Wednesday, September 27, 2006
Drive
eHappy 18th Birthday David! Kainan nanaman!!! Hahaha.
Highlights:
- Umaga pa lang at IND na. Nagbigay si Sir Buni ng lugar kung saan sila makakabili ng mga materials para sa kanilang prototype.
- Umalis kaagad sila kesa tumunganga lang at naglakad papunta sa mga hardware na malapit sa Recto!
- Habang naglalakad ay napadaan sila sa Tower Recto at bumili kaagad si Andy ng album ng Saosin.
- Pagdating nila sa hardware ay nagtanong-tanong na sila ng mga presyo at 'yung iba ay bumili na rin.
- Nag-jeep na sila pabalik at bumaba ng Morayta tapos naglakad papuntang UST.
- Dinismiss din sila ni Sir Buni pagdating ng mga 11:50am.
- Tumambay na sila sa pav. 'Yung iba ay umalis na para kumain at 'yung mga may baon ay dun na kumain.
- Pagkatapos ay pumasok na rin sila sa Math class nila kay Sir Pineda.
- Nag-discuss lang s'ya buong klase at nagtanong ng mga questions tungkol kay Sir Paner as a coordinator ng mga Math teachers.
- Dinismiss din sila. Ang lakas ng ulan kaya nakatayo lang sila sa labas ng Beato.
- Labasan na ng mga 1-1. Nakita ni Andy si Gwen at pumunta na ng Main Bldg.
- Pumunta na rin si David at sinamahan s'ya ni Andy sa Main Bldg. para puntahan si Carla.
- Nakasalubong ni Andy at ni David si Vincent at Nicole (ka-PE ni Andy sa Basketball). Tinanong ni Vincent kay Andy kung nakita daw ba n'ya si Mads.
- Bumalik na rin si Andy maya-maya sa Beato at basang-basa dahil naiwan kay David 'yung payong.
- Umupo muna sila sa pav habang inaantay si David.
- Maya-maya ay dumating din sila at sumakay na ng jeep papuntang MRT.
- Pagdating dun ay naglakad na sila papunta sa bahay nila David.
- Nung nandun na ay nanlaki ang kanilang mga mata sa sobrang dami ng handa na ginanap sa clubhouse.
- Nayari si Andy sa tatay ni David dahil nasabi n'yang mukha na daw 70 years old ito samantalang nasa mid 50's pa lang ito.
- Pagkatapos ay nag-basketball din silang lahat. "Watch this.", haha.
- Kumanta din si Carla, David at Carlo sa videoke! Nice one!
- Maya-maya ay nagyaya na umuwi si Chuckie at nagsiuwian na rin sila Andy, Carla, Carlo, Egoy, Jobert, Kevin at Mike.
- Sumabay na sila palabas sa sundo ni Carla.
- Nagbago ang isip din ni Andy at ni Kevin. Nagpasya silang 'di muna sila uuwi.
- Sakto ay bumili ang mga kaibigan ng ate ni David ng beer. Tuwang-tuwa si Kevin.
- Uminom lang sila ng tag-iisang bote at nag-bonding.
- Maya-maya ay pinapauwi na si Kevin ng kanyang magulang. Lagot...
- Hinatid na nila David at kuya n'yang si Franz na nag-drive ng kotse sa may MRT.
- Pagkatapos nun ay nagpasalamat na rin sila at umuwi.
Sometimes, I feel the fear of uncertainty stinging clear. And I can't help but ask myself how much I let the fear take the wheel and steer.
10:00 AM