Saturday, September 16, 2006

Calling All Cars

Ngayon alam na nila kung paano ang buhay artista. Haha.

Highlights:
- 9:00am ang usapan para sa TV Art na project ng mga Fourth-year sa Advertising. Pero wala pa rin sila.
- Naunang dumating sa UST sa kanila ay si David at Carlo.
- Si Chuckie, Kevin at Andy ay nagsidatingan na rin ng mga bandang 12:00pm.
- Pinakain muna sila ng mga Adver bago mag start sa pag-shoot.
- Sa Elevator ang setting ng lahat ng shots para sa short film na gagawin nila.
- Naiwan na si Carlo sa pav. Pinuntahan na n'ya si Jobert.
- Okay naman ang pag-act nila kaya masaya lahat. Haha.
- Natural na natural ang kanilang pagganap ng mga role nila dahil nakaka-relate sila. Ito ang kanilang mga ginampanang tauhan:
David: James, ang hearthrob na may lihim na pagtingin kay Anna.
Kevin: Paul, ang lalaking malaki ang problema sa buhay, lalo na sa pera.
Chuckie: Alfred, ang player na boyfriend ni Anna.
Andy: Mico, ang mayamang parang walang problema sa buhay.
- 9:30pm na silang natapos mag-shoot. Pinaalis na sila ng guard.
- Laking pasasalamat nila sa kanilang apat.
- Pagbaba nila ay nakita na rin nila si Carlo at Jobert! Aga natin nagkita ah!
- Kumain na sila sa McDo Carpark! Grabe gutom na gutom na!!!
- Nagyaya 'yung mga Adver na kumain sa McDo Morayta. Libre daw nila. Pero ayos na daw sila.
- Umuwi na rin sila pagkatapos nun. Haaay... sa wakas!

Calling all cars we've got another victim. 'Cause my love has become an affliction.

No comments:

Post a Comment