Wednesday, August 30, 2006
Giving Up Hurts The Most
Walang post ng blog kahapon dahil sa sobrang kulang sa time para gumawa ng IND plate.
Ang init ng araw na 'to! Haha. Mula umaga hanggang gabi ang init pa rin... pero sobrang sayaaa...
Highlights:
- Umagang-umaga na sa UST na si Andy. Nakatulog kaya 'di natapos ang plate!
- Si Vien naman at 'yung iba tapos na!
- Si Kevin naman ay malapit na matapos pero ang problema ay nawawala ang Orthographic View ng Watch n'ya.
- Walang IND! May mass para sa pagkamatay ni Father Cortez.
- Na-move ang deadline ng IND sa friday! Natuwa kasi si Sir Buni sa mga estudyante sa kanilang pagdarasal. Yes! Salamat Sir!
- Nice Andy! Parang pagkain na nilalapit sa gutom na aso ang nangyari!
- Hinahamon ni Carlo sila Patch para maglaro ng DotA. Pero 'di natuloy.
- Carlo 'di nakita si CFAD Shirt Girl nung lumabas sila sa Beato.
- Lahat sila nagumpisa na gumawa ng kanilang MC.
- Ginagabi na sila pero 'di pa rin silang lahat tapos.
- Si Andy at Jace ay nanggugulo na lang!
- Si Geim at Jeng ay tinulungan ng ibang mga estudyante para mapadali ang pagkatapos!
- United ang section! Haha. Kakatuwa tingnan. Napatayan pa sila ng ilaw sa pav.
- Uwian na nilaaa... Bye bye Mike! Haha.
Angels mourn, crying, praying for your soul. As my eyes open from their state of sleep, I feel my blood turn into a frozen river.
7:26 AM
Monday, August 28, 2006
Handshakes At Sunrise
Lahat na ng estudyante ay 'di na alam ang gagawin sa kani-kanilang plate sa IND. Suwerte ng mga walang IND.
Highlights:
- 5:50am. 'Yan ang oras na dumating si Andy sa UST. 6:00am kasi ang usapan.
- 6:40am. 'Yan ang oras na dumating si Carlo sa UST. Ano oras usapan?
- Inabangan nilang dalawa ang kanilang mga iniirog, ngunit 'di naman nila ito mahagilap.
- Hanggang nagsidatingan na si Kevin, Egoy at Vien. Sakto sila lima. Ano gusto n'yo palabasin!?
- Ayan, Dynaquest ang kanilang hinantungan. Divine nanaman si Andy. Kalaban si Seraph.
- Bumalik sila sa room nila sa taas para gumawa ng IND nila.
- In-announce na sa buong Beato ang pagkamatay ni Father Cortez. Makonsensya kayo Egoy at Vien.
- Bumaba sila maya-maya para kumain!
- Bumalik na sila sa pav. Para mag Philosophy!
- Nagdasal sila para sa pagkamatay ni Father Cortez. Tapos iniwanan na sila ni Sir Ortega.
- Tambay mode lang sa pav! Lagi naman eh. Bahala na IND!
- Dumating na si Penelopeee... may nabanggit mga kaibigan n'ya kay Andy pero wala lang 'yun.
- Sinetup nila si David para makita s'ya ni Diego! Nice one! Huling-huli ang kasiyahan ni Diegooo...
- Pumasok na sila sa Lit nila! Go Vien. Kokopya lang sila... Haha.
- Tapos pinauwi na sila. Pero tumambay muna sila sa pav.
- Nagpacheck ng concept si Kevin kay Sir Buni! Yesss...
- Bumili sila ng gamit sa Jomar's tapos uwian na!
Arrive, open your eyes. I'm freeing you.
5:54 AM
Friday, August 25, 2006
Brighter
Buong araw na walang klase! Haha. Tambay mode lang...
Highlights:
- Naunang dumating ay si Carlo! Naabutan n'ya pang nag-paparade ang mga teachers para sa sportsfest!
- Maya-maya dumating na rin si Egoy. Tumambay lang sila sa bench sa may pav kasama si PAH-tch!
- Dumating na rin si Andy! Napasarap ang tulog. Gumawa na rin s'ya ng concepts para sa IND.
- Hanggang isa-isa na silang dumating sa pav.
- Kumain na sila sa RJB! Pero si Zoya magisang kumain sa Great Grand Mother.
- Tapos nun ay umupo muna sila sa pav, inaabangan kung may pasok o wala sa Physics.
- Binuksan ni Penelope at ng kanyang kaibigan ang bintana at kumaway kay Andy!
- Umakyat muna sila sa classroom kahit walang klase sa sobrang init ng araw.
- Bumaba sila after forty minutes para abangan si CFAD Shirt Girl. Pero wala eh.
- Nagpa-check na sila ng concepts kay Sir Buni. Buti naman 'di na masyado mainit ulo ni Sir sa kanila.
- Nagkainitan si Chester at David dahil sa isang word, "tsismoso".
- Balik pav sila. Uwian na daw nila Penelope kaya nagmadali si Andy pagbalik. Tinawanan pa s'ya ni Carlo at David.
- Nasa pav na nila si Penelope pero 'di nakita ni Andy. Sakto nung nakita n'ya umalis na.
- Pinaguusapan nila ang "The End Of The World" with your special someone. Sakto dumating sila Sdam nung s'ya 'yung topic.
- Dumating si Carla sa pav. Masaya nanaman si David.
- Umuwi na si David at Carla. Pero si Andy, Carlo, Chuckie at Jobert ay kumain pa sa P. Noval! Sarap!
- Uwian na sila pagkatapos kumain at tumambay!
So this is how it goes? Well I, I would have never known.
6:46 AM
Thursday, August 24, 2006
Love Seat


(Above: David at Chuckie impersonating Natalie.; Below: Queen Gwendolen ang King James!)
Sobrang wasted ang araw na 'to. Pero... sobrang saya! Teeba tol!?
Highlights:
- Hindi natulog si Andy para magawa ang kanyang HOD plate! 6:00am nasa UST na s'ya.
- Naabutan nilang tulog si Andy sa pav at walang kasama. Ginising na nila ito para paakyatin.
- Nag-PE na sila Carlo, Chester, Kevin, Jacky, Jobert at Vien.
- Late si Penelope. At 'wag na kayong magulat na nagpasa s'ya ng plate na halimaw.
- Naglaro na sila sa Football PE nila. Galing ni Kevin mag-Goal Keeper position.
- Tapos nun ay nagkita-kita na rin sila sa pav.
- Kumain na 'yung iba, lalo na 'yung mga may baon. Tapos bumili ng materials sa MP.
- Umakyat na sila para sa MP class nila!
- Reporting ng grupo nila Egoy about Fibers. Haha. Tulog muna.
- Pinagawa na sila ng project na gagawin nila sa MP, using the materials na binili nila.
- Bumaba muna si Andy, Carlo, Chuckie at David para maghanap ng empty bottle na mapaglalagyan.
- Iba nakita nila. Sila Penelopeee... ang saya ni Andy!
- Si Chuckie naman talagang garapalang pag-st-stalk kay Mads! Damn!
- Umakyat ulit sila para kunin lang ang gamit nila.
- Naiwan na si Andy magisa dahil MC class na nila. Pinuntahan n'ya sila Gwen sa pav ng sobrang tagal.
- Nanood muna si Andy ng program sa AVR ng Beato, tungkol sa artist ng Pixar na Pilipino.
- Tapos na ang MC class. Mukhang nagkakasundo naman lahat ng magpapartner!
- D. Geom na! Pero kumain muna sila sa Burger Machine! Yum!
- Balik plates na. May pinagawa nanaman si Sir Dacanay about cutting planes.
- Pagkatapos ay tumambay muna ng sandali sa pav at dinaanan si Tittel sa Dyna 3!
- Tapos nagsiuwian na silang lahat! May sakit si Kevin!
My love's like an arm chair. It's inclined to recline.
7:45 AM
Wednesday, August 23, 2006
When The Sun Sleeps
Hmmm... balanced ang mga nangyari ngayon. May okay, may hindi.
Highlights:
- Ang aga ni Andy sa pav. Mga 6:00am pa lang nandun na s'ya.
- Kasama niya si Gwen pati mga friends n'ya.
- Umakyat na sila maya-maya para sa IND.
- Uminit ulo ni Sir Buni dahil andaming 'di gumawa ng concepts! Na'ko... dinagdagan pa ng isang plate na ipapagawa sa kanila.
- Inexplain ni Sir 'yung tungkol sa Vertical and Lateral Thinking.
- Kumain na 'yung iba sa Great Grand Mother. Mga may baon sa pav lang kumain.
- Pumasok na sila para sa Trigonometry class nila.
- Ang ingay ng klase kaya nabastos si Sir Pineda sa mga nakaupo sa likod.
- Inextend ng 10 minutes 'yung klase.
- Tumambay na sila sa pav. Dating gawi.
- Umupo rin sila sa bench sa may field. Kuwentuhan lang.
- Labasan na nila CFAD Shirt Girl. Go Carlooo!
- Sinundan nila ang grupo nila CFAD Shirt Girl. Nung nahalata nilang pupuntang Jomar's para bumili ng gamit, inunahan na nila.
- Nice one! Sa Jomar's din sila pumunta. Pero si Andy dinidikitan naman ni Teta! WAAA!!!
- Andy: "Orange..."
Carlo: "Green..."
Kevin: "...minded?"
Ano ba 'yan Carlo! Wala 'yan sa plano!
- Tumambay na sila sa Ministop at kumain. Si Chuck sumunod at may dala-dalang pagkaing porkchop! Sarap.
- Oh uwian na! Haha.
I thought you'd come back. At least I prayed.
5:58 AM
Tuesday, August 22, 2006
What It Is To Burn
Masayang araw sa iba. Pero kay Andy, walang pag-asa.
Highlights:
- Magkikita-kita nanaman si Andy, Carlo at David sa pav.
- Si Carlo at Andy pa lang ang na sa UST.
- Pumunta silang dalawa sa Main Bldg. para itanong 'yung remaining balance na kailangan bayaran ni Andy for Prelims.
- Tapos nun ay pumunta silang Dapitan para bumili ng tali sa buhok.
- Bumalik na sila sa pav. Maya-maya dumating sa si David dala-dala ang gitara ni Andy!
- Tapos dumating si Chuckie kasama ang kuya.
- Kumain lang sila sa pav. Tumambay at magkuwentuhan lang!
- Sila Egoy, Beth at Rochelle nag-G4! Hindi man lang nagyaya.
- Mali ang setup ng plano ni Andy, Chuck, Geim at Carlo para sa pagdating nila Penelope. 'Di tuloy nakausap.
- Bumalik sila sa pav. Gumawa sila ng HOD plate ni Andy. Moral support naman d'yan!
- Pina-drawing din ni David kay Andy si Carla.
- Kasama nila si Mike tumambay sa pav hanggang gabi. Inaabangan si CFAD Shirt Girl.
- 8:00pm na, labasan na nila CFAD Shirt Girl. Nakita na rin ni Carlo sa wakas.
- Uwian na, hinintay nilang makasakay si Mike ng FX.
- Dinaanan muna ni Andy at Carlo si Tittel sa Dyna pero nakaalis na daw.
- Umuwi na rin silang dalawa.
Today is on fire. The sky is bleeding above me and I am blistered.
6:15 AM
Monday, August 21, 2006
Guardian Angel


(Above: Tumambay muna sila sa clubhouse; Below: Furby! Ang cute na puppy ng ate ni David.)
Tambay sa bahay nila David! Ang saya ng araw na 'to! HAHAHA. Salamat mga Gutierrez!
Highlights:
- Magkikita-kita daw sila sa McDo sa tabi ng MRT sa Quezon Avenue.
- Nauna dun si Andy, nagtaxi pa s'ya dahil dala n'ya ang electric guitar at amplifier.
- Si Carlo naman ang sunod na dumating. Kinig muna sila sa iPod habang wala si David at Chuck.
- Kumain muna si Andy ng breakfast meal.
- Biglang umambon. Grrr... pa'no magbabasket!?
- Si David dumating maya-maya. Halatang nagmadali galing sa bahay.
- Ang tagal nilang hinihintay si Chuckie dumating.
- After 1 hour and 30 minutes, dumating din si Chuck galing... MAKATI.
- Pumunta na sila kela Dave kahit umaambon. Lakad na mga boooys.
- Pagdating dun, sa clubhouse muna sila tumambay.
- Kinabit nila 'yung guitar at amp tapos tumugtog! Haha saya!
- Maya-maya pumasok na sila sa bahay nila Dave.
- Ang cute ng asooo! Si Furby! Pero Penelope ang tawag ni Andy. Ang likot sobra.
- Pinakain na sila kasama ang mga Gutierrez! Nakakahiya. Haha.
- Napagkamalan nanaman si Andy ng mommy ni David na si Franz (kuya ni Dave).
- Sarap ng bacon, sisig, hipon at nilagang baka! Waaaw... sarap talaga!!!
- Internet naman sila pagkatapos kumain! Search nung kung ano-ano. Stalk mode sa Friendster! Haha.
- Nag-download pa sila ng mga kanta sa Limewire. Dagdag kanta nanaman sa iPod ni Andy!
- Sinearch nila sa YouTube si Jeon Ji Hyun! Gandaaa...
- Nahuli si David ng ate n'ya. Haha. Shhh... pero ayos lang!
- Nakita ng ate ni Dave kung gaano kaalaga si Andy sa gamit n'ya. Lalo na sa iPod. Haha.
- Gitara lang sa kuwarto. Turuan si Carlo mag-Pardon Me!
- Uwi na. Gabi na eh! Si Carlo at Chuck mag-MMRT! Si Andy jeep! Si David wala! Haha.
When I see your smile, tears run down my face. I can’t replace.
6:44 AM
Friday, August 18, 2006
A Favor House Atlantic
Birthday celebration ni Carla after ng isang sabog na araw!
Highlights:
- May usapan si Andy at Carlo na magkita sa pavilion ng mga 6:30am. Pero 'di nagising ng maaga si Carlo kaya wala pa rin.
- Techniques nila, pero walang pinagawa si Sir Castro. Nakipagkuwentuhan lang si Sir sa mga estudyante.
- Nakasabay nila sila CFAD Shirt Girl sa harap ng elevator. Malas ni Carlo.
- Nag-Physics na sila pagkatapos kumain sa pav.
- Mag-checheck daw si Sir Paner ng papers for one hour.
- Nag-brownout bigla! Kawawa naman 'yung mga nasa elevator. Walang magawa.
- Dinismiss din silang 'di nag-lecture si Sir Paner.
- 'Di pa rin nakikita ni Andy si Penelope.
- Tumambay muna sila sa pav. Nagkuwe-kuwentuhan lang tungkol sa kahit ano.
- Nakita nila si Gwen na sinundo. Kasama si Cotton. Hirap na hirap umakyat si Cotton sa kotse kaya binuhat na lang n'ya. Haha.
- Nakita nila 'yung MC plate na PS2. Wow...
- Kinausap sila ni You Rock. Hinahanap n'ya si Egoy at mukhang namromroblema at iiyak na. Nakakaawa.
- Dumating na si Carla. Ininvite sila para sumama sa celebration ng kanyang birthday!
- Sumama na si Andy, Carlo, Chuckie at Jobert. Pagkain!
- Nag-FX sila tapos tricycle at nasa bahay na sila ni Carla... haha.
- Nagkahiyaan pa pumasok. Nakita nila 'yung kapatid na babae ni Carla. Kamukha ni Natalie!
- Todo kain sila. Grabe si Chuck. 'Di ata nabubusog!
- Nandun din sila Danelle and friends. Kaya madami-dami na rin sila.
- May pa-poging lalaki na nagpapa-cute kay Carla na masarap sapakin. Haha.
- David, iwas konti para 'di ma-obvious na sila.
- Inuman sila. Kay Carlo at Jobert unang binigay 'yung mga beer. Haha.
- Kamukha daw ni Carlo si Skeleto. Tawa silang lahat.
- Maya-maya umalis na sila. Kailangan na rin ni Chuck at si Andy hahabulin pa si Penelope sa YM.
- Nagkahiwalay na sila pagdating nila sa SM North. Hanggang si Jobert sumakay na rin ng Quiapo.
- Si Andy at David na lang natitira. May nakita pa silang muntikan ng manakawan sa overpass. Haha. Takot na takot 'yung dalawa umakyat.
- Hanggang nagkahiwalay na rin sila. Uwi na.
Your eyes tell the stories of a day you wish you could. Recall the moments that once have.
8:59 AM
Thursday, August 17, 2006
Come Close
What a day. Nawala na ang pasahing binubuhat ng mga nakatapos sa MC plate!
Highlights:
- 'Yung iba HOD class, 'yung iba PE. Haha.
- 'Di nakapag-prelims si Andy sa HOD. Kaya INC ang pinakamataas n'yang grade.
- Tinamaan ng bola sa mukha si Carlo 'pag sipa ni Kevin.
- Tinanong ni David ang prof n'ya sa Basketball kung p'wede daw ba ibang shirt ang suot n'ya. Paghugot n'ya ng shirt sa bag, nasama 'yung brief n'yang WHITE.
- Kinausap ni Pahhh...tchhh si Andy tungkol sa plate nila sa MC ('yung PC ni Geim). Bestfriends DAW.
- Kumuha si Andy, Egoy, Geim at Julius ng reference ng Arts and Crafts Mov't para ipakita kay Ms. Mendoza. Halimaw 'yung kay Geim!
- Umakyat sila sa room pero walang tao at naka-lock pa ang pinto!
- Bumaba sila kasama ang 1-1 sa second floor pero paakyat pala si ma'am.
- Tapos pagakyat, nagbago isip ni ma'am kaya sa baba na lang daw ulit. Waaa...
- Nacheckan din sa wakas ang kanilang reference. Tapos tumambay na sila sa pav.
- 'Yung iba hindi nag MP para gumawa ng MC nila.
- Si Carlo nag-MP kaya hindi nakita si CFAD Shirt Girl. Pero si Teta nakita si David. Hahaha.
- Si David nailang nung umupo sila Natalie sa tabi ng table nila sa pav. Si Chuckie? Hhhsss... damn!
- David's corny joke of the day: "Bakit ba Paramore? PARA MORE energy, mas happy! More energy mas happy!"
- Pero pagalis nila ay nilabas n'ya na ulit ang kanyang pagkakengkoy. Nag-compose pa s'ya ng kanta para sa kuya n'ya. "Aray, ang sakit...", tono ng The Adventure.
- Pumasok na sila para sa MC class nila. Naiwan na si Andy.
- Nakita ni Andy may kasama si Penelope na friend na guy. Nanghina s'ya kasi minsan na nga lang s'ya magkaroon ng chance makasama, 'di pa natuloy.
- May parade sa UST! Dumaan pa si Ms. UST. Haha.
- Maya-maya D. Geom na nila. Tinatamad pumasok si Kevin kaya sinamahan s'ya ni Andy.
- Tumambay lang sila dun dalawa hanggang dumating si Mike. Usap lang hanggang matapos sila Carlo.
- May mga mouth-piece sila. Haha candy na dumidikit sa ngipin na binigay ni Mike.
- Dismissed na sila. Tambay lang sa pav tapos deretso Ministop.
- Naiwan si David dahil aantayin pa n'ya kuya n'ya. Si Mike naman uuwi na.
- Dumaan si Tittel sa Ministop. Nice Titz! Umupo na, pero halos kasing tangkad pa rin nila pag tumayo.
- Tapos nun umuwi na sila. Yo Gangsta!
Remind yourself that they are the ones who will hold you still. My thoughts exploding in thousands of pieces.
7:37 AM
Wednesday, August 16, 2006
The Great Golden Baby
This is the day that had proven to us that there's an equivalent exchange to everything that is happening around us.
Highlights:
- Inadd ni You Rock si Chester! Nice one tol!
- Binigay ni Sir Buni 'yung mga categories ng Watch para makapili na kami kung anong klase i-dedesign namin.
- Categories na binigay ni Sir Buni: Comfortable, Functional, Luxurious, Modern, Simple, Sporty, Tough and Rugged.
- Nagpa-check sila ng concepts nila.
- Pagkatapos nun ay bumaba na sila. Hinahanap ni Andy si Penelope.
- Sila David at Geim ay 'di nag Freehand Drawing.
- Sa Pav na kumain ang mga baon boys. 'Yung iba sa Great Grand Mother.
- 'Di nanaman nila mahanap si Sir Ortega para mag-exam!
- Math class na nila kay Sir Pineda. Prelim exam. Andaming nakatulog habang sumasagot.
- Pagkatapos mag-exam ay tumambay na sila sa pav.
- Hindi nila pinag-usapan ang DotA.
- Ang pinaka-hihintay ni Andy. The equivalent exchange!!!
- Huli nanaman si David sa pagkatotoy n'ya kay Mads.
- Kinantahan nila si Carla ng happy birthday! Haha.
- Nagpagabi lang silang tumatambay sa pav at sa field. Inaantay si CFAD Shirt Girl. Pero wala naman.
- Bumili na sila ng materials sa Jomar's. May puting asong may bell sa leeg!
- Umuwi na sila. Si Andy at Kevin sa wakas! Nakapag-FX na rin! It is a miracle!
Make your move. Obvious humor.
5:49 AM
Tuesday, August 15, 2006
Make Damn Sure
Ahhh... ano ba? Grabe! Talaga? Labo ba? Malabo kasi ang araw na 'to eh. Bakit ganito nangyayari!?
Highlights:
- PE nila Andy. Naka-uno si Andy sa basket, sa passing and dribbling drills.
- Si Jace nagpapatawa ata. Imbis na chest pass, Jace pass ginawa eh.
- Nagbihis na sila tapos pumuntang pav. Iniwan nila si Andy dun nagiisa.
- Pumikit lang si Andy dahil inaantok na s'ya habang nakikinig ng iPod.
- Nagulat s'ya matagal na n'ya palang katabi si Beth, Jeng at Rochelle.
- Maya-maya dumating na sila Carlo, Jobert, Geim at Egoy.
- Tumambay lang sila sa pav.
- Inaantay pa rin ni Andy si Penelope, 'yun pala umuwi kaagad pag pasa ng plate.
- Kumain sila sa pav. Siomai madness. Ang anghang!
- Maya-maya dumating si Titz. Nagmadali pumuntang Dyna kaya nauna na s'ya.
- Hinahanap ni Andy, David at Jobert si Sir Ortega para mag-exam sa Philo pero mukhang absent.
- Gumawa pa ng drafting sa MC si David.
- Maya-maya nakita nila si Sir Ortega sa harap ng Beato. Bukas na lang daw mag-exam.
- Nag-DotA sila sa Area kasama sila Galia.
- Nag-random si Andy at Omniknight nakuha n'ya. 20 kills overall. Nabadtrip sila Egoy dahil mismatch daw ang teaming.
- Dinaanan nila si Titz sa Dyna 3 at nagtampo ito dahil 'di s'ya nakalaro kasama kami.
- Tumambay ng sandali sa pav kasama si Carla.
- Uwi na pagkatapos bumili ng materials!
You've got this new head filled up with smoke. I've got my veins all tangled close.
6:04 AM
Monday, August 14, 2006
Voices
Walang nangyaring matino ngayong araw na 'to. Badtrip.
Highlights:
- Umagang-umaga at nasa pav na si Carlo at Vien.
- Pagdating ni Andy ay kaaakyat lang ni Penelope. Malas.
- Umakyat na sila maya-maya dahil 8:00am na. IND na nila.
- Chineck na ni Sir Buni ang mga gawa nila. Mataas ang mga nakuha nila except si Chester at Egoy.
- Nakakuha 'yung iba ng matataas! Si Kevin naka-90%!
- Pinapili na sila kung anong klaseng watch ang kanila-kanilang i-dedesign (Modern, Sports, Innovative at Traditional).
- Pinasa na nila ang kanilang mga gawang Perspective view.
- Pinababa na sila pagkatapos. Nakita ni Andy si Penelope, pero mukhang bad mood at 'di s'ya masyado pinansin. Nasira na ang buong araw ni Andy.
- Kumain na sila sa RJB. 'Yung iba sa Great Grand Mother.
- Tapos tumambay na sila sa pav at umulan ng malakas.
- Nag-dradrawing contest si Andy, Jobert at Chester. Panalo ang drawing ni Jobert na "Kim".
- Pumasok na sila para sa Philo exam. Hindi pinag-exam 'yung iba dahil walang permit.
- Pinapunta 'yung mga walang permit sa main building pero wala rin nangyari.
- Nag-exam sila sa Literature. Madali lang kaya natapos kaagad.
- Nahuli si Miguel na nangongopya ng garapalan kaya siningko ito sa exam.
- Tumambay na sila sa pav. Tapos naglaro ng DotA.
- Masama ang laro nila. Kaya pagkatapos nito ay kumain na lang sila sa Ministop.
- Tapos uwian na. Muntik pang masagasaan si Andy kung hindi lang s'ya hinawakan ni Kevin. Saya ng araw na 'to no!?
I miss the pain. When we were moving forward now.
7:20 AM
Friday, August 11, 2006
Sleepers

Saosin's self-titled album is in stores September 26th.
Tapos na rin ang prel
im week. Pero 'di lahat ng subjects nila tapos na. Pero next week naman ang pasahan ng MC!
Highlights:
- Techniques class umagang-umaga. Prelim plate 'yung pinagawa ni Sir Castro. Upuan.
- May dalang gitara si Andy. Utos kasi ni Kevin na magdala s'ya.
- Nakatapos naman silang lahat.
- Si Jobert ay tinatapos pa ang kanyang IND plate na Thermos.
- Kumain na si Andy at Carlo sa pav. Sila Chester, David, at Kevin ay nag-Great Grand Mother. Si Vien walang pera.
- Tumambay lang sila sa pav habang wala pang Physics class.
- Kinapa ni Kevin 'yung bass ng Penelope.
- Pagdating ng 12:30 ay umakyat sa sila classroom.
- Maya-maya ay dumating na si Sir Paner. Waaa... Prelim exam na!
- Buti na lang nakapag-aral sila kahit konti kay may nasagot naman sila.
- Si Andy nakatulog, tumulo laway sa test paper.
- Pagkatapos ng exam ay dinismiss na sila ni Sir Paner. Tumambay na naman sila sa pav.
- Inaantay ni Andy si Penelope pero, mukhang 'di pumasok at may sakit.
- Si Jobert naman ay tinatapos pa rin ang kanyang plate sa IND para mapasa na kay Buni.
- Nice Carlo! Ang ganda ng view kay CFAD Shirt Girl! Hahaha.
- May bagong estudyante si Kevin sa pag-gigitara, si David! Haha. Zanjoe live.
- Chuckie naman ay tigang na tigang kay Mads. Hhhhsss... damn!
- Parami ng parami ang nag-reregister sa SNK kay Carlo.
- Dumating si Tiiiteel. Sigurado DotA nanaman 'to.
- DotA!? Panalo naman lagi eh.
- Tambay Ministop. Ubos na mga pera nila kaya walang makain!
- UWI na! Umuulan eh. Haha.
We have been in tune with luck. We slept through it.
8:08 AM
Monday, August 07, 2006
Penelope
Preliminary Examination WeekPosts will be temporarily delayed due to the number of plates that they'll need to finish.
Oh Penelope. Are you filled with air?
7:19 AM
Saturday, August 05, 2006
Act Appalled
Saturday na. Pero pumasok pa rin sila. Ang lakas pa ng ulan. Badtrip.
Highlights:
- Umaga pa lang nandun na si Beth, Egoy at Rochelle. Nanood sila ng game ng UAAP. Si Egoy naiwan.
- Si Andy nasa pav na. Basang-basa sa ulan. Inumpisahan na n'ya gumawa ng plate sa IND.
- Dumating si Carlo. Nakapayong pa.
- Maya-maya dumating na rin 'yung mga iba. Para makapag-exam sa NSTP nila.
- Iniwan na nila si Andy pagdating ng 1:00pm para sa exam. 'Di kasi naka-activate student number niya kaya 'di s'ya makasama.
- After nilang magexam ay binalikan nila si Andy sa pavilion. Inaantay s'ya matapos.
- Natapos ni Andy ang Orthographic/Cross-section at Isometric view.
- Nag-DotA sila (Andy, Carlo, Egoy, Jace at Kevin) at nagleave 'yung isa sa mga kalaban nila.
- Nag-Pudge nanaman si Andy after ilang months na walang practice sa paghoohook. Wala pa ring kupas!
- Pagkatapos maglaro ay tumambay muna sila sa Ministop! Nandun si Aray! Ganda talaga.
- Umuwi na sila pagkatapos. Umuulan nanaman! Grrr...
Will you walk straight? I'm not like them.
6:40 AM
There's No Sympathy For The Dead
Wasted. Phew... palapit na ang Preliminary Examinations. Wala nanamang tulugan 'to. (Delayed ang pag post dahil may error kagabi.)
Highlights:
- Umagang-umaga magisa lang si Andy sa room. Naiwan n'ya kasi 'yung tracing tube sa Pipeline kaya dinaanan n'ya pa 'to ng mga 5:30am.
- Techniques class na. May bagong tinuro si Sir Castro na technique. Haha.
- May lagnat pa rin si Jobert. Kawawang bata.
- Natapos naman nila lahat ng exercises na pinagawa.
- Pagkatapos nun ay kumain na sila Andy, Carlo, Kevin, Jobert at Vien sa Great Grand Mother.
- Napansin ni Andy na absent nanaman si David. Nakasalubong din nila si Carla.
- Physics class na nila. Red na red ang damit ni Sir Paner.
- Nakaka-antok talaga sobra! Kahit pinilit nilang makinig, ayaw talaga!
- Nung nag 15-minute break ay nagsitulugan na ang mga tao. Haha. Ang sasarap ng tulog.- Nagpa-quiz si Sir Paner tungkol sa mga diniscuss n'ya.
- Dismissed na sila. Tumambay lang sila sa pav. Sight-seeing.
- Maya maya pinuntahan na nila si Tittel sa Dyna III para maglaro ng DotA.
- Unang kalaban nila nag-leave. Pangalawang kalaban, dinurog nila. Ito lineup nila:
Andy: Dwarven Sniper
Carlo: Enigma
Jace: Sand King *
Kevin: Venomancer
Paul: Lich
(* 'Yung sawsaw sa game.)
- Tapos kumain muna sila sa Ministop. Konting kuwentuhan at...
- Nakalimutan ni Kevin ang rice cooker n'ya sa pav! Kaya binalikan nila ito.
- "Grabe si Lion King nga...", alam mo na 'yan Kevin. Hahaha.
- Habang nagaabang sila ng masasakyan ay nag-coconcert si Jace. "Jolly Jace Is In The Jolly World.", nakakahiya kasama!
- Uwian na! Haha. Sakit na ulo nila.
Oh my god I have the remedy for love. I struck the glass and broke the bones inside my fist.
6:17 AM
Thursday, August 03, 2006
Echo
Ano ba meron sa araw na 'to!? Bakit andaming nagkakasakit!? Eh bakit ba!?
Highlights:
- HOD class nanaman ng mga bumagsak kasama first year! Masaya si Andy. Inaantok si Egoy.
- PE nila Carlo, Chester, Jacky, Jobert, Kevin at Vien. Galing ni Vien mag-football!
- Sa pav na kumain si Andy, Carlo at Jobert ng kanilang mga baon.
- Tinatapos na nila ang MC nila habang maaga pa.
- MP class. Walang report ang group nila Rochelle.
- Pinagawa sila ng concepts about vines. Kopyahan ng concept! Haha.
- MC na nila. Pinagawa naman sila ngayon ng PC habang chine-checkan ang kanilang mga Rice Cooker.
- Si Andy nasa pav lang, mag-isang ginagawa ang plate ni Kevin sa Techniques. Buti na lang... "Oh Penelope, are you filled with air?" moment sa pav.
- Nilalagnat na si Kevin at Jobert! What happen!? It hurt!
- Descriptive Geometry na nila. Haha. Nonstop na exercises. Pero mas madali 'tong ngayon.
- Pag-dismiss sa kanila ay tumambay pa sila sa Ministop. Si Vien at Geim nauna na.
- Kawawa si Jobert. He needs water, kaya binili s'ya ni Andy. (Haha walang masulat.)
- Uwian na! Haha. JEEP nanaman ang sakay ni Andy at Kevin.
There's something about the look in your eyes. Something I noticed when the light was just right.
6:51 AM
Wednesday, August 02, 2006
Aqueous Transmission
Mas okay ang araw na 'to kesa kahapon. Mas madaming okay na nangyari. Haha. ANO!?
Highlights:
- Tambay mode sa pav. Aga kasi dumating ni Andy, Carlo at Kevin.
- IND nanaman! Umpisahan na ang pag-draft at pagkuha ng measurements ng inyong mga Thermos.
- Freehand naman ni David at Geim. Haha. Mga kotse naman ang ginagawa nila.
- Halimaw Paper Relief ni Penelope. 'Di normal ang skills para sa year n'ya.
- Dinagdagan pa ni Sir Buni ng Perspective view ang plate nila! SAYA!
- Pagkatapos nun ay kumain na sila sa RJB at 'yung iba sa Great Grand Mother.
- Hindi sila nag-Trigo! Andaming hindi pumasok.
- Niyaya nila si Andy at napilit nilang mag-DotA. Si Andy, Carlo, Chester, David, Kevin, Jobert at Vien.
- Three on three na walang katapusan. Hanggang nag-Fatal Error.
- Huli na dumating si Tittel sa Dyna. Kaya iniwan na nila ito. Haha.
- Tumambay sila sa pav! Sight-seeing! Sarap talaga buhay CFAD. Haha.
- Kevin! The Bee Bully! Apat na bubuyog ang nilunod sa iced tea.
- Andy one on one moment with Penelope. Nice!
- Nag-Ministop na sila. Nanlibre si Andy, dahil mukhang gutom na ang mga kasama n'ya. (Carlo, Jobert at Kevin.)
- Nice one! Hayley Williams katabi ng table namin. D'yosa!
- Dumating na si Lucian. Yehey may kasabay kami...
- Hinatid isa-isa si Carlo, Jobert at Kevin. Si Andy at Lu nag-Pipeline na! Haha.
I'm floating down a river. Oars freed from their homes long ago.
7:01 AM
Tuesday, August 01, 2006
I Have Become What I've Always Hated
Ano nga bang matinong nangyari sa araw na 'to... hmmm.
Highlights:
- Hindi nanaman nag PE si Andy. Maya-maya nagkita sila ni Jace na hindi rin nag PE.
- Si Egoy at si Geim ay nagklaklase pa sa LC1 kasama ang mga first year.
- Natapos ang klase nila, pinuntahan nila si Andy at Jace.
- Umuwi na si Jace at Geim. Naiwan si Andy at Egoy.
- Nakita nanaman ni Andy si Penelope at napangiti ito. Waaa...
- Magkasama ang minamahal ni Andy at ni Tittel kumain.
- Dumating si Titz para sa training n'ya sa Team B ng UST.
- Gumawa na ng plate si Andy sa Techniques.
- Maya-maya dumating si Vien sa pav. At si Egoy naman ang uuwi.
- Biglang dumating si Jobert. Ano ba 'yan, aalis isa, darating isa.
- Gumagawa ng MC si Jobert. Habang 'yung dalawa natutulog sa pav.
- Maya-maya dumating si Chuckie. Kasama ang kuya.
- Nag-DotA sila pagdating ni Tittel. Two on two, Andy at Vien laban kay Jobert at Paul.
- Tapos nun ay kumain sila sa Ministop Espana.
- UWIAN na! Hahaha. Sa wakas.
8:01 AM