Tuesday, November 21, 2006
Smile In Your Sleep
Nakakapagod ang araw na ito. Pero gaya nga ng sabi ni Jolly Jace... BREAK IT DOWN!
Highlights:
- Naunang dumating sa UST si Chester at Mike. Gumagawa sila ng plates nila.
- Natataranta na sila Chester at Carlo dahil wala pa rin silang concepts sa IND.
- Dumating din maya-maya ang mga mag-tra-training para sa Judo.
- Nag-PE din si Beth, Jeng at Rochelle sa Football.
- Pumunta na rin sa training ng Judo si Andy, Carlo at Jobert. Si Jace at Mike naman ay pumunta na sa Football PE nila.
- Nabukulan si Andy dahil sa tumamang paa sa kanyang kilay.
- Si Carlo ay hindi nakahinga ng sandali nang pinaglaban sila ni Andy sa submission technique.
- Si Jobert naman ay muntikan nanamang mamatay dahil sa paglaban nilang dalawa ni Kevin.
- Pagkatapos ng Judo nila ay kumain na rin sila sa P. Noval.
- Nagkita-kita na rin sila sa pav pagkatapos nun. May IND class pa yung iba.
- Inasikaso na nila kung paano na gagawin nila sa kanilang mga Bicycle concepts.
- Magkasama lang sa pav si Andy, David, Egoy, Jacky, Julius at si Mike.
- Gusto lumipat ni Mike sa kabilang pav dahil andun si... sorry Mike. WAF ka kasi.
- Hyper nanaman si Jolly Jace. Kinakanta niya ang unreleased track na cinompose niya, ang "BURY YOUR JOLLY HEAD.", original ng Saosin.
- Inaantay na lang din nila mag 6:00 PM para sa SM class nila mamayang gabi.
- Pagdating ng mga 4:30 PM ay dinismiss na sila sa IND class nila at pumunta na silang pav.
- Nakasama nila si Carla, Danelle at mga kaklase nito malapit sa field.
- Nakita rin nila dun ang isang babae na nagpayanig ng kanilang mundo. Wala pang codename eh.
- Umuwi na rin ng mas maaga ang mga walang SM class.
- Pumasok na rin sila David sa SM class nila.
- Dinismiss din sila kaagad at tumambay muna sandali.
- Umuwi na rin sila pagkatapos nun.
When I'm lying in your bed, play the motions through my head. You know that I'm thinking, I'm thinking.
4:58 AM