Wednesday, August 23, 2006
When The Sun Sleeps
Hmmm... balanced ang mga nangyari ngayon. May okay, may hindi.
Highlights:
- Ang aga ni Andy sa pav. Mga 6:00am pa lang nandun na s'ya.
- Kasama niya si Gwen pati mga friends n'ya.
- Umakyat na sila maya-maya para sa IND.
- Uminit ulo ni Sir Buni dahil andaming 'di gumawa ng concepts! Na'ko... dinagdagan pa ng isang plate na ipapagawa sa kanila.
- Inexplain ni Sir 'yung tungkol sa Vertical and Lateral Thinking.
- Kumain na 'yung iba sa Great Grand Mother. Mga may baon sa pav lang kumain.
- Pumasok na sila para sa Trigonometry class nila.
- Ang ingay ng klase kaya nabastos si Sir Pineda sa mga nakaupo sa likod.
- Inextend ng 10 minutes 'yung klase.
- Tumambay na sila sa pav. Dating gawi.
- Umupo rin sila sa bench sa may field. Kuwentuhan lang.
- Labasan na nila CFAD Shirt Girl. Go Carlooo!
- Sinundan nila ang grupo nila CFAD Shirt Girl. Nung nahalata nilang pupuntang Jomar's para bumili ng gamit, inunahan na nila.
- Nice one! Sa Jomar's din sila pumunta. Pero si Andy dinidikitan naman ni Teta! WAAA!!!
- Andy: "Orange..."
Carlo: "Green..."
Kevin: "...minded?"
Ano ba 'yan Carlo! Wala 'yan sa plano!
- Tumambay na sila sa Ministop at kumain. Si Chuck sumunod at may dala-dalang pagkaing porkchop! Sarap.
- Oh uwian na! Haha.
I thought you'd come back. At least I prayed.
5:58 AM