Wednesday, December 20, 2006
Mookie's Last Christmas
Bago ang matagal-tagal na bakasyon, nandiyan muna ang Paskuhan!
Highlights:
- Dumating na rin dun ng maaga sila Jobert. Si Carlo naman ay kasama na si Diane.
- Tumambay na rin sila sa pav.
- Maya-maya ay dumating na rin ang iba. Katulad na lang nila Chester na kasabay si Andy at Kevin.
- Nagsimula na rin ang parade para sa Paskuhan. At kasama na ang IND!
- Si Mike ay si SUPER INGGO! Kala mo ha!
- Kinuha na rin nila ang dalawang gitara at kahon sa kotse ni Chester.
- Umupo na rin sila sa field. At naglatag sa puwesto nila.
- Nag-fireworks na rin pagkatapos ng mass. Tuition namin!!!
- Kumain na rin sila sa mga booths pagkatapos nun.
- Tumugtog na maya-maya ang Urbandub!
- Nanggulo at nanira naman ng gabi ang Spongecola.
- Nagpakasaya na lang sila sa field habang kumakanta't tumutugtog yung iba.
- Maya-maya ay natapos na rin ang program. Pinaaalis na rin sa field ang mga tao.
- Nag-dance showdown si Mike at si Jace. Isa nanamang karibal ni Mike!
- Umuwi na rin sila. Bakasyon na!
From throat and eyes, came winter and reasons. I'm told to carry on.
9:39 AM
Tuesday, December 19, 2006
Pulmonary Archery
Celebration na ng IND party, do or die game ng CFAD, celebration ng Judo Club, at iba pa.
Highlights:
- Tinatamad na ang iilan pumasok sa MP class nila. Isa na dun si Vien.
- Bumaba na rin si Pres. Jobert para kolektahin ang mga bayad nila para sa party.
- Si Geim ay wala pa rin. Nahuli ng pulis ang sinasakyan niyang pampasaherong dyipney.
- Pumunta na rin sila sa room para sa Christmas party ng IND 2-2.
- One-piece chicken ng KFC with rice ang ulam nila. With softdrinks and ice cream.
- Pinakamalas si Andy. Nahulog ang ice cream at ang liit ng chicken na nakuha. Hehe.
- Si Chester at Jace ay na-hyper nanaman. Lumalabas ang pagka-jolly.
- Pagkatapos nila kumain ay nagbigayan na ng regalo.
- Binigyan din nila ng message si Jeng para sa darating na debut nito sa January.
- Pagkatapos nun ay bumaba na rin sila at nanood ng game ng CFAD.
- Natalo ang CFAD. Pero magaling ang ipinakita ni Ebarde!
- Sina Carlo, Jobert at Kevin ay pumunta pa sa 1611 para mag-celebrate kasama ang Judo Club.
- Pagkatapos nun ay umuwi na rin sila.
Let's go! It's never too late to be early.
2:56 AM
Monday, December 18, 2006
Full Moon
HAPPY BIRTHDAY GEIM!Start na ng last week ng year 2006. Wohowa!
Highlights:
- Umagang-umaga at Theology class na nila with Sir Crispin.
- Last discussion na niya bago mag quiz.
- Pagkatapos nun ay kay Sir Pineda naman.
- Nagpa-quiz lang siya sa Physics at dinismiss din niya kaagad.
- Pumunta na rin sila sa pav pagkatapos nun.
- Kumain na rin yung iba. Sina Chester sa McDo pa bumili ng pagkain.
- Nauna na si Geim dahil magpapakain pa siya para sa kanyang birthday.
- Hindi na sila tumuloy kela Geim dahil nahiya na sila.
- Inaantay na lang nila mag 3:00 PM para makapag-PE na rin sila Carlo, Chester, Kevin, Jobert at Vien.
- Naiwan si Andy magisa sa pav.
- Bumalik na rin sila sa pav pagkatapos ng mga PE nila. Yung iba umuwi na rin kaagad.
- Pumunta si Andy, Carlo, Jobert at Kevin sa SM San Lazaro para maghanap ng mga pang-exchange gift nila bukas.
- Pagkatapos nilang makabili ay bumalik din sila sa UST.
- Naabutan nila dun sina Grace, John, Keso, Penny at mga kaibigan nila.
- Tumambay muna sila ng sandali sa UST Grandstand at umuwi na rin sila.
- Sinabay nila si Christine pauwi para may kasama ito.
Sitting on a corner all alone. Staring from the bottom of his soul.
6:26 AM
Friday, December 15, 2006
Don't Panic
Highlights:
- Sabi ni Andy ma-lalate daw siya sa pagdating pero siya pa unang dumating.
- Dumating na rin maya-maya sina Beth, Chester, Diane, Egoy, Jobert, Kevin at Vien.
- Kumain muna sila sa McDo sa may carpark.
- Nahulog ang Chicken Fillet ni Egoy. Bumawi siya at bumili ng McRice Burger.
- Bumalik na rin sila sa pav pagkatapos nun.
- Dumating na rin si Carlo sa school.
- Mineasure na rin nila ang mga bike sa labas ng Beato para makapagsimula na.
- Umakyat na rin yung iba sa room para dun gumawa ng life-size drafting ng mga bike.
- Tumambay na lang yung iba sa pav pagkatapos at inaantay matapos yung iba.
- Kasama nila sina Mike at Aps sa pav.
- Natapos na din sila Kev sa kanilang ginagawa.
- Maya-maya ay nagkayayaan na rin silang umuwi.
Bones sinking like stones. All that we've fought for.
8:10 AM
Thursday, December 14, 2006
This Apparatus Must Be Unearthed
Dacanay Day nanaman! Umaasang wala si Sir Dacs. Hehe.
Highlights:
- Umaga pa lang nasa UST na sila kasama ang mga IND 1-1 na gumagawa ng slippers plate.
- Si Vien kinikilig pag nakakakita ng orange!
- Pumasok na rin sila sa Literature class nila. Yung iba tinamad.
- Nag-introduce sila sa class ng isa-isa. Natawa nanaman sila kay Jolly Jace sa kanyang pag-introduce.
- Pagkatapos ng klase ay bumili na rin sila ng makakain sa labas at sa pav kumain.
- Maya-maya ay pumasok na rin sila sa Model Construction 2 class nila. Naiwan nanaman si Andy magisa.
- Lumabas din kaagad yung iba sa MC 2 dahil tinatamad na rin sila gumawa.
- Tumambay na lang sila sa pav.
- Sumapit na rin ang gabi at pumasok na sila sa Techniques 2 nila.
- Pina-render na rin sila sa wakas! Plastic bottle ang pinagawa ni Dacs.
- Nakakatulog na si Dacanay kaya dinismiss na rin niya ang klase.
- Nagsi-alisan na rin sila pagkatapos. May dalang kotse si Zoya.
- Kumain pa yung mga sumabay kay Chester.
I've been waiting for so long for someone to mend the blame. I've been searching for so long.
6:20 AM
Wednesday, December 13, 2006
A Love So Pure
Thursday na naman. Wala naman masyadong ginawa.
Highlights:
- Pumasok na ang mga estudyante ng maaga dahil 7:00 AM ang mga klase nila.
- Walang HOD at PA para dun sa mga irreg at IND 1-1.
- IND class naman nung iba.
- Pinalabas din sila maya-maya.
- Pagkatapos nun ay nagkayayaan na rin kumain sa carpark.
- Puno sa McDo kaya napilitan silang kumain sa KFC.
- Si Chester talagang magulang, sa ibang shop bumili ng extra rice. Hehe.
- Bumalik din sila sa pav pagkatapos nilang kumain.
- Pagkatapos nun ay pumasok na rin sila para sa kanilang Logic class.
- Biglang binuksan ang aircon. Lalo tuloy napasarap ang tulog nila Andy, Beth at Egoy.
- Dinismiss na rin sila pagkatapos. Next year na daw ang quiz. Yehey!
- Tumambay na lang ulit sila sa pav.
- Inaantay nila matapos ang dismissal nila Coy dahil sasabay siya kela Kevin.
- Nakasinghot ng resin si Andy.
- Naglaro sila Carlo, Coy, Jarra at Pat ng soccer gamit ang mga bears.
- Kasama rin nila sina John, Nino at Penny sa pav.
- Maya-maya ay umuwi na rin sila.
Always did it on my own. Then one day I realized I was blind.. nothing I could do on my own.
7:54 AM
Tuesday, December 12, 2006
Your Sword Vs. My Dagger
Judo IntramuralsThis is it. The time has come.
Highlights:
- Start na ng Judo intrams sa UST.
- Pumasok na sila Andy, Carlo, Jobert at Kevin kasama ang mga teammates nila.
- Mukhang madaming hindi nakatulog sa kakaisip. Hehe.
- Umagang-umaga ay nagstart na sila mag warm-up sa gym kasama lahat ng colleges.
- Nagstart na rin ang matches maya-maya.
- Dun na rin sila kumain sa loob ng gym. Free food!
- Pumunta rin sa gym sina Geim at Vien para suportahan sila.
- Nawala ni Vien ang reg. form ni Andoy. LAGOT KA!
- Dumating din para manood sina Coy, Pat, Chester, Jace at Chuckie.
- Gabi na natapos lahat ng laban.
- May nakahanda ng dinner para sa mga Judohista ng CFAD.
- Nag-awarding na rin sa mga nakakuha ng medal at placer.
- Umuwi na rin sila pagkatapos nun. Napagod sila!
ANDY - Bronze Medalist (-73 Weight Division)
Pinakaba mo ang mga tao dahil sa iyong mahimbing na pagtulog sa loob ng gym. Ngunit ipinatunayan mong kahit inaantok ang isang tao ay hindi ito dapat mapanghinaan ng loob.
CARLO
Magaling ang ipinakita mong determinasyon para manalo. Hindi ka nagpakita ng kahit anong senyales ng pagsuko. Alam naman naming pinapalakas ka ng iyong inspirasyon... kung ano man yun. Hehe.
JOBERT
Ipinatunayan mong hindi nasusukat ang galing sa bigat ng timbang. Kahit alanganin ka sa kalaban mong mas mabigat ay hindi ka nasindak. Yan ang aming presidente.
KEVINIpinakita mo sa amin ang iyong natatanging kalakasan sa larong ito. Pero sayang talaga! Panalo na eh! Hehe. Pero sa puso namin, ikaw ang tunay na panalo Keben.
Pasasalamat kela:
ABBIE - Bronze Medalist
CAMUS - Gold Medalist (-55 Weight Division), Men's Division MVP
CATHY - Bronze Medalist
C.J.
DIANE
E.L. - Silver Medalist (-81 Weight Division)
EMMAN
GRACE
JOHN - Bronze Medalist (-81 Weight Division)
KESO
PENNY
SELEENA - Bronze Medalist
TIMOTHY
YOHAN - Silver Medalist (-90 Weight Division)
at sa mga bumubuo ng buong CFAD Judo Team.
Malaking pasasalamat para kay
SIR JOHN. Siya ang pundasyon ng team na to. Kung wala siya ay wala ring magagawa ang mga manlalarong ito.
I'm cutting through your bleeding heart. And I would tell the truth, but I can't help myself.
7:10 AM
Monday, December 11, 2006
Cut That City
Tuesday na naman! Nag-s-start na rin ang intrams ng UST. Go CFAD!
Highlights:
- Umagang-umaga nasa UST na sila Andy, Carlo, Jobert at Kevin kasama ang ibang teammates para sa preparation nila sa Judo kinabukasan.
- Pumunta na rin sila sa dojo nila para magtraining.
- Excused naman sila Carlo, Jobert at Kevin sa mga klase nila sa buong araw.
- Sila Vien at Mike naman ay kumain kasama sila Coy.
- Wala ring IND class dahil may program ang guidance counseling.
- Nanood din sila ng soccer game ng CFAD at Archi. Nanalo ang CFAD (3-0).
- Nagpatimbang na rin ang mga Judo players mula sa iba-ibang colleges.
- Ibinigay na rin sa kanila ang kanilang mga mahiwagang JUDO-GI.
- Tumambay na rin sila sa pav kasama si Coy.
- Umuwi na rin sila maya-maya.
- Sila Andy, Chester, Coy at Kevin ay nag-taxi pa papuntang Pipeline para puntahan si Lucian.
- Hinatid sila ni Lucian sa kani-kanilang mga lugar.
Neonecropopulace has no reflection. Neocaeczaristic phallic ruins.
5:40 AM
Saturday, December 09, 2006
Flee The Factory
FIELD TRIPSa wakas. Nagkaroon din ang IND ng field trip.
Highlights:
- Six o'clock pa lang ng umaga ay nasa UST na sila para sa kanilang field trip.
- Sumakay na rin sila sa bus. Late na rin silang nakaalis.
- Hindi nagising si David. Naiwanan siya ng bus.
- Nagsimulang tumulo ang tubig na galing sa aircon ng umandar na ang bus.
- Si Andy naman ay pumunta din palang UST ng mga 6:30 AM. Balak niyang antayin matapos ang field trip.
- Nakarating din ang mga IND students sa kanilang mga destinasyon sa Novaliches at Marikina.
- Pinuntahan din nila ang pagawaan ng Rusty Lopez.
- Nagkatuwaan sila dahil kay Jace na ginagaya si Manny Pacquiao. Naka-bonnet at jacket pa. Hehe.
- Sumakay na rin sila ng bus pabalik sa UST.
- Nakarating sila ng school ng mga 4:30 PM.
- Naabutan nila si Andy sa pav. Tuwang-tuwa naman.
- Tumambay muna sila at kumain ng cheese burger at egg burger!
- Pagkatapos nun ay umuwi na rin sila dahil sa pagod.
One hoped they'd break the patent when they die me in stride. One hoped they'd die break the mold.
3:02 AM
Friday, December 08, 2006
Anna Molly
Thursday, December 07, 2006
(Late nanaman ang blog-posting. Sensya na.)
Highlights:
- HOD 2 class nanaman ng mga HOD boys!
- Reporting nila Andy, Geim, Egoy at Julius kasama ang mga kagrupo nilang 1-1.
- Pagkatapos nun ay PA class naman nila.
- IND class naman ng mga di pa bumabagsak at gumagawa ng concepts dahil mag-checheck na.
- Kumain na rin sila sa pav pagkatapos ng mga klase nila.
- Naayos ni Jacob ang string na naputol sa gitara ni Andy.
- Logic class na nila pagsapit ng ala-una.
- Sumakit nanaman ang ulo nila sa kakaisip.
- Tambay sa pav pagkadismiss sa kanila.
- Tinamaan ng bola sa mukha si Chester, kawawa naman.
- Si Mike na lang ang inaantay para makapunta na silang Montalban.
- Pumunta na rin sila sa Montalban. (Andy, Chester, David, Jobert, Kevin at Mike)
- Pagpunta dun ay nagcelebrate na sila para sa kaarawan ni Chester!
Friday, December 08, 2006
Highlights:
- Gumising na rin sila kela Chester.
- Isa-isa na rin silang naligo para makaalis na rin sa bahay nila Zoya.
- Ginamit din nila ang webcam para makita sila ni Coy.
- Umalis na rin sila dahil may pupuntahan pa sila.
- Pumunta na rin ng UST sila Andy, Jobert at Kevin samantalang si David at Mike ay humiwalay na.
- Hindi sila nakapagtraining sa Judo dahil na-late sila.
- Napa-DotA tuloy sila kasama ang buong CFAD Judo Team.
- Nanood din sila ng mga Judo match sa YouTube.
- Naghanap na rin sila ng money changer pero wala silang makita.
- Umuwi na rin sila pagkatapos.
A cloud hangs over. This city by the sea.
5:27 AM
Wednesday, December 06, 2006
Angel Below
Wednesday nanaman. Wala nanamang pasok pero pasok pa rin.
Highlights:
- Training nanaman ng mga Judo boys sa umaga!
- Tinuro sa kanila ang mga penalty sa intrams.
- Hindi pumasok si Kevin dahil sa sakit ng katawan.
- IND subject na ni Egoy sa IND 2-1.
- Si Jolly Jace at ang Jolly Cube na kaya niyang tapusin in less than ten seconds.
- Kumain na rin sila sa pav. Bumili na si Carlo at Jobo sa My Family Tree ng pagkain.
- Nagpatimbang na rin sa Health Service si Carlo, Chester, Chuckie at Jobert.
- Tumambay lang muna sila sa pav.
- Kasama nila sila Coy, Pat, Minnie at Jarra.
- Nagdradrawing nanaman si Egoy ng mga chibi-version nila.
- Umuwi na rin sila Andy, Coy, Jace at Chester.
- Naiwan pa sila Carlo at Jobert kasama mga Judo-mates.
- Mamaya ay umuwi na rin sila.
You took me over the edge. And left me there to fall by myself.
5:58 AM
Tuesday, December 05, 2006
Macaulay McCulkin
Wag niyo mamaliitin ang skills ng isang Jolly Crew na katulad ni Jolly Jace!
Highlights:
- Judo training! Wala si Andy dahil hindi nagising!
- Si Chester di naabutan si Elaine sa school kaya malungkot nanaman.
- Masyadong natuwa si Chester kay Batista sa P20 kaya di naiwasang may aksidenteng mangyari. Hahaha!!!
- Si David tuwang-tuwa sa kanyang nasaksihan!
- Kumain na rin sila sa pav pagkatapos nun.
- Si Jolly Jace ay nagpakalbo na! Whoa! Jaosin!
- Tinatamad na sila mag IND. Bad!
- Hindi pa rin nakakagawa sila David, Chuckie, Jace at Julius ng SM nila.
- Gumawa na rin sila sa field.
- Si Jacky naman at Vien ay gumawa na rin ng sa kanila.
- SM na rin pagsapit ng 6:00 PM.
- Nagreport na rin sila ng kani-kanilang mga gawa
- Pinauwi na rin sila ng mga 9:00 PM.
With a black heart undercover, watching you sleep every night. I wish you'd watch me too.
7:58 AM
Monday, December 04, 2006
ROCKSTAR NAILBOMB!
Umiiral nanaman ang katamaran ng mga estudyante! Masama yan! Hehe.
Highlights:
- Theo quiz nanaman. Pero pag si Sir Crispin, walang dapat ikatakot.
- Nagpagawa ng t-shirt design si Sir para sa program ng mga first-year.
- Physics na at andaming hindi pumasok. Kayo talaga.
- Nabitin ang hinandang report ni Andy. Hindi pa naman natulog yun.
- Lumabas din kaagad sila pagkatapos ng Physics.
- Tumambay lang sila sa pavilions.
- Si Carlo, nambababae nanaman! Joke lang.
- Tinulungan ni Andy sila Gwendolen at Lianne sa kanilang ginagawang cards.
- Si Chester nag-prapractice nanaman mag-English.
- Si David naman ay kasama si Carla.
- Inaantay nila si Lucian para may kasabay sila pauwi.
- Umuwi na rin sila pagkadating ni Lucian sa UST.
Said So! The sweetest voice sings the Siren's song!
6:24 PM