Friday, August 18, 2006
A Favor House Atlantic
Birthday celebration ni Carla after ng isang sabog na araw!
Highlights:
- May usapan si Andy at Carlo na magkita sa pavilion ng mga 6:30am. Pero 'di nagising ng maaga si Carlo kaya wala pa rin.
- Techniques nila, pero walang pinagawa si Sir Castro. Nakipagkuwentuhan lang si Sir sa mga estudyante.
- Nakasabay nila sila CFAD Shirt Girl sa harap ng elevator. Malas ni Carlo.
- Nag-Physics na sila pagkatapos kumain sa pav.
- Mag-checheck daw si Sir Paner ng papers for one hour.
- Nag-brownout bigla! Kawawa naman 'yung mga nasa elevator. Walang magawa.
- Dinismiss din silang 'di nag-lecture si Sir Paner.
- 'Di pa rin nakikita ni Andy si Penelope.
- Tumambay muna sila sa pav. Nagkuwe-kuwentuhan lang tungkol sa kahit ano.
- Nakita nila si Gwen na sinundo. Kasama si Cotton. Hirap na hirap umakyat si Cotton sa kotse kaya binuhat na lang n'ya. Haha.
- Nakita nila 'yung MC plate na PS2. Wow...
- Kinausap sila ni You Rock. Hinahanap n'ya si Egoy at mukhang namromroblema at iiyak na. Nakakaawa.
- Dumating na si Carla. Ininvite sila para sumama sa celebration ng kanyang birthday!
- Sumama na si Andy, Carlo, Chuckie at Jobert. Pagkain!
- Nag-FX sila tapos tricycle at nasa bahay na sila ni Carla... haha.
- Nagkahiyaan pa pumasok. Nakita nila 'yung kapatid na babae ni Carla. Kamukha ni Natalie!
- Todo kain sila. Grabe si Chuck. 'Di ata nabubusog!
- Nandun din sila Danelle and friends. Kaya madami-dami na rin sila.
- May pa-poging lalaki na nagpapa-cute kay Carla na masarap sapakin. Haha.
- David, iwas konti para 'di ma-obvious na sila.
- Inuman sila. Kay Carlo at Jobert unang binigay 'yung mga beer. Haha.
- Kamukha daw ni Carlo si Skeleto. Tawa silang lahat.
- Maya-maya umalis na sila. Kailangan na rin ni Chuck at si Andy hahabulin pa si Penelope sa YM.
- Nagkahiwalay na sila pagdating nila sa SM North. Hanggang si Jobert sumakay na rin ng Quiapo.
- Si Andy at David na lang natitira. May nakita pa silang muntikan ng manakawan sa overpass. Haha. Takot na takot 'yung dalawa umakyat.
- Hanggang nagkahiwalay na rin sila. Uwi na.
Your eyes tell the stories of a day you wish you could. Recall the moments that once have.
8:59 AM