Thursday, November 09, 2006
Feeling This
Wala pa ring pinapagawa hanggang ngayon... Kakatamad pa. Hehe.
Highlights:
- Umaga pa lang ay nandun na si Andy, Egoy, Geim at Julius para sa kanilang HOD 2 class! Kasama nanaman ang IND 1-1.
- Walang prof kaya nagsibabaan na rin sila.
- Tumambay muna sila sa pav at may dalang gitara si Andy at Egoy.
- IND naman ng mga regular students. Mukhang pahirap na nang pahirap ang pinapagawa sa kanila ni Sir Buni.
- Binigay na rin ang groupings para sa Kite at sa IND plate.
- Pumasok ulit ang mga irreg sa pangalawang klase nila, PA. Pero wala pa ring prof kaya tambay na lang ulit.
- Maya-maya ay umakyat na rin sila para sa Logic class nila. First day pa lang naman kaya wala pa masyadong ginawa.
- Nag-introduce ang mga estudyante sa bago nilang prof.
- "Sir, you can call me JACE.", ang sabi ni Jace. Hehe.
- "I'm expecting to learn from the master of Logic.", ang sabi ni Carlo kay Sir. Sipsip!
- Pagkatapos nun ay dinismiss din sila ng maaga-aga at dumeretso na sila sa pav para tumambay.
- Nandun lang sila sa pav. Tambay mode...
- Puwede na magtayo si Kevin ng guitar-learning school dahil sa dami niyang tinuturuang mag-gitara.
- Hiniram ni "Future Kevin" 'yung gitara at tumugtog din. Tawa ng tawa si David.
- Na-addict sila sa pagtugtog ng "My Heroine" at si Carlo ay nagkaroon na ng silbi bilang bokalista. Haha.
- Masama pa rin ang araw ni Chuckie dahil sa hindi pagkatanggap sa kanya sa CFAD Basketball Team.
- Inabot na sila ng gabi pero nandun pa rin sila.
- Maya-maya ay umuwi na rin sila dahil baka ma-late pa silang umuwi.
I got no regret right now. I'm feeling this.
6:50 AM