Monday, August 14, 2006
Voices
Walang nangyaring matino ngayong araw na 'to. Badtrip.
Highlights:
- Umagang-umaga at nasa pav na si Carlo at Vien.
- Pagdating ni Andy ay kaaakyat lang ni Penelope. Malas.
- Umakyat na sila maya-maya dahil 8:00am na. IND na nila.
- Chineck na ni Sir Buni ang mga gawa nila. Mataas ang mga nakuha nila except si Chester at Egoy.
- Nakakuha 'yung iba ng matataas! Si Kevin naka-90%!
- Pinapili na sila kung anong klaseng watch ang kanila-kanilang i-dedesign (Modern, Sports, Innovative at Traditional).
- Pinasa na nila ang kanilang mga gawang Perspective view.
- Pinababa na sila pagkatapos. Nakita ni Andy si Penelope, pero mukhang bad mood at 'di s'ya masyado pinansin. Nasira na ang buong araw ni Andy.
- Kumain na sila sa RJB. 'Yung iba sa Great Grand Mother.
- Tapos tumambay na sila sa pav at umulan ng malakas.
- Nag-dradrawing contest si Andy, Jobert at Chester. Panalo ang drawing ni Jobert na "Kim".
- Pumasok na sila para sa Philo exam. Hindi pinag-exam 'yung iba dahil walang permit.
- Pinapunta 'yung mga walang permit sa main building pero wala rin nangyari.
- Nag-exam sila sa Literature. Madali lang kaya natapos kaagad.
- Nahuli si Miguel na nangongopya ng garapalan kaya siningko ito sa exam.
- Tumambay na sila sa pav. Tapos naglaro ng DotA.
- Masama ang laro nila. Kaya pagkatapos nito ay kumain na lang sila sa Ministop.
- Tapos uwian na. Muntik pang masagasaan si Andy kung hindi lang s'ya hinawakan ni Kevin. Saya ng araw na 'to no!?
I miss the pain. When we were moving forward now.
7:20 AM