Monday, August 21, 2006
Guardian Angel


(Above: Tumambay muna sila sa clubhouse; Below: Furby! Ang cute na puppy ng ate ni David.)
Tambay sa bahay nila David! Ang saya ng araw na 'to! HAHAHA. Salamat mga Gutierrez!
Highlights:
- Magkikita-kita daw sila sa McDo sa tabi ng MRT sa Quezon Avenue.
- Nauna dun si Andy, nagtaxi pa s'ya dahil dala n'ya ang electric guitar at amplifier.
- Si Carlo naman ang sunod na dumating. Kinig muna sila sa iPod habang wala si David at Chuck.
- Kumain muna si Andy ng breakfast meal.
- Biglang umambon. Grrr... pa'no magbabasket!?
- Si David dumating maya-maya. Halatang nagmadali galing sa bahay.
- Ang tagal nilang hinihintay si Chuckie dumating.
- After 1 hour and 30 minutes, dumating din si Chuck galing... MAKATI.
- Pumunta na sila kela Dave kahit umaambon. Lakad na mga boooys.
- Pagdating dun, sa clubhouse muna sila tumambay.
- Kinabit nila 'yung guitar at amp tapos tumugtog! Haha saya!
- Maya-maya pumasok na sila sa bahay nila Dave.
- Ang cute ng asooo! Si Furby! Pero Penelope ang tawag ni Andy. Ang likot sobra.
- Pinakain na sila kasama ang mga Gutierrez! Nakakahiya. Haha.
- Napagkamalan nanaman si Andy ng mommy ni David na si Franz (kuya ni Dave).
- Sarap ng bacon, sisig, hipon at nilagang baka! Waaaw... sarap talaga!!!
- Internet naman sila pagkatapos kumain! Search nung kung ano-ano. Stalk mode sa Friendster! Haha.
- Nag-download pa sila ng mga kanta sa Limewire. Dagdag kanta nanaman sa iPod ni Andy!
- Sinearch nila sa YouTube si Jeon Ji Hyun! Gandaaa...
- Nahuli si David ng ate n'ya. Haha. Shhh... pero ayos lang!
- Nakita ng ate ni Dave kung gaano kaalaga si Andy sa gamit n'ya. Lalo na sa iPod. Haha.
- Gitara lang sa kuwarto. Turuan si Carlo mag-Pardon Me!
- Uwi na. Gabi na eh! Si Carlo at Chuck mag-MMRT! Si Andy jeep! Si David wala! Haha.
When I see your smile, tears run down my face. I can’t replace.
6:44 AM