Monday, September 04, 2006
(Delayed ang post dahil sa malakas na ulan na nagdulot ng pagka-stranded ng mga estudyante sa UST.)
Highlights:
- Umaga pa lang nasa UST na si Andy kahit walang IND para maabutan si Penelope.
- Dumating si Jesse pagkatapos ng ilang minuto. Umakyat din s'ya sa room nila at iniwan ang bag n'ya kay Andy.
- Maya-maya ay dumating si Ben at ang mga kaklase nito sa Architecture. Nagkayayaang mag-DotA kaya sumama na rin si Andy.
- Pumunta sila ng Dynaquest. Sumunod din dun sila Carlo, Kevin at Vien at naglaro. CFAD vs. ARKI! Pero kampi nila si Ben haha.
- Tumambay na sila pagkatapos sa pav at kumain.
- Pumasok na rin sila sa Philosophy class. Kasama ni Sir Ortega ang anak n'yang bata. Pinag-quiz din sila ni Sir.
- David's corny joke of the day: "Habit? 'Di ba si Frodo 'yun?"
- Pagkatapos ay late nanaman sila sa English class nila. Uminit ang ulo ni Ma'am dahil andaming late tapos ang ingay pa ng klase.
- Nagkainitan din ang klase tungkol sa groupings sa MC. 'Di kasi magkasundo ang buong klase sa desisyon. Na high-blood na si Diane at Jobert.
- 'Di sila makalabas ng building dahil ang lakas ng ulan at bumabaha na. Sana daw may libreng Jollibee!
- Nahuli si Andy ng mga SNK na nagtototoy-totoyan sa Exhibit room. Nahiya na lang sila David para sa kanya.
- Pop-your-collar pictorial ni David at ni Geim sa lobby ng Beato!
- Humina na ang ulan at nagyaya na si Jacky kumain sa Carpark. Grabe. Iwas baha dapat ang lakarin.
- Kumain na sila sa Carpark. Si Andy, David, Jace at Kevin sa Hotshots. Si Carlo, Chester, Chuckie, Geim, Jacky, Jobert, Mike at Vien ay sa mas murang kainan.
- Umuwi na si Jacky! Bye-bye...
- Bumalik sila sa pav at nakita nilang malalim pa rin ang baha!
- Biglang umalon nung may dumaan na mabilis na kotse. Takbuhan ang mga estudyante papasok ng gate ng UST. 'Di namalayan na nasagasaan na nila 'yung homeless na lalaki. "T*** I** naman eh. Nakakabunggo na kayo eh.", haha.
- Naglakad na sila Chester, Geim at Jace papuntang Petron sa may Rotonda para dun sumakay ng FX. Basa mga paa nila! Haha.
- Pinaalis na sila Andy, Carlo, Chuckie, David, Jobert, Kevin, Mike at Vien sa pav. Kaya naghanap na sila ng kanilang matutuluyan.
- Umulan nanaman bigla habang naglalakad sila. Sa gym sa may Eng. Complex sila tumuloy! Woohoo...
- Walang nakakaalam na nandun sila dahil patay lahat ng ilaw. Kaya solong-solo nila ang gym.
- Kuwentuhan lang sila habang nakahiga sa floor.
- Sinundo na maya-maya si Vien. Wow!
- Umalis na sila sa court ng mga 11:50pm. Naglakad na sila palabas ng UST.
- Umaalon pa rin ang baha sa Espana. Tumawid na sila ng overpass at nilakad papuntang Ministop.
- Happy Birthday Kevin! 12:00am na! September 5!
- Uwian na. Nahihilo na sila. Wala na ring baha.
Hey there. I know it's hard to feel like I don't care at all.
No comments:
Post a Comment