Friday, October 13, 2006
You're Not Alone
This day may be the last for others. But as long as you have that 'will', there will always be a way.
Highlights:
- First thing in the morning, Techniques finals. Pinagawa sila ni Sir Castro ng mas advance na Perspective view.
- Late na rin dumating sila Emerson, etc. Pero nakaabot naman sila sa time para makapag-take ng exam.
- Dumating din ang mother ni Chester para pakiusapan si Sir Castro na magpa re-sched ng exam dahil nagkaroon ng complications sa mata ni Chester. Pero 'di rin pumayag si Sir dahil unfair.
- After ng mga one and a half hour. Dumating si Andy sa classroom. Pero 'di na s'ya pinayagang mag-exam ni Sir. Kaya ang highest daw na grade n'ya ay INC.
- Nung tinanong si Andy kung bakit s'ya late. "Sir, hindi po ako ginising."
- Si Egoy naman ay maiiyak na sa sobrang pressure sa kanyang Technique plate. Maling size kasi ng illustration board ang kanyang nagamit para sa plate n'ya.
- Si Carlo naman ay tinatamad na tapusin ang kanilang plate.
Carlo: "David, gagawa ka pa nung plan?"
David: "Ha? Oo."
(Maglilibot si Carlo sa classroom.)
Carlo: "Oh wala pang plan 'yung iba oh."
"Five minutes na lang oh. 'Di na natin matatapos."
- Tinapos kaagad ni Carlo at David ang kanilang Techniques plate. Matapos nun ay pinuntahan na nila si Andy sa pav para samahan.
- Sila Kevin at 'yung iba naman ay pinapaganda pa rin ang kani-kanilang mga gawa.
- Natapos na rin ang Techniques class for the first semester.
- Sumakay ng elevator si Carlo at Kevin. Nakasabay din nila sila Chi, Jenice at Mads. Biglang humirit si Carlo ng "Ang bango.". Hiyang-hiya si Kevin na kasama n'ya si Carlo nung panahon na 'yun.
- Kumain na rin sila pagkatapos nun. 'Yung iba kumain sa labas, 'yung iba sa pav.
- Pagkatapos nun ay Physics class naman kasama si Sir Paner.
- Natapos kaagad nila ang exam ng walang kahirap-hirap. Idineklara naman ni Sir na wala raw babagsak.
- Pagkatapos nun ay pumunta na sila sa room ng section 1 para ipasa ang kani-kanilang gawa sa MC.
- Kinausap na rin ni Sir Dacanay 'yung mga alanganin sa kanyang subject.
- Haaay... tapos na rin sa wakas. Pumunta na sila sa pav, ang kanilang tambayan.
- Pagdating nila dun ay nakasama na rin nila si Mike.
- Nagusap-usap na lang sila tungkol sa kung ano magiging resulta ng kanilang mga ginawa nitong semester.
- Pero naisip na lang din nila na mas mabuti pang huwag muna nilang isipin ito. Kaya nagkuwentuhan na lang sila at nagharutan.
- Maya-maya ay biglang umulan ng malakas at sila'y sumilong sa pav. Napansin nilang masyadong over-crowded ang pav samantalang walang katao-tao 'yung ibang pav.
- Pagkatapos ng sobrang tagal na pananatili sa paviliones ng UST ay umuwi na rin sila.
That's just like him. To wander off in the evergreen park.
8:37 AM
Thursday, October 12, 2006
I'll Be Here Awhile
Two days na lang, sembreak na. Kaya n'yo 'yan, 'wag kayo susuko!
Highlights:
- Umaga pa lang pumasok na si Andy, Egoy at Geim para sa kanilang HOD1 exam kasana ang mga first-year students.
- Buti naman at nakapagaral pa sila at natapos nila ang exam nang nakangiti.
- Nalungkot naman ang mga may PE. Wala na kasing meetings dahil Finals exam na.
- Nagkita-kita ulit sila sa pavilion pagkatapos ng klase.
- 'Yung iba ginagawa pa rin ang MC plates nila dahil pasahan na mamaya.
- MP class na nila. Kahit wala masyadong nag-aral ay nakangiti ulit silang umalis ng room. Haha.
- Pumasok kaagad sila sa MC room nila. Para matapos na ang kani-kanilang mga plaster.
- Sinamahan ni David si Andy sa pav gumawa ng plate.
- Natapos na rin ng iba ang kani-kanilang MC plates!
- Pagbalik ni David sa room ay dinismiss na ni Sir Dacanay ang klase. Wala na ring meeting sa D. Geom mamayang gabi.
- Tumambay na lang sila sa pav at kumain. Gumawa na rin sila ng plate pagkatapos nun.
- Nagkayayaan na rin umuwi maya-maya. Kaya umalis na rin sila.
I'll be here awhile ain't going nowhere. I'll be here awhile ain't going nowhere
8:53 AM
Wednesday, October 11, 2006
Young And Aspiring
Wooo... Na'ko naman. Finals na sa Math!
Highlights:
- Umaga pa lang nasa UST na 'yung iba sa kanila kahit walang pasok sa IND subject nila.
- Freehand drawing finals na ng IND 1-1. Tinatapos na nila ang kani-kanilang mga plates.
- Tumambay lang sila sa pav. 'Yung iba nagaaral para sa Math. 'Yung iba kumakain. Si Andy tulog nanaman.
- Dumating na rin si David sa pav kasama nila.
- Pumasok na rin sila pagdating ng mga 1:00pm para sa Math exam nila.
- Start na ng exam at madami-dami ang items ng test pero kayang-kaya naman.
- Pagkatapos ng exam ay nagsilabasan na rin sila at pumunta na sa pav para tumambay.
- Tinatapos na rin nung iba ang kani-kanilang mga MC plates.
- Nag usap-usap na rin sila Geim, Egoy at Andy na maagang pupunta sa school kinabukasan para magaral sa HOD1 nila.
- Ginabi na sila sa pav at dun na rin sila nag-dinner.
- Nagyaya na umuwi si Andy kaagad. Nagulat si Kevin dahil first time nangyari 'yun.
- Umuwi na rin sila. Inantay lang nila magayos ng gamit si Mike at umalis na sila sa pav.
- Kela Chuckie nag-stay si Mike dahil wala pa itong sundo. 'Wag kayo magaaway ah!
So let's not even try, you're right, let's ball it up and throw it out the window. It's becoming all so clear in my mind.
7:35 AM
Tuesday, October 10, 2006
Rooftops
Wala nanaman pasok. Pero pumasok pa rin sila. Haha. Gagawa ng plates!
Highlights:
- Umaga pa lang nandun sila Carlo, Geim, Egoy at Jobert sa pav.
- Dumating na maya-maya si Andy, Chuckie, David, Mike at Kevin.
- Nanggaling pa sila sa bahay ni Kevin at may dalang gitara si Andy.
- Kumain muna 'yung iba at naiwan si Andy at Mike kasama sila Chi, Mads at Jenice sa pav.
- Bumalik din kaagad 'yung mga kumain at nauna na pumunta sa bahay nila David dahil mukhang matatagalan pa si Egoy matapos sa LC1 plate n'ya. Nagpaiwan si Andy para samahan s'ya.
- Tinapos na ni Andy 'yung plate ni Egoy habang nagbabayad siya ng finals n'ya.
- Sa bahay naman nila David ay nagbasketball muna sila bago gumawa ng kanilang MC plate.
- Nagbago ang isip ni Egoy at nagpasiyang 'di na sumama kela David.
- Pumunta na si Andy at Mike sa bahay nila David. May dala-dala silang mga pagkain.
- Gumawa na rin sila ng kani-kanilang mga mold para sa MC habang si Mike ay gumagawa ng plate para sa Ad Design.
- Nag b-break din sila at naglalaro muna ng basketball. Haha.
- Kumain na rin sila sa loob ng bahay nila David. Wooow... sarap.
- Gumawa ulit sila pagkatapos nun ng second mold. Hirap!
- Si Andy nakatulog sa upuan! Nilagyan nila ng bigote at kilay na galit tapos pinicturan! Hahaha.
- Biglang nagising si Andy! Kanya-kanya sila ng puwesto pinuntahan para 'di sila mahalata.
- Natapos na rin sila sa wakas. Nilinis na nila ang clubhouse at nagimpake na.
- Sabay-sabay na sila naglakad paalis sa bahay nila David at umuwi!
When our time is up, when our lives are done, will we say we've had our fun? Will we make a mark this time?
11:46 AM
Monday, October 09, 2006
F.C.P.R.E.M.I.X.
Start of Finals week. Grabe naman... akala natin tapos na dahil tapos na ang IND. But we were wrong.
Highlights:
- Pinadala ulit ni Sir Buni ang mga gawa nila sa IND dahil nakalimutan n'yang lagyan ng deductions 'yung iba.
- Nasa pav lang sila. May exam pa sila sa Philo mamayang hapon kaya 'yung iba nag-aaral.
- Kumain na din sila ng kanilang baon. 'Yung iba sa labas pa kumain.
- Nagkayayaan maglaro ng DotA. Naglaro sila ng dalawang beses. Panalo parehas.
- Pagdating ng 1:00pm ay pumasok na sila sa room para sa Philo exam nila.
- Chineckan kaagad ni Sir Ortega ang mga papel nila at iilan lang ang mga pumasa. Halos lahat ay below 40 ang score! 100 ang total score nung exam. Haha.
- Nakakuha si Jace 70 points! Whoa! Niloko s'ya ni Andy, sabi nito na 20 lang ang score n'ya, +50... naging 70. Kaya umuwing malungkot si Jace.
- Tumambay na lang sila sa pav. Nanaman.
- Nanood si David, Carla at Chuckie ng laban ng UST at JRU. 63-65, talo ang USTe... ayos lang 'yan. Sayang two points!
- Bumalik na silang tatlo sa pav at inabutan pa rin sila Carlo dun.
- Nag-Ministop muna sila at kumain kasama si Mike.
- Umuwi na rin sila pagkatapos nila mag Ministop.
Slow down this is slippin' through my mind. This conversation has run out of time.
7:47 AM
Friday, October 06, 2006
Some Will Seek Forgiveness, Others Escape
Sa wakas. Malapit na ang finals week... grabe!
Highlights:
- Techniques class nanaman with Sir Castrooo. Tinuruan na sila mag perspective ng loob ng isang bahay.
- Mas madali ito kung i-cocompare sa mga naunang plate. Nice.
- Pagkatapos ng Techniques 'yung may mga baon sa classroom na kumain. 'Yung iba sa My Family Tree na kumain.
- Dumating na rin maya-maya si Sir Paner sa classroom at nag-drama na tungkol sa pag-complain ng ilang estudyante sa kanya tungkol sa kanyang performance.
- Last hour ng class at nag-film showing na about "Future Cars". Wooow.
- Dismissed na sila! Bumaba na rin sila pagkatapos nun at tumambay sa pav as usual.
- Tambay mode lang hanggang ginabi na sila dun.
- Penelope alert. Haha. Gets n'yo na 'yun. Penelope Unit 03.
- Kasama din nila si S.D. at Mike Motus sa pav. Gumagawa ng plate si Mike.
- Nag-picturan sila gamit ang phone ni David. Haha. P'wede na sila gumawa ng mga GIF's.
- Gustong-gusto na ni Carlo mag-DotA pero walang gana maglaro si Andy kaya 'di na rin sila naglaro.
- Tumambay na lang sila sa field at pumuntang Ministop maya-maya.
- Pagkatapos nun ay nagsiuwian na rin sila.
I heard a voice through the dischord of a deluge of passers-by. I saw one gaze frozen in time.
9:10 AM
Thursday, October 05, 2006
Liar
Isa nanamang mahaba-habang araw... Thursday.
Highlights:
- HOD nila Andy, Egoy, Geim at Julius kasama ang mga 1-1. Mukhang tinatamad si Ms. Mendoza magturo dahil puro break ang nangyari.
- Dinrawing ni Gwen si Andy. Fast-sketching!
- PE naman nila Carlo, Chester, Jacky, Jobert, Kevin at Vien sa Football. Written exam lang tapos dinismiss na rin sila pagkatapos nun.
- Pagkatapos ng PE nila ay pumunta sila sa Nitz para gumawa ng Finals nila sa Literature.
- Sila Egoy naman ay gumawa na sa pav ng mga IND nila dahil 'di pa sila tapos.
- Maya-maya ay pumasok na sila sa MP nila. Pero wala si ma'am.
- Pumasok na rin sila sa MC nila pagdating ng 1:00pm.
- Binibisita na lang nila si Andy sa pav dahil 'di pa s'ya tapos sa IND.
- Pagkatapos ng MC nila ay tumambay muna sila sa pav at kumain.
- Binigyan si David ng daddy n'ya ng pera as a birthday gift kaya kain lang ito ng kain.
- Maya-maya ay umakyat na sila para sa D. Geom nila.
- 'Yung iba ay nagpa-report pa kay Sir Buni sa 5th floor ng kani-kanilang mga Toilet Bowl Cleaner.
- Umalis din kaagad si Sir Dacanay kaya maaga-aga ang uwian nila.
- Tumambay muna sila sa pav pagkatapos nun.
- Nawawalan na ng pagasa si Carlo kay CSG. Wala na 'to. Sumusuko kaagad.
- Nag-Ministop na rin sila at tinikman ang iba-ibang inumin dun.
- Umuwi na rin sila maya-maya.
All our secrets they are tailored trouble. Draped loose now around your hips.
8:47 AM
Wednesday, October 04, 2006
Buried A Lie
Tuesday, October 3, 2006
(Delayed dahil sa sa sobrang pressure sa plates.)
Kung 'yung iba may group-study, tayo may group-drafting! Hahaha.
Highlights:
- Na-decode na ni Detective Andy and Kevin ang isang puzzle. Playing our games, hmmm...
- Nag-PE na si Andy, Jace at si Bais sa Basketball COED. Written exam lang.
- Binakla ni Sir Anselmo si Andy! Hahaha. Kadiri!
- Nasa pav lang sila pagkatapos. Nagsisidatingan na ang mga tao para gumawa ng kani-kanilang mga IND.
- Pagkatapos mag klase ng mga LC boys ay nalaman ni Andy na 'di pumasok si Penelope. Awww...
- Inaantay ni Jobert at ni Andy si Carlo para makapunta na sila sa bahay nila Kevin.
- Nalaman nilang matatagalan pa si Carlo kaya nauna na sila pumunta dun.
- Makakasabay sana nila sa FX si Arki Chick III kundi dahil sa katangahan ni Jace! Grabe.
- Pagdating ni Jobert at ni Andy dun ay kagigising lang ni Kevin. Nag-relax lang muna sila. Nakay Carlo pa ang gamit ni Jobert.
- Maya-maya ay dumating na rin si Carlo. Gumawa na rin sila.
- Dumating na ang dalawang ate at daddy pagsapit ng gabi.
- Pinakain na sila ng dinner. Crabs, veggies and beef... Mouth-watering...
- Gawa ulit pagkatapos at umakyat na sila maya-maya sa attic.
- Nag-draft na silang tatlo maliban kay Andy. Inaantok na dahil dalawang gabi nang walang tulog.
- Nakatulog na nga si Andy at ginising na nila ito para maligo dahil tapos na si Kevin.
- Tapos ni Andy ay si Jobert. Tapos si Carlo at kumain na sila ng breakfast.
- Nagpatawag na rin sila ng taxi at pumuntang USTe! Lahat tulog sa taxi haha.
Wednesday, October 4, 2006
Pasahan na ng IND! Lagooot! Hahaha.
Highlights:
- Bumaba na sila Carlo, Kevin, Andy at Jobert galing sa taxi na sinakyan nila.
- Nakita nilang naka-yellow pa rin ang ibang mga estudyante. Umakyat na rin sila.
- Tuloy sila sa paggawa ng drafting dahil 'di pa sila tapos.
- 10:00am daw ang deadline sabi ni Sir Buni. Madami pang 'di tapos. May deduction na kapag late.
- Pagkatapos ng IND ay pumunta na sila sa My Family Tree para dun kumain.
- Bumalik din sila pagkatapos at pumunta sa loob ng room dahil malapit na mag Math.
- Absent si Sir Pineda kaya 'di pa rin dumadating. Nakatulog na ang mga estudyanteng walang tulog.
- Pagdating ng 4:00pm ay lumabas na sila ng room para tumambay sa pav.
- Nabalitaan nilang may victory concert daw na gaganapin sa harap ng Main Bldg. May mga bandang tutugtog katulad ng Parokya Ni Edgar, Mojofly, atbp.
- Pagdating ng gabi ay pumunta na sila David at Carla dun para manood at umuwi rin maya-maya.
- Sumunod naman sila Andy, Jobert, Kevin, Mike at Chuckie. Pero sa field na lang sila umupo para antayin ang fireworks.
- Nagulat sila at may biglang sumabog sa gilid nila. Fireworks na! Parang courtside tickets ang nabili nila!
- Pagkatapos nun ay tumambay ulit sila sa pav at nung pinauwi na si Kevin ay nagsiuwian na rin sila.
Rest in peace girl. Your death is such a shame.
6:32 AM
Monday, October 02, 2006
Chariot Of Fire
Monday!? Na'ko! UAAP Finals na ng Growling Tigers! ROAAAR!
Highlights:
- Waaa... halos lahat ng tao naka-yellow to give support sa basketball team ng UST!
- IND nanaman... nako naman. Wednesday na ang deadline pero wala pa silang masyadong nagagawa!
- Pinagtripan nila si Zoya. Chester "The Failure" Santos! Hahaha.
- May dalang sander si Egoy. Lumabas sila ng bintana para dun mag sand.
- Maya-maya ay dinismiss din sila. Suspended na rin pala ang classes to give honor sa game 3 ng Ateneo-UST game.
- Umalis na si Chuckie para manood ng game sa Araneta Colosseum.
- Tumambay lang sila sa pav. Kasama nila ang grupo nila Penelope III.
- Maya-maya ay umalis na si David para manood ng game sa may gym kasama si Carla.
- Pumasok na rin sila sa lobby para panoorin ang game.
- Kinakalikot nila Penelope III ang turtle keychain sa bag ni Andy.
- Nakaka-tense ang game! Overtime thriller!.. Panalo UST!
- Si Chuckie naman pagkatapos ng game ay dumeretso ng Gateway para kumain at nakita si Tittel at ang kanyang girlfriend. PROVEN!
- Sa UST naman ay tumambay ulit sila sa pav. Nakita na nila si David at Carla.
- Maya-maya ay dumating na sa UST ang basketball team habang umuulan ng malakas. Nag-parade sila.
- Pinahintay muna nila bumaba ang baha sa may Espana at tsaka umuwi.
- UST 2006 UAAP Basketball Champions! Haha. Yeaaahhh... underdog story ah.
He had a plan to kill you all along. The evidence was hidden in this song.
8:47 AM