Saturday, September 30, 2006

My Heart, Your Hands

Saturday at gagawa dapat sila ng plate... pero mukhang sa iba napunta ang oras.

Highlights:
- Dumaan muna si Andy sa bahay nila Kevin para sabay na silang pumuntang UST.
- Pagdating nila ay lahat ng tao ay nasa labas ng Beato. 'Yun pala ay sinuspend na ang classes dahil sa bagyo.
- Maya-maya ay dumating na si Mike sa UST.
- May shooting din pala ng TV Art dahil sa mga kulang na scenes.
- Nag-Ministop muna sila para kumain.
- Pagbalik nila ay nandun na rin si Geim at Rochelle.
- Lumapit na 'yung mga mag-shooshoot para sa TV Art at niyaya na sila umalis papunta sa bahay ni Kan.
- Walang kasama si Kevin dahil 'di dumating si David. Kaya ang sumama na lang ay si Andy, the Great Golden Friend.
- Nagtaxi na sila papunta dun at nag-shoot kasama ang mga Adver na fourth-year.
- Best Drama Actor si Kevin. Grabe... may haplos-haplos pa sa pisngi na nalalalaman.
- Pagkatapos ng shooting ay bumalik na sila sa UST at inabutan si Carlo, Chuckie, Ira, Mike at Jobert.
- Naisip lang ni Andy na nawawala na pala ang kanyang cellphone. Sixth and counting!
- Nanood na sila ng game 2 ng UST-Ateneo UAAP Finals. Na'ko, pag natalo ang UST wala na!
- Nanalo din ang UST! 1-1 na! Tinambakan nila ng 16 points ang Ateneo! See you in game 3. Naks!
- Pagkatapos nun ay nanlibre si Ira sa McDo dahil sa kanyang natapos na Birthday! Wooow...
- Kumain na sila at hinatid na si Ira sa kanyang inuuwian.
- Umuwi na rin sila pagkatapos! Yehey!

Here's a letter I'm writing to you of all the things I never could have said. And its the truth.

Wednesday, September 27, 2006

Drive

eHappy 18th Birthday David! Kainan nanaman!!! Hahaha.

Highlights:
- Umaga pa lang at IND na. Nagbigay si Sir Buni ng lugar kung saan sila makakabili ng mga materials para sa kanilang prototype.
- Umalis kaagad sila kesa tumunganga lang at naglakad papunta sa mga hardware na malapit sa Recto!
- Habang naglalakad ay napadaan sila sa Tower Recto at bumili kaagad si Andy ng album ng Saosin.
- Pagdating nila sa hardware ay nagtanong-tanong na sila ng mga presyo at 'yung iba ay bumili na rin.
- Nag-jeep na sila pabalik at bumaba ng Morayta tapos naglakad papuntang UST.
- Dinismiss din sila ni Sir Buni pagdating ng mga 11:50am.
- Tumambay na sila sa pav. 'Yung iba ay umalis na para kumain at 'yung mga may baon ay dun na kumain.
- Pagkatapos ay pumasok na rin sila sa Math class nila kay Sir Pineda.
- Nag-discuss lang s'ya buong klase at nagtanong ng mga questions tungkol kay Sir Paner as a coordinator ng mga Math teachers.
- Dinismiss din sila. Ang lakas ng ulan kaya nakatayo lang sila sa labas ng Beato.
- Labasan na ng mga 1-1. Nakita ni Andy si Gwen at pumunta na ng Main Bldg.
- Pumunta na rin si David at sinamahan s'ya ni Andy sa Main Bldg. para puntahan si Carla.
- Nakasalubong ni Andy at ni David si Vincent at Nicole (ka-PE ni Andy sa Basketball). Tinanong ni Vincent kay Andy kung nakita daw ba n'ya si Mads.
- Bumalik na rin si Andy maya-maya sa Beato at basang-basa dahil naiwan kay David 'yung payong.
- Umupo muna sila sa pav habang inaantay si David.
- Maya-maya ay dumating din sila at sumakay na ng jeep papuntang MRT.
- Pagdating dun ay naglakad na sila papunta sa bahay nila David.
- Nung nandun na ay nanlaki ang kanilang mga mata sa sobrang dami ng handa na ginanap sa clubhouse.
- Nayari si Andy sa tatay ni David dahil nasabi n'yang mukha na daw 70 years old ito samantalang nasa mid 50's pa lang ito.
- Pagkatapos ay nag-basketball din silang lahat. "Watch this.", haha.
- Kumanta din si Carla, David at Carlo sa videoke! Nice one!
- Maya-maya ay nagyaya na umuwi si Chuckie at nagsiuwian na rin sila Andy, Carla, Carlo, Egoy, Jobert, Kevin at Mike.
- Sumabay na sila palabas sa sundo ni Carla.
- Nagbago ang isip din ni Andy at ni Kevin. Nagpasya silang 'di muna sila uuwi.
- Sakto ay bumili ang mga kaibigan ng ate ni David ng beer. Tuwang-tuwa si Kevin.
- Uminom lang sila ng tag-iisang bote at nag-bonding.
- Maya-maya ay pinapauwi na si Kevin ng kanyang magulang. Lagot...
- Hinatid na nila David at kuya n'yang si Franz na nag-drive ng kotse sa may MRT.
- Pagkatapos nun ay nagpasalamat na rin sila at umuwi.

Sometimes, I feel the fear of uncertainty stinging clear. And I can't help but ask myself how much I let the fear take the wheel and steer.

Tuesday, September 26, 2006

Translating The Name

HAPPY SAOSIN DAY!
(Saosin self-titled LP out in stores)

Tuesday nanaman. Kahit walang pasok ay pumunta pa rin sila. Kailan ba hindi? Haha.

Highlights:
- PE nanaman nila Andy, Jace, Miguel at Paul sa Basketball COED at kinalaban nila ang Black team, Light Blue team at Maroon team.
- Si Chuckie naman sa kanyang pagsakay ng bus papuntang UST galing Makati ay nakita si Egoy sa pinakalikod ng bus na natutulog. Nakabukas pa ang bibig.
- Si Andy naman ay na-fouled out laban sa Light Blue team. Pero pagdating sa Black team ay bumawi s'ya at patuloy nilang tinambakan ang kalaban.
- Nakipaglaro muna ng basketball sa kanila sila Chuckie, Hannah and friends bago sila nagbihis pagkatapos ng PE.
- Bumalik na rin sila sa pavilion pagkatapos nilang magbihis.
- Dumating din sila Carlo, Jobert at 'yung iba pa.
- Antagal palabasin ng mga LC Boys (Egoy at Geim) kasama ang mga 1-1.
- Pagkalabas nila ay kumain na rin sila. 'Yung mga may baon dun na sa pav kumain.
- Maya-maya ay umalis sila Beth, Chuckie, Egoy, Geim, Rochelle at Vien para pumunta sa mall! Wow.
- Si Carlo, Jobert at Andy na lang ang natira dun. Natulog na lang sila.
- Dumating sila Tejero at niyaya si Carlo maglaro ng DotA. Kumagat naman.
- Si David at 'yung mga pumuntang mall ay bumalik na rin sa pav.
- Gumawa na sila ng kanilang Saosin shirts. Haha. Ang ganda nung kay Vien.
- Nahawakan ni Andy 'yung kamay ni Penelope dahil tinulungan n'ya itong magbukas ng payong. Nice!
- Maya-maya ay bumalik na rin si Carlo galing sa DotA... Ok.
- Tumambay na lang sila. Hanggang si David ay sinundo na si Carla sa Main Bldg.
- Maya-maya ay kumukulog na. Naisip nilang kailangan na nilang umuwi.
- Naabutan na sila ng ulan at nagsiuwan din.

We started saving green and before breathing. I have your voice on tape in a southern accent screaming at me.

Monday, September 25, 2006

Super OK

What a day. Iba na rin talaga ang panahon ngayon. May mga nagbabago para sa ikabubuti o sa ikakalala.

Highlights:
- Monday nanaman. IND na nila at pinasisimula na sila gumawa ng kani-kanilang mga prototype.
- Si Andy naabutan ni Jobert na gumagawa sa pav ng kanyang IND. Pinapaakyat n'ya ito pero 'di na lang daw.
- Dumating si Mike maya-maya sa pav. May kasama na si Andy. Yeah...
- Nakilala ni Andy si Penelope III.
- Maya-maya natapos na rin ang IND nila at nagsibabaan galing classroom.
- Si Carlo ay sabog. Si Carlo ay tsismoso. Hahaha.
- 'Di mahagilap ni Carlo si CSG. Haha! Manliligaw lang ang laging naaabutan.
- Maya-maya ay kumain na rin sila ng mga baon nila. 'Yung iba naman ay kumain sa labas.
- Nagsidatingan na rin sila David para pumasok sa Philosophy class.
- Si David naman ay iniispotan na ni Angle! Waaa... Nice one. Hahaha.
- Bumisita si EJ! Ang pagbabalik ng Panday! Hahaha.
- Tiningnan na rin nila 'yung mga Top 20 na entry ng mga CFAD Shirt Design.
- Pumasok na rin sila sa Philo at nag-discuss si Sir Ortega. Maya-maya ay nagpa-quiz s'ya.
- Nakatulog si Andy sa klase at 'di nakapag-quiz.
Sir Ortega: "Okay lang matulog si Andy dahil tinuruan n'ya 'yung anak ko mag-drawing."
- Dinismiss din sila ni Sir pagkatapos at nagsilabasan na sila ng classroom at pumunta na sila ng pav.
- Naabutan pa ni Andy si Penelope sakto ng pauwi na ito.
Penelope: "Bakit parang ang sabog ka? Haha."
Andy: "Ha? Hahaha. Bagong gising ako eh."
- Nandun pa rin si Mike sa pav at gumagawa ng plate. Galing talaga ni Legendary Mike.
- Tumambay na sila dun hanggang hating gabi.
- Maya-maya ay bumili na sila ng mga pagkain sa labas dahil nagugutom na sila.
- Strike Three na si Kevin kay Aray! Mga Black Forest talaga ang hilig ni Aray eh. Haha.
- Nagsiuwian na rin sila maya-maya pagkatapos nilang kumain.
- Sumakay na sila pagkatapos nun. Haaay...

Lately, I'm rather good at blurring little things like lines between cleanliness and technology. Steady.

Saturday, September 23, 2006

It's Not Your Fault

SAOSIN shirts for sale! Haha. Bebenta 'to!

Highlights:
- Umaga pa lang nasa UST na si Jobert at Carlo para gumawa ng Silkscreen at ibang plate.
- Nandun lang sila sa pav. Si Andy wala pa rin.
- Si Jacky naman ay may ROTC. Kaya naka-uniform s'ya. Nice!
- Dumating din dun si Mike para gumawa ng plate.
- Sakto ng parating na si Andy sa UST ay biglang bumuhos ang malakas na ulan sa Espana.
- Pinuntahan na lang ni Carlo si Andy ng pagbaba n'ya ng FX para mapayungan. Carlo ang bait.
- Pagdating nila dun ay inumpisahan na rin nila gumawa nung Silkscreen nila. Say-ocean!
- Okay 'yung tatlong shirts na nagawa nila! Kay Andy, Jobert at Mike 'yung mga 'yun. (Walang shirt si Carlo eh.)
- Dumating sila Saddam maya-maya. Whooo...
- Umalis din sila pagdating ng gabi sa pav.
- Si Mike ay kanina pa inaantay ng sundo sa labas. Pinuntahan na rin n'yo ito pagkatapos.
- Sila Andy, Jobert at Carlo naman ay nag-Dynaquest pa para mag internet.
- Nanood lang si Carlo ng mga replay ng mga laban nila sa DotA.
- Pagkatapos ay nagpa-out na rin sila at umuwi.
- Sumakay na rin sila pagkatapos. Nice, ang aga nila umuwi.

It was a cold California. Even in the summer, she was wrapped in a blanket by the pool.

Friday, September 22, 2006

It's So Simple

Friday... buti na lang mag-weweekend na rin. Kakapagod na eh.

Highlights:
- Umagang-umaga sa harap ng Beato at nagkita si Kevin, Andy at Carlo at napagdesisyunan nilang 'di pumasok dahil wala silang nagawa.
- 'Yung iba naman ay umakyat na para mag Techniques. Ginagawa na nila 'yung Electric Fan perspective.
- May dalang gitara si Andy kaya tumugtog muna si Kevin. Nakapa na n'ya Reinventing Your Exit at Ohio Is For Lovers.
- Dumating sila Patch galing sa PE nila sa Track and Field at hinamon sila Andy, Carlo, Egoy, Geim at Kevin ng DotA.
- Nanalo sila sa game. Masama ang loob nila daw walang teamwork ang pagkapanalo nila.
- Kumain na sila sa pav pag balik nila.
- Umakyat na rin sila sa Physics class. Pinagalitan nanaman sila ni Sir Paner. Lagi naman eh.
- Pinag-quiz sila ni Paner! Medyo mahirap. Puro formula eh.
- Tapos na rin ang class. Dalawang group ang magrereport next meeting.
- Tumambay lang sila sa pav. Bumili ng cheese burger 'yung iba. Naiwan si Andy sa pav.
- Dumating bigla si Vincent at si Christian. Bigla n'yang kinausap si Andy, at nagkakakilala na sila.
- Maya-maya pinakilala na rin si Andy kay Chi, Jenice at Mads.
- Tumambay na lang sila hanggang hating-gabi.
- Kasama nila si Jacob! Galing mag-gitara.
- Nandun din ang mga stalker ni Legendary Mike Motus.
- Kumain din muna sila ng sandali sa Ministop.
- Umuwi na rin sila pagkatapos!

I never thought you would loose yourself. The hardest part was falling down again.

Thursday, September 21, 2006

I Wanna Hear Another Fast Song

Wednesday, September 20, 2006
(Delayed ang post dahil nakalimutan tinamad 'yung nag-popost.)

Highlights:
- Umaga pa nasa room na sila para sa IND nila at tinuloy na nila ang kanilang mga working drawing.
- Nag-explain ni Sir 'yung ginawa n'yang report about decision making.
- Inevaluate din s'ya ni Ms. Bitantes habang nagrereport. Naks, pakitang-gilas si Sir.
- Pagkatapos ng IND nila ay bumaba na rin sila at pumunta sa pav.
- Tapos na rin ang FDR nila David at Geim kasama ang 1-1.
- 'Di naabutan ni Andy si Penelope... ohhh...
- Kumain na rin sila ('yung mga may baon) sa pav. 'Yung iba sa Family Tree kumain.
- Dumating bigla si David at nagpapasamang bumili ng cheese burger. Sinamahan na lang s'ya ni Andy.
- Habang inaantay nila ang burger ay dumating si Gwen at mga kaibigan n'ya. Sinamahan na ni Andy dahil hinahanap nila kung saan ang PE Faculty.
- Pumasok sila sa gym pero sa kabilang building daw ang faculty.
- Pagkadating dun ay nahanap din nila 'yung office. Lahat sila natatawa sa mga nangyayari.
- Pumasok na rin sila Gwen para sa IND class nila.
- Maya-maya ay pumasok na rin sila para sa Math class. May quiz na hinanda si Sir Pineda.
- Waaa... ang hirap ng exam. Si Andy humihilik na sa isang tabi ayon kay Jace, Jobert at David.
- Maganda ang pinakita ng klase pagdating sa class participation. Natuwa si Sir Pineda.
- Lumabas din sila pagkatapos sila i-dismiss. Nakatayo lang sila sa labas ng Beato at biglang umulan ng malakas.
- Maya-maya bumili ng Ham and Cheese dahil wala ng Cheese Burger!
- Tapos nagsiuwian kaagad sila! Ang aga! Haha.


Thursday, September 21, 2006
Grabe. Isang nakakapagod na araw nanaman. Buti na lang panalo UST sa UE!

Highlights:
- HOD class nila Andy, Egoy, Geim, Jeng at Oyo kasama ang mga first-year.
- Inuuhog na si Ms. Mendoza dahil sa matinding pagagos ng kanyang sipon.
- Natawa ang buong klase ng nag-recite si Ms. So kay Ms. Mendoza. "Is that SO?"...
- Nag-evaluate naman si Sir Cunanan at Ms. Bitantes kay Ms. Mendoza sa pagtuturo n'ya ng HOD.
- Sila Carlo, Chester, Kevin, Jobert at Vien naman ay nag-PE.
- Magkalaban ang Gold at Red. Panalo sila Carlo (Red) laban kela Kevin at Chester (Gold).
- Pagkatapos nila sa mga subjects ay pumunta na sila ng pav.
- Kumain na 'yung mga may baon. 'Yung mga wala ay umalis na rin para kumain.
- Maya-maya ay MP class na nila. Pumasok na rin sila kaagad.
- Nandun naman si Ms. Bitantes at Ms. Mendoza para i-evaluate si Ms. Nobleza sa MP.
- Nag-report naman ang group nila Diane about Leather.
- Pinagawa na sila ng Ms. Nobleza ng mga plates nila. Ano Silkscreen!?
- Bumaba na sila pagkatapos. MC na nila. Solo-flight nanaman si Andy sa pav.
- Buti na lang at kasama n'ya si Jolly Jace! It's so jolly!
- Maya-maya ay pinuntahan ni Lianne at Marianne si Andy sa pav at binigay nila 'yung gift nila na worth P500! Waaa... libre na lang.
- Sila naman sa MC ay nag-momold at gumagawa ng 'di maintindihang mga shapes.
- Ang dumi na nila. Pati classroom. Grabe... Haha.
- Game na ng UST at UE. Do or Die game para sa parehas na kumpunan.
- Naipon na ang tao sa lobby dahil sa pagpapanood ng game sa TV.
- Maya-maya natapos na rin ang MC nila. Nood na tayo game!!!
- Todo suporta ang mga Tomasino sa mga manlalaro ng UST. Close match! Pasok na sa FINALS ang UST!
- Sigawan lahat ng tao, "Walang pasok! Walang pasok!". Hahaha.
- D. Geom naman nila. 'Di naniwala si Sir Dacanay na suspended na ang classes.
- Pagkatapos ng klase ay bumaba na sila at pumuntang Ministop para kumain.
- Umuwi na rin sila pagkatapos. May dalang kotse si Zoya kaya sumabay na sa kanya ang mga p'wedeng sumakay.

We are in tune with old, now feel-feel it. Feel better supposed to.

Tuesday, September 19, 2006

Some Sense Of Security

Scarlet assembly ng mga CFAD at Arki ngayon! Haha.

Highlights:
- PE nanaman nila Andy, Jace, Miguel at Paul. Basketball COED. Wala pa rin si Andy.
- Mag s-start na game, buti na lang nakaabot pa si Andy.
- Hanggang 2nd Quarter lang ang mga laban. Next week na ang 3rd at 4th Quarter.
- Kinalaban din nila ang Black team. Tinambakan nila ito ng 34 points. (51-17 Red Team lead)
- Biglang namutla si Jolly Jace! Mukhang nabigla ang kanyang katawan sa kanyang jolly performance with 2 points!
- Pagkatapos nila magbihis ay pumunta rin sila sa pav at tumambay. Maya-maya nagsidatingan din sila Carlo, Jobert, Geim at iba pa.
- LC1 naman nila Geim at Egoy kasama ang 1-1. Pero late nagising si Geim!
- Maya-maya ay kumain na rin sila sa pavilion. 'Yung mga walang baon ay bumili pa.
- Pinuntahan na nung mga wala pang Prelims sa Philo si Sir Ortega pero bukas na lang daw.
- Tumambay lang sila sa pav. Inaantay lang nila si Penelope lumabas.
- Binigyan ni Gwen si Andy ng cookies. That's nice.
- Tinawag nila si Sharlene para sunduin sila para makapasok sila sa AVR para sa Scarlet assembly.
- Nandun 'yung mga Scarlet members. May mga freebies at games. Nandun sila Lianne, Marianne, Brianne, Gwen and other friends.
- Inannounce na magkakaroon ng "DotA For A Cause". Contest na makakatulong sa namatay na estudyante ng Arki.
- Umalis din sila pagkatapos. Tumambay ulit sa pav at naglaro ng DotA with Mike!
- Kahit nahihirapan si Mike "The Dragen" Motus ay nanalo pa rin sila.
- Pagkatapos nun ay kumain muna sila sa Ministop!
- Nagbrownout bigla habang nasa loob sila. Maya-maya ay bumalik din.
- Umuwi na sila! Hahaha. Biglang umulan ng malakas... waaa!

So what have we done with x and o's to mark our way home. It seems as though we've forgotten the way we move.

Monday, September 18, 2006

The Closest Thing To Closure

Monday nanaman. Tapos na ang weekend. Tapos na ang pahinga. Haha.

Highlights:
- IND nanaman. Nagpa-check na sila para sa mga final concepts nila. 'Yung iba gumawa na ng working drawing.
- Mukhang mainit ulo ni Sir Buni pero lumamig din naman ito.
- Pagkatapos ng IND ay kumain na sila sa pav. 'Yung mga walang baon ay nag-takeout para sa pav na rin kumain.
- Tambay lang muna sa pav habang wala pa si Sir Ortega.
- Maya-maya pumasok na rin sila sa Philo nila.
- Na-late dumating si Sir Ortega. Tinanong n'ya si Andy kung p'wede ba n'yang turuan ang anak ni Sir mag-drawing.
- Maya-maya ay dinismiss din sila. Lumabas muna sila para tumambay sa pav.
- Naabutan pa ni Andy si Penelope. Si Carlo 'di pa rin makita si CSG dahil may sakit.
- Nag-miss call si Jobert sa phone ni David. Inakala nilang nandyan na si ma'am. Pero 'yun pala absent kaya nagpa-attendance na sila.
- Tambay mode ulit sa pav! Habang si Egoy at Geim ay gumagawa ng kanilang LC1 plates.
- Nagkayayaan mag-DotA. Wala kasi silang magawa. Naiwan sa pav sila David.
- Naglaro nanaman sila Andy, Carlo, Chester, Jace, Jobert, Kevin at Paul.
- Pagkatapos ng first game ay umuwi na si Jace at Chester.
- Pangalawang game, kinalaban nila mga kaibigan ni Tittel sa Dyna. Panalo pa sila.
- Habang papalakad sila sa P. Noval ay nadaanan nila si Mike!
- Pagkatapos ay kumain muna sila sa Ministop at umuwi na!

The Battles Over My Heart Moves On. I Kept My Mouth.

Saturday, September 16, 2006

Calling All Cars

Ngayon alam na nila kung paano ang buhay artista. Haha.

Highlights:
- 9:00am ang usapan para sa TV Art na project ng mga Fourth-year sa Advertising. Pero wala pa rin sila.
- Naunang dumating sa UST sa kanila ay si David at Carlo.
- Si Chuckie, Kevin at Andy ay nagsidatingan na rin ng mga bandang 12:00pm.
- Pinakain muna sila ng mga Adver bago mag start sa pag-shoot.
- Sa Elevator ang setting ng lahat ng shots para sa short film na gagawin nila.
- Naiwan na si Carlo sa pav. Pinuntahan na n'ya si Jobert.
- Okay naman ang pag-act nila kaya masaya lahat. Haha.
- Natural na natural ang kanilang pagganap ng mga role nila dahil nakaka-relate sila. Ito ang kanilang mga ginampanang tauhan:
David: James, ang hearthrob na may lihim na pagtingin kay Anna.
Kevin: Paul, ang lalaking malaki ang problema sa buhay, lalo na sa pera.
Chuckie: Alfred, ang player na boyfriend ni Anna.
Andy: Mico, ang mayamang parang walang problema sa buhay.
- 9:30pm na silang natapos mag-shoot. Pinaalis na sila ng guard.
- Laking pasasalamat nila sa kanilang apat.
- Pagbaba nila ay nakita na rin nila si Carlo at Jobert! Aga natin nagkita ah!
- Kumain na sila sa McDo Carpark! Grabe gutom na gutom na!!!
- Nagyaya 'yung mga Adver na kumain sa McDo Morayta. Libre daw nila. Pero ayos na daw sila.
- Umuwi na rin sila pagkatapos nun. Haaay... sa wakas!

Calling all cars we've got another victim. 'Cause my love has become an affliction.

Friday, September 15, 2006

You're Ever So Inviting

Thursday, September 14, 2006
(Delayed ang post dahil sa sobrang busy sa schedule.)

Highlights:
- PE nanaman nila Carlo, Chester, Jacky, Jobert, Kevin at Vien. Galing mag-Goal Keeper position ni Kev.
- Nag-HOD naman sila Andy, Egoy, Jules at Oyo kasama ang mga 1-1. Napagtawanan pa si Andy dahil 'di marinig ni Ms. Mendoza ang kanyang boses.
- Nag-elevator sila Andy kasama sila Penelope. Nasaraduhan n'ya ng elevator si Biik.
- Pumunta na sila sa pav para gumawa ng kanilang MC plates. DAAASHBOOOARD!
- Madaming 'di pumasok ng MP para gumawa ng MC.
- Kumain na rin sila sa pav dahil mamaya 'di na sila makakakain.
- Pumasok na silang MC. Naiwan si Andy na nag-dedesign ng CFAD Shirt magisa sa pav.
- Nakatulog si Andy. Paggising n'ya ay 5:30pm na. Nakauwi na sila Penelope. Waaa...
- Matataas ang mga nakuha nila sa Dashboard plate nila! Mga 90%+ halos lahat. "That's very great." Haha.
- Pagkatapos ng MC ay pinagbreak sila ng Sir Dacanay. Kumain muna sila ng Ham and Egg dahil wala ng Cheese Burger!
- Nag Descriptive Geometry na sila, karamihan sa kanila ay sabog. Walang nagawa.
- Ka-text na ni Chuckie si Sdam! Damn! Nice one!
- Naiwan ni Gwen ang kanyang notebook na color violet sa room 603. Buti na lang nakita ni Andy.
- Pinauwi na ni Sir Dacanay 'yung plate dahil napansin n'yang wala sa focus ang mga estudyante. Haha.
- Gabi na at tumambay na sila sa pav. Dumating si You Rock... "Ba't 'di mo 'ko in-add!?", nako naman...
- May dalang kotse si Zoya kaya makakasabay si Kevin. Susunduin naman ni Lucian si Andy para sa condo n'ya gumawa ng CFAD Shirt Design. Sama na rin daw si Carlo at Egoy.
- Dumating din si Lu maya-maya pagkatapos nila pumuntang Ministop. Bye-bye Mike!
- Nag Drive-thru sila sa McDonald's at bumili ng burger!
- Pagdating kela Lucian ay aliw na aliw si Carlo at Egoy. Sinimulan na rin nila mag-design.
- Sobrang sabog ni Egoy, "So eh di ibig sabihin, 'pag kinulayan mo 'yan may kulay na lalabas?". Tama na Egoy!
- Pagdating ng 1:00am ay hinatid na nila si Carlo at Egoy sa kani-kanilang mauuwiaan.
- Pagbalik nilang condo ay gawa ulit sila ng design.
- Sa wakas natapos rin nila! Pangalawang gabi na walang tulog si Andy!


Friday, September 15, 2006
Na-submit na rin ni Andy sa wakas ang kanyang entry para sa CFAD Shirt Design Contest.

Highlights:
- Dumating ng sabay si Andy at Kevin sa Beato. Pag pasok nila ng room si Daryl, Diane at Vien pa lang ang tao.
- Walang tulog si Andy kaya nakatulog s'ya sa klase. Lahat na ng tao pinagtatawanan s'ya dahil nakabukas ang kanyang bibig habang natutulog.
- Tinuloy na nila 'yung Perspective View ng Bicycle. Nahihirapan na sila!
- Paggising ni Kubota ay sinubmit na nila sa 7th floor ang kanyang entry para sa CFAD Shirt Design Contest.
- Nakasalubong ni Andy at David sila Sdam. Narinig nilang kumakanta ng "I Can Tell"... whoa!
- Pagakyat nilang dalawa ng elevator ay narinig naman nilang pinapatugtog sa MP3 player 'yung I Can Tell na Anthony Green version.
- Bumaba na rin sila maya-maya para kumain.
- Pumasok na rin sila sa Physics nila. May quiz sila, sobrang dali! Salamat Sir Paner!
- Pinanood nila 'yung video ng group nila Jace. Kakaantok... Haha!
- Dinissmiss din sila kaagad ni Sir Paner. Baba kagad sa pavilions!
- Nakita na ni Andy si Gwen at binalik ang notebook n'ya. Laking pasasalamat ni Gwen kay Andy. Pinakilala rin n'ya si Kata, friend n'ya.
- Tambay mode lang sa pav. Si David pinuntahan na si Carla sa Main Bldg.
- Maya-maya pumunta na silang Dynaquest para mag-DotA.
- Si Chuckie, David at Carla naman ay nanood ng concert sa harap ng Main Bldg.
- Pagkatapos nila Carlo mag-DotA ay kumain muna sila sa Ministop at umuwi na rin pagkatapos!

The time has come for you to sit this out. To fit inside your mold would be to sell myself short.

Wednesday, September 13, 2006

It's Dangerous Business Walking Out Your Front Door

Umaga lang may ginawa, pero pagdating ng hapon ay wala naaa...

Highlights:
- IND nanaman kasama si Sir Buni. Madami pang walang na-aapprove!
- Nag-check na si Buni ulit ng mga concepts nila.
- Kumain na rin sila pagkatapos ng IND.
- Wala silang Math! Dahil may play silang papanoorin.
- Pagdating ng 1:00pm ay umalis na sila ng Beato para manood ng play sa Educ.
- Kararating lang ni Andy sa UST ng mga 4:00pm. 'Di na n'ya naabutan 'yung play at si Penelope.
- Magisa lang s'ya sa pav. Nilapitan s'ya nila Lianne at may pinapabigay daw si Gwen.
- Dumating din sila Carlo at 'yung mga iba sa pav galing sa play.
- Tumambay muna sila sa pav. 'Yung iba gagawa na ng MC.
- Umalis na si Eylin at Kevin para gumawa ng MC sa bahay nila David.
- Si Carlo at Chester ay gumawa naman sa dorm nila Rochelle.
- Binigay na ni Mike 'yung form para sa CFAD Shirt Design Contest kay Andy.
- Sumunod na si Andy sa bahay nila David. 'Di naman s'ya kasali sa group.
- Maya-maya ay uuwi na si Eylin kaya sinamahan na nila makasakay.
- Sakto palabas na sila ng gate ay parating na sila Carlo at Chuckie. Sumunod sila kela Dave!
- Pinakain pa sila nila David sa bahay nila. Sarap ng Longganisa!
- Internet lang sila ng sandali at pinapauwi na si Kevin.
- Umuwi na rin sila pagkatapos nun! Bye-bye David!

I've been up at this all night long. I've been drowning in my sleep.

Tuesday, September 12, 2006

The Wordless

Grabe! Pressured sa plates sa MC. Da-dashboard?

Highlights:
- PE nanaman nila Andy, Bais, Jace at Miguel. 'Di natulog si Andy para lang maglaro pero pinag-parade lang sila.
- Nakita nila si Ms. UST. Waaaw...
- Pumasok na rin 'yung iba para gumawa ng kani-kanilang MC.
- LC1 naman ni Egoy at Geim kasama ang 1-1.
- Kumain na rin sila sa pav. Nauna na 'yung mga may baon.
- Si Kevin at Eylin ay gagawa ng kanilang MC sa bahay nila David. Pinasunod na lang nila si Andy.
- Si Zoya naman ay may dalang pang cut ng styro kaya sa Grandstand sila gumawa para may saksakan ng kuryente.
- Niyayaya na sila ni Mike para sumali sa CFAD Shirt Design Contest.
- Inabangan lang ni Andy makauwi si Penelope at sumunod na rin s'ya kela David
- Dumating na sila CFAD Shirt Girl at may shooting sila para sa TV Art. Tuwang-tuwa si Carlo.
- Sa bahay naman nila David ay hinatid na nila si Eylin sa sakayan para makauwi na ito.
- Pag dating ng gabi ay sumunod din si Carlo at Mike sa bahay nila David.
- Pinakain sila ni David sa bahay nila! Tambay at kuwentuhan.
- Nag-download sila ng mga kanta sa PC at maya-maya ay pinapauwi na rin si Kevin ng kanyang ate.
- Nagsi-uwian na rin sila!.. Haha.

You know that I can't see the damned marking now. From the corner of my eyes.

Monday, September 11, 2006

A Boy Brushed Red... Living In Black And White

ARAY! Haha. Kahit masasaktan ka sa dami ng plates. S'yempre... meron 'yang equivalent exchange.

Highlights:
- Umaga pa lang nasa UST na si Carlo. Wala pa s'yang nagagawang concepts.
- Late na dumating si Andy, at nagtaxi na s'ya para makadating kaagad.
- Kulang concepts ni Carlo at ni Kevin kaya 'di na sila umakyat sa room.
- Chineckan ni Sir Buni ang kanilang mga concepts.
- Bumaba na sila pagkatapos ng IND class nila. 'Di nila mahanap si Carlo at Kevin. Nag-DotA pala.
- Bagong hairstyle si Gwen. Nagkita sila ni Andy sa lobby ng Beato.
- Kumain na si Jobert, Vien, Chester, Chuckie at Andy sa pav.
- Pumasok na rin sila maya-maya para sa kanilang Philo class. Si Chester at Chuckie ay gumawa pa ng reflection sa Nitz.
- Himala at pumasok si TIII...TEEEL! Pinagiinitan s'ya ni Sir Ortega.
- Matapos ang lecture ay uwian na dahil walang English class dahil sa gaganaping play.
- Tumambay na sila sa pav at maya-maya dumating din sila Carlo at Kevin.
- Andun din si Mike at gumagawa ng kanyang plate.
- Naglaro lang sila ng kanilang softball na binabato. Haha.
- Maya-maya dumating na si Carla at umuwi na silang dalawa ni David.
- Kasama nila si Marianne at Brianne sa pav. Nagkabukingan naaa... nice one Andy!
- Nandun din sila S.D. sa pav. Inaasar s'ya nila Carlo.
- Nag-DotA na sila para turuan si Mike! Three against two. Ito lineup:
Sentinel Team:
Carlo - Rogueknight
Jobert - Bristleback
Mike - Dwarven Sniper
Scourge Team:
Andy - Lifestealer
Kevin - Venomancer
- Talo sila Carlo, pero at least kahit papaano ay natututo na din si Mike maglaro. Haha.
- Kumain muna sila sa Ministop at umuwi na rin.
- Nag-jeep na si Andy at Kevin. Katabi ni Andy si Aray. Inggit si Kevin.

Can you feel your heartbeat racing? Can you taste the fear in her sweat?

Saturday, September 09, 2006

The Districe Sleeps Alone Tonight

Grabe namaaan... Stranded nanaman oh.

Highlights:
- Pumunta sila Chuckie, David, Eylin, Joseph, Jobert at Kevin sa UST para gumawa ng MC nila.
- Si Carlo at Rochelle naman ay sa bahay ni Chester gagawa ng sa kanila.
- Nandun din si Mike para gumawa ng plate.
- 5:00pm na dumating si Andy sa UST. Nagulat sila dahil pumunta pa s'ya.
- Si Carlo at Rochelle ay pabalik na galing kela Chester sa Montalban.
- Kasama nila sa pav si Lindsay. Nice one Kevs.
- Naaliw sila sa FHM magazines na dala ni Mike. Haha.
- Bumili na ng pagkain si Chuckie, Jobert at Kevin dun sa mura. Naiwan si David, Mike at Andy.
- Kuwentuhan lang habang 'di pa sila dumadating.
- Dumating din sila dala ang pagkain. Kainan na!
- Nandyan na si Carlo. Badtrip s'ya dahil ang tagal at ang layo ng kanyang biyahe.
- Pagkatapos nila kumain ay umuwi na si Mike. Si Chuck naiwan sa Beato. At 'yung iba nag-DotA na.
- Naglaro sila at nanalo. Pero nung pangalawang game ay 'di na naglaro si Andy dahil online sa YM si Penelope.
- Tapos na sila maglaro at mag-YM. Pero ang problema ay 'di sila makaalis ng Dynaquest dahil sa mataas na baha! WAAA...
- Susunduin daw sila ni Lucian. Pero sa sobrang traffic ay nakatulog si Andy. Hanggang 'di na n'ya nasagot ang tawag ni Lu. Uminit ulo niya kay Andy.
- Pag gising nila ay umaga na. Baha pa rin sa labas!
- Dumating si Franz (kuya ni David) para sunduin ang kanyang kapatid. Nauna na si Dave para mauwi na n'ya styro sa bahay.
- Si Andy, Carlo, Jobert at Kevin ay nag Ministop muna para mag almusal.
- Tapos tumambay muna sila sa pav ng bumaba na 'yung baha.
- Umuwi na rin sila. Nag-taxi na si Kevin at Andy.

Smeared black ink. Your palms are sweaty.

Friday, September 08, 2006

Collapse

18th birthday celebration ni Kevin! Haha. Nakakapagod pero masaya!

Highlights:
- Ang aga dumating sa classroom ni Andy, Carlo at Vien.
- Kaharap lang nila ang room nila CFAD Shirt Girl. Nice Carlo...
- Techniques class na nila. Pinagawa na ni Sir Castro 'yung Perspective View ng Bike.
- Nag-cut ng class si Kevin, Vien at Egoy para mag-DotA.
- 'Di na bumaba ang madami sa mga estudyante. Sa room na lang sila nagsikainan ng kani-kanilang baon o biniling pagkain.
- Physics class na kasama si Sir Paner. Nasermonan nanaman sila. Lagi naman eh. Daming tulog!
- Pagkatapos ng klase ay nag-assemble na sila Andy, Carlo. Chester, Chuckie, David, Geim, Jace, Jobert, Jules, Kevin, Mike, Paul at Vien. Si Egoy ay hinatid pa si Beth kaya medyo na-delay.
- Naka-libreng sakay sila papuntang G4! Dahil sa pag promote ng bagong Bingo cookies. Nagbayad lang sila ng pambili ng cookies worth P3.50.
- Nakunan pa sila sa camera na ipapalabas sa Wazzup Wazzup! Waaa... may madidiskobre!
- Nagpasalamat sila kay kuya driver pag dating nila sa G4 para sa libreng paghatid.
- Bumili kaagad sila ng tickets. 'You, Me & Dupree' ang papanoorin nila.
- Pumasok na sila at nanood sa sinehan pagdating ng mga 6:15pm.
- Pagkatapos nila manood ay kumukulo na ang kani-kanilang mga tiyan! Puno sa Tokyo Tokyo kaya nag KFC na lang sila!
- Nung nagsimula na ang kainan ay 'di na sila nagpansinan. Haha.
- Pagkatapos kumain ay nag-Timezone pa sila. Guitar Freaks, Drummania, Air Hockey at kung anu-ano pa ang kanilang nilaro.
- Tinuruan ni Kevin si Tittel sa Guitar Freaks! Habang si Andy naka S rank sa 'Rewrite' song.
- Si David nag-drudrums! Haha. Si Andy ginagawang pang Saosin kaya wala sa timing lagi. Game over! Haha.
- Si Julius at Vien first time nilang nakitang sumapak! Haha.
- Si Geim naman at Chester ay nagmistulang mga Hitman sa kanilang mga porma sa Time Crisis.
- Ang lakas ni Jolly Jace sa shooting sa Basketball! He's so jolly!
- Pinapauwi na ang madami sa kanila kaya kailangan na nilang umalis.
- Nag-aabang sila ng Taxi pero walang pumapayag kaya napilitan 'yung iba na maglakad na lang para mag-bus.
- Naghiwa-hiwalay na rin sila at nahati sa tatlong grupo.
- Uwian na! Si Kevin naiwan sa G4 dahil kasama pa n'ya ang kanyang family. Salamat Kevin!

So, tell me is it right? To feel like we're only getting smaller.

Thursday, September 07, 2006

In Fear And Faith

Thursday nanaman. Grabe... wala ako masabi.

Highlights:
- PE nanaman nila David at Chuck sa Basketball. Football naman kela Carlo, Chester, Kevin, Jacky, Jobert at Vien.
- HOD class naman nila Andy, Geim, Jules at Oyo. Si Oyo lang may napasa sa kanilang report!
- Napagalitan ang grupo nila Patch ni Ms. Mendoza dahil maingay.
- Kumain si Andy, Geim at Rochell ng burger.
Rochelle: "Kuya, isang Cheese Burger."
Kuya Burger: "Cheese Burger."
Andy: "Kuya, Cheese Burger din."
Kuya Burger: "Isa pang... Cheese Burger."
- Dumating na sa pav 'yung mga galing sa PE at kakabihis lang.
- Kumain na rin sila maya-maya. Lumpia nanaman ang ulam ni Carlo!
- Pumasok din sila sa MP class. Nagreport ang group nila Arvin. Tapos pinagawa na sila ng T-Shirt nila.
- Naabutan sila nila Sdam at Natalie sa classroom. Nice one Chuck!
- MC class na nila kay Sir Dacanay. Dashboard na ang ginagawa nila ngayon.
- Si Andy nasa pav lang. Walang kasama.
- Dumating din si Mike sa pav. Gumagawa ng plate.
- Natapos na rin ang MC nila. Pumunta na rin sa pav si Egoy, Vien at Geim.
- Lumakas ang ulan. Tinamad mag D. Geom si Andy, Egoy at Vien. Tumambay na lang sila sa pav kasama si Mike.
- Kasama nila sa pav sila Sdam at Natalie. Sayang ka Chuck!
- Nahulog sa upuan si David habang pinroprotektahan ang styro na hawak n'ya.
- Dumating si Tittel sa pav. Saan galing? Tinatanong pa ba 'yun.
- Natapos na ang D. Geom. Nag-usap-usap lang muna.
- May dalang kotse si Zoya kaya sumabay na si Andy, Chuck at Kevin. Si David naman sa kuya n'ya. 'Yung iba umuwi na rin.

Can we last through the winter. The water's starting to freeze.

Wednesday, September 06, 2006

The Transition

Magsisimula nanaman ang isa pang pahirap na plate. Kaya sinulit na nila ang araw na 'to.

Highlights:
- 6:00am lumagpas ng biyahe si Andy. Nagising s'ya nasa Quiapo Church na kaya nag-jeep pa s'ya pabalik ng UST.
- Dumating nanaman grupo nila Ben sa pav. Maya-maya dumating na rin si Carlo.
- Isa-isa na silang dumating. Pero tumambay lang sila sa pav. 'Di pa naman nila nakikita kotse ni Sir Buni.
- Nasa room na pala si Sir Buni. Kaya late na silang umakyat!
- Bicycle sana ang ipagagawa ni Sir kaso naawa s'ya kaya pinalitan na lang n'ya ng Toilet Cleaner.
- Pinagawa na sila ng concepts at nag-approve na s'ya ng konti. Dinismiss na rin sila maya-maya.
- Bumaba na sila sa pav. Kumain na sa pav si Carlo, Jobert at Andy. Si Vien tinamad kaya dun na rin kumain. 'Yung iba sa Great Grand Mother.
- Dumating na rin si Geim. Kumain na rin s'ya sa pav.
- Pumasok na sila pagdating ng 1:00pm sa Trigo class nila kay Sir Pineda.
- Late na dumating si David sa klase ni Sir.
- Naawa na si Sir Pineda sa mga taong mukhang walang pahinga kaya dinismiss n'ya ng maaga ang klase.
- Tambay mode na sa labas ng Beato. 'Di malapitan ni Andy si Penelope.
- Si Chuckie naman ay stalk mode kay Sdam. Gusto na n'yang kunan ng picture.
- Naging model si Chuckie, David at Kevin dahil pinicturan sila ng Advertising students.
- Dismissed na si Penelope. Nung kakausapin na s'ya ni Andy ay biglang dumating ang kaklase nito at 'di na nakausap.
- Pinuntahan nila sa Main Building si Eula Valdez dahil may pictorial ito dun.
- Pinagusapan nila ang Operation: Egg Drop na activity ni Carla. Talagang pinag-debatihan pa nila ito.
- Nag-Ministop sila. Pero umuwi na si David at Carla. "Captain Chef America" ang paalam ni David.
- Pumasok na si Mike sa last subject n'ya pagkatapos kumain.
- Nag-Dynaquest na sila para mag-DotA. Sumunod bigla si Mike dahil 'di na tuloy ang klase nila.
- Inaway nila mga kalaban nila dahil sa pangiinsulto na binibigay nila kay Mike.
- Pagkatapos nun ay umuwi na sila. Gusto na nila magpahinga.

So here we are, back to the start again. Trying hard to wait till morning.

Tuesday, September 05, 2006

Writing On The Walls

'Di maintindihan kung maganda ba ang araw na 'to o hindi.

Highlights:
- Nasa UST na si Carlo, Jace at Julius. Nakatambay lang sa pav.
- Late na dumating si Andy kaya 'di s'ya nakapag-PE sa Basketball. Tinambakan daw ng team nila ang Blue Team ng 27 points ayon kay Jace.
- Hinintay nila matapos ang IND 1-1 para labanan sa DotA sila Patch pati mga kaklase nito.
- Naglaro na rin sila nung pagkalabas nila. Unang laban talo sila Andy, Carlo, Egoy at Geim. Nang-trashtalk pa isa sa kanila, "GENOCIDE".
- Second game. Pinalitan ni David si Geim. Bastusan. Godlike si Andy at David sa game na 'to. Genocide pala ah. Ito pala lineup.
Andy: Alchemist (2 Divine Rapiers)
Carlo: Enigma (1 Divine Rapier)
David: Treant Protector (1 Divine Rapier)
Egoy: Twin-headed Dragon (1 Divine Rapier)
Sa kalaban: wala
- Nagtampo si Chester dahil 'di s'ya nakalaro. Sorry Zoya.
- Dumating si Mike! Red na red ang araw mo ah.
- Bumalik na sila sa pav. Nakasalubong nila si Gwen. Pinakilala niya si Mike kay Andy.
- Gumagawa na ng MP si Jobert at Chester. Kasama nila ang section na gumagawa naman ng MC nila.
- Nauna na si Chester. Pupunta na ng Pipeline.
- Natulog lang si Andy habang 'yung iba busy.
- Tinulungan nila si Mike gumawa ng kanyang plate. Ginamit nila Carlo, David at Jobert ang kanilang natutunan sa MC para magawa ang 'Arc'.
- Si Andy nakipag-kuwentuhan lang kay Mike. Haha. Walang MC eh.
- Pumasok pa ng Beato si Andy at Mike para pumunta sa kani-kanilang locker. Muntik pa mawala ni Mike ang susi ng kanyang locker.
- 'Di nanaman nakita ni Carlo si CFAD Shirt Girl. Nag-hi na lang si Mike sa kabayong kaibigan ni CSG.
- Tumambay na sila ng Ministop para kumain.
- Umuwi na rin sila pagkatapos.

Cross-posting blog entries between Blogger and Multiply has been enabled. P'wede n'yo na rin i-check ang posts sa Multiply site natin.
Multiply: http://industrialdesigntwo.multiply.com

Maybe we. Why don't we sit right here for half an hour.

Ohio Is For Lovers

Monday, September 04, 2006
(Delayed ang post dahil sa malakas na ulan na nagdulot ng pagka-stranded ng mga estudyante sa UST.)

Highlights:
- Umaga pa lang nasa UST na si Andy kahit walang IND para maabutan si Penelope.
- Dumating si Jesse pagkatapos ng ilang minuto. Umakyat din s'ya sa room nila at iniwan ang bag n'ya kay Andy.
- Maya-maya ay dumating si Ben at ang mga kaklase nito sa Architecture. Nagkayayaang mag-DotA kaya sumama na rin si Andy.
- Pumunta sila ng Dynaquest. Sumunod din dun sila Carlo, Kevin at Vien at naglaro. CFAD vs. ARKI! Pero kampi nila si Ben haha.
- Tumambay na sila pagkatapos sa pav at kumain.
- Pumasok na rin sila sa Philosophy class. Kasama ni Sir Ortega ang anak n'yang bata. Pinag-quiz din sila ni Sir.
- David's corny joke of the day: "Habit? 'Di ba si Frodo 'yun?"
- Pagkatapos ay late nanaman sila sa English class nila. Uminit ang ulo ni Ma'am dahil andaming late tapos ang ingay pa ng klase.
- Nagkainitan din ang klase tungkol sa groupings sa MC. 'Di kasi magkasundo ang buong klase sa desisyon. Na high-blood na si Diane at Jobert.
- 'Di sila makalabas ng building dahil ang lakas ng ulan at bumabaha na. Sana daw may libreng Jollibee!
- Nahuli si Andy ng mga SNK na nagtototoy-totoyan sa Exhibit room. Nahiya na lang sila David para sa kanya.
- Pop-your-collar pictorial ni David at ni Geim sa lobby ng Beato!
- Humina na ang ulan at nagyaya na si Jacky kumain sa Carpark. Grabe. Iwas baha dapat ang lakarin.
- Kumain na sila sa Carpark. Si Andy, David, Jace at Kevin sa Hotshots. Si Carlo, Chester, Chuckie, Geim, Jacky, Jobert, Mike at Vien ay sa mas murang kainan.
- Umuwi na si Jacky! Bye-bye...
- Bumalik sila sa pav at nakita nilang malalim pa rin ang baha!
- Biglang umalon nung may dumaan na mabilis na kotse. Takbuhan ang mga estudyante papasok ng gate ng UST. 'Di namalayan na nasagasaan na nila 'yung homeless na lalaki. "T*** I** naman eh. Nakakabunggo na kayo eh.", haha.
- Naglakad na sila Chester, Geim at Jace papuntang Petron sa may Rotonda para dun sumakay ng FX. Basa mga paa nila! Haha.
- Pinaalis na sila Andy, Carlo, Chuckie, David, Jobert, Kevin, Mike at Vien sa pav. Kaya naghanap na sila ng kanilang matutuluyan.
- Umulan nanaman bigla habang naglalakad sila. Sa gym sa may Eng. Complex sila tumuloy! Woohoo...
- Walang nakakaalam na nandun sila dahil patay lahat ng ilaw. Kaya solong-solo nila ang gym.
- Kuwentuhan lang sila habang nakahiga sa floor.
- Sinundo na maya-maya si Vien. Wow!
- Umalis na sila sa court ng mga 11:50pm. Naglakad na sila palabas ng UST.
- Umaalon pa rin ang baha sa Espana. Tumawid na sila ng overpass at nilakad papuntang Ministop.
- Happy Birthday Kevin! 12:00am na! September 5!
- Uwian na. Nahihilo na sila. Wala na ring baha.

Hey there. I know it's hard to feel like I don't care at all.

Friday, September 01, 2006

Saying Sorry

Tapos na rin ang week na 'to... sa wakas. Makakahinga na rin.

Highlights:
- Umagang-umaga, gumagawa ng plate 'yung mga 'di pa tapos sa IND!
- Pinayagan sila ni Sir Castro gumawa ng plate sa room. Pero pinagagawa na n'ya rin 'yung Bicycle plate.
- Nagsibabaan na rin sila sa pav at tumambay.
- Si Andy na lang at Kevin ang inaantay matapos para ipasa na nila ang kanilang plates sa IND.
- Kumain na sila sa pav. Sarap ng tulog ni Carlo! Nakatirik pa ang mata.
- Umakyat na rin 'yung iba para mag Physics class. Pinagalitan sila ni Sir Paner dahil sa kanilang assignment na 'di napasa. Si Jobert uminit ang ulo kay Paneeer...
- Kasama nila si Myke sa pav. Gumagawa ng plate! Halimaw gumawa eh.
- Pinasa ni Andy at Kevin ang mga plates nila sa IND kay Sir Buni. Wala daw IND sa monday dahil wala s'ya.
- Pagka-CR nilang dalawa ay nakasalubong nila si Aray. Hanggang nagkasabay na rin sa elevator.
- Nakita nila Carlo si Karen at ang kanyang masuyong manliligaw na nakakiinis dahil sunod ng sunod.
- Sinundan nila sila hanggang sa loob ng Ministop! Layuan n'yo na please. Haha.
- Na-hurt si You Rock ng makitang kasama ni David si Carla sa pav.
- Aksidenteng tinamaan ng tracing tube ni Kevin si Carla sa ulo. Awww... saying sorry.
- Nahulog ni David cell ni Carla. Sakit naman! Malas na araw para kay Carla...
- DotA na sila with Myke! S'ya nagtapos ng laban!
- Tambay muna sa Ministop kasama si Titz.
- Uwian naaa! Sa wakas wala nang plate! Woohoo!

This colors will not change. You changed the way I see them.