Monday, September 25, 2006
Super OK
What a day. Iba na rin talaga ang panahon ngayon. May mga nagbabago para sa ikabubuti o sa ikakalala.
Highlights:
- Monday nanaman. IND na nila at pinasisimula na sila gumawa ng kani-kanilang mga prototype.
- Si Andy naabutan ni Jobert na gumagawa sa pav ng kanyang IND. Pinapaakyat n'ya ito pero 'di na lang daw.
- Dumating si Mike maya-maya sa pav. May kasama na si Andy. Yeah...
- Nakilala ni Andy si Penelope III.
- Maya-maya natapos na rin ang IND nila at nagsibabaan galing classroom.
- Si Carlo ay sabog. Si Carlo ay tsismoso. Hahaha.
- 'Di mahagilap ni Carlo si CSG. Haha! Manliligaw lang ang laging naaabutan.
- Maya-maya ay kumain na rin sila ng mga baon nila. 'Yung iba naman ay kumain sa labas.
- Nagsidatingan na rin sila David para pumasok sa Philosophy class.
- Si David naman ay iniispotan na ni Angle! Waaa... Nice one. Hahaha.
- Bumisita si EJ! Ang pagbabalik ng Panday! Hahaha.
- Tiningnan na rin nila 'yung mga Top 20 na entry ng mga CFAD Shirt Design.
- Pumasok na rin sila sa Philo at nag-discuss si Sir Ortega. Maya-maya ay nagpa-quiz s'ya.
- Nakatulog si Andy sa klase at 'di nakapag-quiz.
Sir Ortega: "Okay lang matulog si Andy dahil tinuruan n'ya 'yung anak ko mag-drawing."
- Dinismiss din sila ni Sir pagkatapos at nagsilabasan na sila ng classroom at pumunta na sila ng pav.
- Naabutan pa ni Andy si Penelope sakto ng pauwi na ito.
Penelope: "Bakit parang ang sabog ka? Haha."
Andy: "Ha? Hahaha. Bagong gising ako eh."
- Nandun pa rin si Mike sa pav at gumagawa ng plate. Galing talaga ni Legendary Mike.
- Tumambay na sila dun hanggang hating gabi.
- Maya-maya ay bumili na sila ng mga pagkain sa labas dahil nagugutom na sila.
- Strike Three na si Kevin kay Aray! Mga Black Forest talaga ang hilig ni Aray eh. Haha.
- Nagsiuwian na rin sila maya-maya pagkatapos nilang kumain.
- Sumakay na sila pagkatapos nun. Haaay...
Lately, I'm rather good at blurring little things like lines between cleanliness and technology. Steady.
6:51 AM