Saturday, July 29, 2006
But It's Better If You Do
Celebration ng birthday ni Andy ngayon! Mahahaba-habang lakad 'to.
Highlights:
- Magkikita-kita sila sa pavilion. Ang usapan ay 9:00-11:00 ng umaga sila magaantayan.
- Dinaanan pa ni Andy si Kevin sa bahay nila. 'Di pa gising si Kevin.
- Dumating silang dalawa sa UST ng saktong 11:00am.
- Ayaw papasukin si Andy ng guard. Mukha bang masamang tao 'yan!?
- Nag-Ministop na lang silang lahat dahil 'di nga pinapasok. Si Chuckie na lang kulang.
- 'Di daw pinayagan si Tittel. Si Chester naman ay may meeting daw sa org nila.
- Sumakay sila ng jeep papuntang Quiapo!
- Pagbaba nila ay sumakay kaagad sila ng bus papuntang Glorietta 4. Pinapuno muna nila.
- BILLBOARD NG CUESHE. Joban is Andy. Pati buhok nila ngayon parehas nanaman... tae!
- Pagdating nilang G4 ay umikot-ikot muna sila. Haha.
- Maya-maya ay inatake na sila ng gutom. Tokyo Tokyo ang tuloy nila nito!
- Gutom kayo!? Ayan, Sumo Meals ang bagsak n'yo! Sagot lahat ni Andy.
- Namromroblema na sila kung paano nila uubusin ang pagkain. Si Chuckie at Egoy, halimaw kumain! Saan nila nilalagay 'yung mga pagkain!?
- Pagkatapos ay naglakad-lakad muna sila. Para matunawan.
- Tumingin sila nung kung anu-anong produkto. May mga diyosa ding napadaan.
- Nag-Timezone sila. Tumugtog si Andy, Egoy at Kevin. Sabog ang tugtugan! Haha.
- Tapos nun ay nag-taxi sila papuntang Powerplant para manood ng Nacho Libre!
- Pagdating dun ay bumili na sila ng ticket. 5:40pm ang start ng show.
- Naglibot muna sila at bumalik pagdating ng mga 5:30pm.
- Pumasok na sila at nanood! Nakakatuwa 'yung movie. Sobrang saya.
- Pagkatapos ng movie ay tumingin sila ng mga accesories sa Bead Shop. Bumil si Andy, Carlo, David at Kevin.
- Tapos nun ay lumabas na sila ng G4. May nakita pa silang kamukha ni Natalie. Nice Egoy!
- Kanya-kanyang uwian na. Haha. Magkasama pa sila Andy, Carlo, David, Geim, Kevin at Jobert sa jeep.
- Pagdating sa MRT station ay nahiwalay na si Carlo dahil sa kabila s'ya sasakay.
- Sa loob ng MRT ay naiwan na si Geim dahil bababa na si Andy, David, Kevin at Jobert.
- Pagbaba nilang apat sa Quezon Avenue ay tumambay pa sila sa Hen Lin at kumain.
- Pagkatapos nun ay nagsiuwian na rin sila!
Now I'm of consenting age to be forgetting you in a cabaret. Somewhere downtown where a burlesque queen may even ask my name.
6:51 AM