Saturday, September 09, 2006
The Districe Sleeps Alone Tonight
Grabe namaaan... Stranded nanaman oh.
Highlights:
- Pumunta sila Chuckie, David, Eylin, Joseph, Jobert at Kevin sa UST para gumawa ng MC nila.
- Si Carlo at Rochelle naman ay sa bahay ni Chester gagawa ng sa kanila.
- Nandun din si Mike para gumawa ng plate.
- 5:00pm na dumating si Andy sa UST. Nagulat sila dahil pumunta pa s'ya.
- Si Carlo at Rochelle ay pabalik na galing kela Chester sa Montalban.
- Kasama nila sa pav si Lindsay. Nice one Kevs.
- Naaliw sila sa FHM magazines na dala ni Mike. Haha.
- Bumili na ng pagkain si Chuckie, Jobert at Kevin dun sa mura. Naiwan si David, Mike at Andy.
- Kuwentuhan lang habang 'di pa sila dumadating.
- Dumating din sila dala ang pagkain. Kainan na!
- Nandyan na si Carlo. Badtrip s'ya dahil ang tagal at ang layo ng kanyang biyahe.
- Pagkatapos nila kumain ay umuwi na si Mike. Si Chuck naiwan sa Beato. At 'yung iba nag-DotA na.
- Naglaro sila at nanalo. Pero nung pangalawang game ay 'di na naglaro si Andy dahil online sa YM si Penelope.
- Tapos na sila maglaro at mag-YM. Pero ang problema ay 'di sila makaalis ng Dynaquest dahil sa mataas na baha! WAAA...
- Susunduin daw sila ni Lucian. Pero sa sobrang traffic ay nakatulog si Andy. Hanggang 'di na n'ya nasagot ang tawag ni Lu. Uminit ulo niya kay Andy.
- Pag gising nila ay umaga na. Baha pa rin sa labas!
- Dumating si Franz (kuya ni David) para sunduin ang kanyang kapatid. Nauna na si Dave para mauwi na n'ya styro sa bahay.
- Si Andy, Carlo, Jobert at Kevin ay nag Ministop muna para mag almusal.
- Tapos tumambay muna sila sa pav ng bumaba na 'yung baha.
- Umuwi na rin sila. Nag-taxi na si Kevin at Andy.
Smeared black ink. Your palms are sweaty.
8:05 AM