dahil malapit na mag Math.
- Absent si Sir Pineda kaya 'di pa rin dumadating. Nakatulog na ang mga estudyanteng walang tulog.
- Pagdating ng 4:00pm ay lumabas na sila ng room para tumambay sa pav.
- Nabalitaan nilang may victory concert daw na gaganapin sa harap ng Main Bldg. May mga bandang tutugtog katulad ng Parokya Ni Edgar, Mojofly, atbp.
- Pagdating ng gabi ay pumunta na sila David at Carla dun para manood at umuwi rin maya-maya.
- Sumunod naman sila Andy, Jobert, Kevin, Mike at Chuckie. Pero sa field na lang sila umupo para antayin ang fireworks.
- Nagulat sila at may biglang sumabog sa gilid nila. Fireworks na! Parang courtside tickets ang nabili nila!
- Pagkatapos nun ay tumambay ulit sila sa pav at nung pinauwi na si Kevin ay nagsiuwian na rin sila.

Rest in peace girl. Your death is such a shame.

No comments:

Post a Comment