Tuesday, June 27, 2006
The Adventure
Nagkita-kita ang lahat kaninang umaga sa Pavilion sa harap ng building. May usapan kasing pupunta sa CCP para sa MP subject. As usual, tambay mode nanaman sila Andy, Carlo, Chuckie, Jace, Jobert, Jules (Just in case 'di n'yo alam, 'yan na ang tawag kay Julius ngayon.), Kevin at Vien. Dumaan din sila Beth, Eylin, Jeng at Rochelle.
Si Andy inaabangan nanaman si Penelope (Code name 'yan. Kilala n'yo na 'yun). Kontento na s'ya kahit masulyapan lang n'ya ang iniirog n'yang babae. Lalim! Si Carlo stalk mode. Inaabangan nanaman si CFAD shirt girl. Si Jace naman ay inuumpisahan na ang kanyang career sa pag-rarap. Tatawagin na s'ya sa pangalang "Jolly Jace". Si Kevin late nanaman dumating. Si Tittel? Asa pa tayong pupunta 'yun.
Nagantay lang kami hanggang na-dismiss na sila Egoy at Geim. At sa wakas, pinalabas na sila! Si Andy bigo nanaman dahil nakita na lang n'ya si Penelope paalis na. Okay lang 'yan Andy. Nagugutom na ang mga tao. Kaya kumain na sila sa Great Grand Mother (Great Grand Mama!).
Maya-maya naghanap na sila ng masasakyan papuntang Vito Cruz. And the sky starts to cry. Raindrops falling from the gloomy clouds. Haay... ba't ba ang malas namin? Wala pang masakyang jeep na maluwag. Kaya 'yung jeep na nasakyan, mistulang tae na dinumog ng mga langaw. Nakasabit pa si Geim, Jace at Julius. Ayon nga kay Geim, 'wag na daw magaalala dahil sanay na s'yang sumabit.
Mahaba-habang biyahe at nakarating din sila sa Taft. Malapit nga kela Lucian 'yun eh. Walking distance lang. Nakakapanibago. Ibang-iba ang lugar ng mga La Sallista sa mga Tomasino. Ayon nga sa mga fellow Thomasians, "Kalamares ng UST, Starbucks ng La Salle...". Haha. Tapos sumakay na sila ng masasakyan papuntang CCP.
Sisikan nanaman kami sa jeep na kulay orange! (Pero 'wag kayo magalala, may mas malupit na siksikan dito mamaya.) After minutes of senseless talking, nakadating na rin sa CCP!
For the first time in their lives, dito nila na feel na Industrial Designers na talaga sila. Biruin mo, instead na mag-DotA o tumambay, nandun sila para tingnan 'yung exhibit and bilin 'yung mga pinabili sa kanila.
Basta madaming nangyari. Katulad na lang nung biglang nawala si Jace sa eksena. 'Di man lang nagpaalam. Haha. Well, that is Jace Parlan. Ano magagawa natin? 'Di din sila makapagdecide kung ano na plano. Ayaw nila umuwi pero wala naman silang alam na pupuntahan. Hanggang nakapag-decide na ang lahat na sa G4 na ang tuloy ng lakad!
The march begins here. The so-called "Death March". Basta... alam mo naman siguro 'yun 'di ba? Lahat sila sobrang wasted na. Ga'no ka wasted? 'Yung tipong si Vien nadadapa na sa sobrang hilo. Matutumba na nga lang manghuhubad pa ng pantalon (ni Andy). Pero kahit ganun masaya pa rin. Tawanan lang. Hanggang makasakay na ng bus! Yeah boy!
Para silang nasa field trip sa ginagawa nila eh. Umupo lahat sa back part ng bus. Tapos nagkaroon ng pictorial para sa Friendster account. Hanggang dumating na rin sa G4. Naiwan na si Geim at Vien sa bus dahil uuwi na sila.
Nanibago sila pagkapasok ng G4. Kasi kanina full of chaos tapos pag pasok, parang ang ganda ng ambiance. Mukha na nga silang mga gusgusing bata. Nag-CR sila para naman tumino-tino naman mga itsura nila haha.
Timezone! Pinakitaan na sila ni Egoy ng kanyang drum skills. Grabe, napanganga na lang kaming lahat. Tapos si Kevin niyaya si Andy mag-guitar. Okay lang daw kahit magmukha silang tanga dahil 'di namin alam kung pa'no laruin 'yun. Pero 'di rin nila napigilan 'yung urge kaya napalaro na rin sila. Waaa... a new addiction. Kitang-kita sa mukha nilang dalawa na naadik na sila. To the point na 'di na nila binibitawan 'yung guitar! P'wede na bumuo ng banda!
Nagugutom na si Jobert! Kaya naghanap na sila ng makakain. Sabi ni Chuckie, mura daw sa Binalot. Kaya dun sila kumain. Si Kevin gumagawa pa rin ng concepts. Si Carlo sabog pa rin.
Nung uwian na, humiwalay na si Chuckie. You know why? It's because he's from Makati. Kaya 'di basta-basta. Haha.
Tapos 'pag dating nila ng MRT Station umalis na rin si Carlo kasi bus sasakyan n'ya. Kaya si Andy, Chester, Jobert at Kevin na lang ang magkakasama. Nagtataka sila kung ano 'yung sinasabi ni Carlo na "Hell". 'Di nila ma-gets kung bakit. Pero nung bumababa na sila ng escalator, namulat ang kanilang mga mata. Andaming tao! Grabe! Nung nasa loob na sila ng MRT, para silang sardinas na inipit sa lata! Haha. Pinagtatawanan na lang nila ang nangyari. Si Chester bumaba na ng maaga.
Si Jobert humiwalay na sa Quezon Ave. Kasi Quiapo pa sasakyan n'ya. Si Andy at si Kevin umuwi na rin. Uuwi na nga ba 'yung isa? Tae. Basta nakakapagod ang araw na 'to. Pero sobrang saya. 'Yung tipong mapapangiti ka 'pag naalala mo. Haha.
I wanna have the same last dream again. The one where I wake up and im alive.
5:04 AM