Friday, October 13, 2006
You're Not Alone
This day may be the last for others. But as long as you have that 'will', there will always be a way.
Highlights:
- First thing in the morning, Techniques finals. Pinagawa sila ni Sir Castro ng mas advance na Perspective view.
- Late na rin dumating sila Emerson, etc. Pero nakaabot naman sila sa time para makapag-take ng exam.
- Dumating din ang mother ni Chester para pakiusapan si Sir Castro na magpa re-sched ng exam dahil nagkaroon ng complications sa mata ni Chester. Pero 'di rin pumayag si Sir dahil unfair.
- After ng mga one and a half hour. Dumating si Andy sa classroom. Pero 'di na s'ya pinayagang mag-exam ni Sir. Kaya ang highest daw na grade n'ya ay INC.
- Nung tinanong si Andy kung bakit s'ya late. "Sir, hindi po ako ginising."
- Si Egoy naman ay maiiyak na sa sobrang pressure sa kanyang Technique plate. Maling size kasi ng illustration board ang kanyang nagamit para sa plate n'ya.
- Si Carlo naman ay tinatamad na tapusin ang kanilang plate.
Carlo: "David, gagawa ka pa nung plan?"
David: "Ha? Oo."
(Maglilibot si Carlo sa classroom.)
Carlo: "Oh wala pang plan 'yung iba oh."
"Five minutes na lang oh. 'Di na natin matatapos."
- Tinapos kaagad ni Carlo at David ang kanilang Techniques plate. Matapos nun ay pinuntahan na nila si Andy sa pav para samahan.
- Sila Kevin at 'yung iba naman ay pinapaganda pa rin ang kani-kanilang mga gawa.
- Natapos na rin ang Techniques class for the first semester.
- Sumakay ng elevator si Carlo at Kevin. Nakasabay din nila sila Chi, Jenice at Mads. Biglang humirit si Carlo ng "Ang bango.". Hiyang-hiya si Kevin na kasama n'ya si Carlo nung panahon na 'yun.
- Kumain na rin sila pagkatapos nun. 'Yung iba kumain sa labas, 'yung iba sa pav.
- Pagkatapos nun ay Physics class naman kasama si Sir Paner.
- Natapos kaagad nila ang exam ng walang kahirap-hirap. Idineklara naman ni Sir na wala raw babagsak.
- Pagkatapos nun ay pumunta na sila sa room ng section 1 para ipasa ang kani-kanilang gawa sa MC.
- Kinausap na rin ni Sir Dacanay 'yung mga alanganin sa kanyang subject.
- Haaay... tapos na rin sa wakas. Pumunta na sila sa pav, ang kanilang tambayan.
- Pagdating nila dun ay nakasama na rin nila si Mike.
- Nagusap-usap na lang sila tungkol sa kung ano magiging resulta ng kanilang mga ginawa nitong semester.
- Pero naisip na lang din nila na mas mabuti pang huwag muna nilang isipin ito. Kaya nagkuwentuhan na lang sila at nagharutan.
- Maya-maya ay biglang umulan ng malakas at sila'y sumilong sa pav. Napansin nilang masyadong over-crowded ang pav samantalang walang katao-tao 'yung ibang pav.
- Pagkatapos ng sobrang tagal na pananatili sa paviliones ng UST ay umuwi na rin sila.
That's just like him. To wander off in the evergreen park.
8:37 AM