Friday, November 10, 2006
Different


Friday na. Mukhang "Dacanay Day" nanaman ang araw na 'to katulad last sem.
Highlights:
- Ang aga-aga ay nandun na sila sa UST.
- Inaantay lang nila mag 10:00 AM para makapasok na sila sa Literature class nila.
- Wala silang prof kaya wala nanaman silang ginagawa.
- Umakyat na lang muna sila sa 7th floor para bumili ng CFAD Shirt dahil malapit na ang college week.
- Bumaba ulit sila para tumambay sa pav dahil 1:00 PM pa ang next class nila.
- Kumain na rin sila Carlo, Jobert, Egoy ng kani-kanilang mga baon. 'Yung iba naman bumili pa para makakain.
- Pagsapit ng 1:00 PM ay pumasok na sila para sa kanilang MC 2. Naku, first meeting pa lang pero pinagawa na sila kaagad ng plaster mold.
- Hindi nag MC 'yung iba dahil wala pa silang mga materials kaya tumambay na lang sila sa pav.
- Ni-wiwish ni Vien na sana hindi si Dacanay ang prof nila mamaya sa Techniques dahil sigurado pahirapan nanaman.
- Pumasok na rin sila sa Techniques nila at si Sir Dacs nga ang prof. Patay tayo diyan!
- Pinagawa sila ng freehand perspective at napagalitan sila kaagad.
- Binigyan sila ng assignment at dinismiss na rin pagkatapos.
- Pumunta pa rilang Eng. Complex para sa concert pero mukhang tapos na! Haha!
- Kumain na lang sila sa Ministop at umuwi na rin pagkatapos.
Tell myself, on the ride home. Getting tired, hating all I've known.
7:55 AM