Saturday, February 17, 2007
Die Romantic
Tambay mode sa pavilions ng Beato.
Highlights:
- Umaga pa lang ay pumunta na sa UST si Andy.
- Maya-maya ay dumating na rin sila Coy, Pat, Minnie, Gee at Jarra.
- Pumunta muna silang Ministop para doon kumain.
- Pagbalik nila ay naabutan na nila doon sina Jacob, Carlo at Egoy.
- Tumambay na sila doon sa pav.
- Maya-maya ya dumating na si Kevin.
- Tinulungan ni Andy at Mike si Pat at Gee na matapos ang ginagawa nilang plate.
- Nahihilo na si Mike dahil wala pa rin siyang kain.
- Umuwi na sina Jacob, Egoy, Kevin, atbp.
- Tinapos na nila ang plate nila at dumeretso ng McDo para doon kumain.
- Pagkatapos nila kumain ay bumalik na sila sa Beato para kunin ang plate nila.
- Nagsiuwian na rin sila pagkatapos at naiwan si Carlo sa UST.
You can illustrate your life in romance. I can show you something so much more than the words, in my hands.
4:33 AM
Friday, February 16, 2007
Godspeed
Dacanay day nanaman at CFAD Fashion Show. Waaa. Go David & Chuckie.
Highlights:
- Si Chester ay may dala nanamang kotse, sinabay na niya si Andy't Kevin.
- Nanlibre ng Milkshake sa McDo si Andy.
- Pumasok na rin sila pagdating ng 10:00 AM at wala pa si Sir Maliksi.
- Nag-iwan na lang siya ng note na darating siya one hour bago matapos ang class.
- Pagdating niya ay pinagawa na niya ang group activities.
- Pagkatapos nun ay dumeretso na sila ng MC room para ilagay dun ang mga gamit nila.
- Lumabas na sila para kumain sa Spiral at manood ng game ng Lakers vs. Cleveland.
- Si Jobert ang sakaling referee kung sakaling magsusutunkan na si Andy at Kevin.
- Pagkatapos ng halos dalawang oras na panonood sa loob ng Spiral, ay nanalo rin ang Cleveland.
- Sumama ang araw ni Kevin. Haha.
- Bumalik na rin sila sa MC class nila. Pero wala pa rin si Sir Dacanay.
- Nagbigay ng notice si Sir na pag wala pa siya ng 5:30 PM ay dismissed na sila.
- Dumating si Sir Dacs ng mas maaga kaya't may Techniques class pa sila.
- Balak sana nilang manood ng CFAD Fashiow para suportahan si David at Chuckie pero di na tuloy.
- Nag Techniques na rin sila at pinatuloy ang rendering nila sa furnitures.
- Pagkatapos nun ay dinismiss na rin sila.
- Pinakilala sa kanila ni Grace si Braces Girl. Wahahaha!
Burning down neverland. Scatter the ashes.
7:08 AM
Thursday, February 15, 2007
Paperthin Hymn
Half-day lang.
Highlights:
- HOD nanaman ng mga HOD boys kasama ang 1-1.
- IND naman nung mga iba sa fourth floor.
- Pagsapit ng 10:00 AM ay nagstart na rin ang PA class nila.
- Pinanood sa kanila ang 'Future Cars' na VCD.
- Pagkatapos nun ay dinismiss na rin sila.
- Pumunta na rin sila sa pav para doon tumambay at kumain.
- Nagtext ang prof nila sa Logic at innanounce na walang klase.
- Sumunod din dun si Beth, Gwen, Kristine at Rochelle sa pav at naglaro ng Frisbie sa field.
- Nanlibre din si Andy ng ice cream.
- Excited na si Vien dahil manonood siya ng Ghost Rider mamayang gabi.
- Inantay na rin nila matapos ang P.E. sa Football nila Coy.
- Tumambay lang sila sa pav hanggang mag 5 o'clock.
- Maya-maya ay nag-aya na rin sila umuwi.
When your only friends are hotel rooms. Hands are distant lullabies.
4:59 AM
Wednesday, February 14, 2007
Crush
It's Valentine's Day. The day of the hearts... oh really?
Highlights:
- Umagang-umaga ay dumating na si David sa UST para i-deliver kay Mike ang kanyang bulaklak.
- Nabadtrip si David ng may nagreklamo tungkol sa bulaklak. Vintage David. Haha.
- Sina Jacob, Jace at Julius naman ay may klase pa kasama ang 1-1.
- Dumating na rin sila Jobert at Kevin doon.
- Inaantay nila ang pagdating ni Andy at hinihiling na may dala itong gitara.
- Dumating si Andy. Pero hindi dumating yung gitara.
- Tumambay lang sila sa pav kasama sila Coy.
- Si Egoy naman ay may klase rin kasama ang kabilang section.
- Valentine's at ang mga lovers ay busing-busy lalo na si Carlo, David at Mike.
- Hyper ata si Gee ngayong araw na ito.
- Pagsapit ng dilim ay nagyaya sila na mag Ice Monster dahil nainggit sila kay Jarra at Gee.
- Malungkot si Chuck, dahil naiwan ni Mike sa bahay niya ang ireregalo sana niya sa girl niya.
- Pagkatapos nila kumain sa Ice Monster ay bumalik na rin sila sa pav.
- Umuwi na rin sila pagkatapis nun.
Faintest snow keep falling, falling. Yeah.
5:54 AM
Tuesday, February 13, 2007
To Whom It May Concern
Back to business! Woohoohoo!
Highlights:
- Umagang-umaga pa lang ay nasa UST na sina Geim, Jobert at Jacky.
- Nakita rin nila ang mga ibang Judo Teammates nila at pumunta na sa Dojo.
- Maya-maya ay dumating na rin si Andy at pumunta na silang lahat sa Dojo.
- Nag-training na rin sila pagkatapos ng mahabang pahinga.
- Na-tempt maglaro si Jobert at nakipaglaban siya kay Andy.
- Si Geim naman ay sinuot na ang kanyang Aikido uniform at nakilaro.
- Pagkatapos ng lahat ng yun ay bumalik na rin sila sa pav at naabutan ang iba pa nilang mga kaklase.
- Nakita din nila si Rainbow may hawak na black kitten. Waaaw.
- Kakatapos lang din ng MP class nila.
- Sa IND naman ay dinismiss kaagad sila kaya andami nilang libreng oras.
- Tumambay nanaman sila sa pav dahil mamayang 6:00 PM pa ang klase nila.
- Naglaro na rin muna sila ng Frisbie, pampalipas oras.
- Umuwi na rin ang mga walang MP, at pumasok na ang mga may MP.
- Pagkatapos ng klase nila dun ay nagsiuwian na rin sila.
So hold your head up high and know it's not the end of the road. Walk down this beaten path before you pack your things and head home.
1:17 AM
Monday, February 12, 2007
Disappear
Simula nanaman ng isang panibagong linggo... wohowa!
Highlights:
- Umagang-umaga ay klase na sila sa Theology.
- Nag-lecture lang si Sir Crispin.
- Pagkatapos nun ay dumeretso na sila sa third floor.
- Pero hindi pumasok si Sir Pineda kaya walang Physics.
- Dumeretso na rin sila sa pav pagkatapos.
- Practice din ng pagmomodel ni Chuckie at David sa may Grandstand. Naks!
- Football game ng CFAD vs. Nursing. 6-0 ang score. Bading ang mga players ng Nursing.
- Galit-galit muna si Andy at Kevin dahil Cleveland Cavaliers vs. L.A. Lakers.
- Nag-yaya na rin silang kumain sa Spiral.
- Pumunta na rin sila dun at kumain. (PII)
- Pagkatapos nun ay nanood na sila ng play para sa Literature nila.
- Bumalik din sila maya-maya sa pav at naabutan dun sila Kevin.
- Nagtampo si Mike dahil sa isang walang kuwentang pinothoshop na picture. Haha.
- Nag-football na rin sila sa field.
- Pagkatapos gabihin ay nagyaya na sila Jeng at Eachay umuwi.
- Sumabay na sila kaya uwian na.
- Naiwan pa si Carlo, Jobert at Mike sa UST.
There's a pain that sleeps inside. It sleeps with just one eye.
6:19 AM
Friday, February 09, 2007
To Be With You
Ducks Day. Yan na ang bagong tawag sa araw na to.
Highlights:
- Si Chester ay dumaan na sa bahay ni Kevin para sabay na silang pumunta sa UST gamit ang kotse.
- Inaantay nila si Andy pero mukhang tulog pa kaya nauna na sila.
- Pagdating nila sa UST ay ni-lock na ni Sir Maliksi ang room kaya naman hindi na sila nakapasok.
- Pinapanood sila ng play na gaganapin sa monday.
- Dinismiss na rin sila pagkatapos.
- Nag-quick lunch na rin sila pagkatapos nun.
- Pagkatapos naman nun ay nag-MC class na rin sila kasama si Sir Dacanay.
- Si Vien naman at Andy ay pumuntang Grandstand para gumawa ng plate.
- Si Jace ay umakyat din para manood ng practice para sa fashion show.
- Sumunod doon sina Anna, Coy at Pat.
- Maya-maya ay bumalik na rin sila sa pav.
- Pumasok na rin sila ulit sa Techniques class pagkatapos ng MC class nila.
- Pinakita ni Sir Dacanay ang mga designs ng sarili niyang kompanya, DUCKS DESIGN COMPANY. Wow, bigtime.
- Pinagawa na rin sila ulit ng rendering ng mga furniture nila.
- Pagkatapos nun ay dinismiss na rin sila.
- Lumabas na rin sila ng building ng mga 9:00 PM at naabutan pa rin nila sina Coy at Mike sa labas.
- Kumain sila sa Wendy's at nag-treat nanaman si Andy sa iba. Sayang dahil kinulang ang credit card niya.
- Uwian na pagkatapos!
Make me feel again. Slide across my skin again.
11:23 AM
Thursday, February 08, 2007
L'Via L'Viaquez
A very windy day... sarap matulog no?
Highlights:
- Umaga pa lang ay nasa pav na sina Andy, Julius, Geim at Egoy para gumawa ng assignments.
- Nagpa-print na rin si Geim at Julius habang si Andy at Egoy ay nag-dra-drawing.
- Mamaya ay sinubmit na rin nila ang kanilang mga gawa sa mga 1-1.
- Tumambay lang sila sa pav at inaantay lumipas ang oras.
- Yung ibang mga estudyante naman na regular pa rin ay nag-kaklase pa rin sa IND kasama ni Buni.
- Maya-maya ay dinismiss na rin sila at pumunta ng pav.
- Pagkatapos nun ay kumain na rin sila.
- Naglaro na rin sila ng Football sa field habang wala pang 1:00 PM.
- Pumasok na rin sila ng Logic at tinuloy ang pag-check ng Prelims.
- Nag-quiz na sila at idadagdag ang score sa Prelims.
- Pumunta na rin sila sa pav pagkatapos ng klase at doon tumambay.
- Naglaro na rin sila ng Football at Frisbie sa field at nagpakapawis.
- Maya-maya ay bumalik na sila sa pav at nagkuwentuhan na lang.
- Umuwi na rin sila pagkatapos nun.
L'via, hija de miranda. TĂș apeyido se cambio.
5:25 AM
Wednesday, February 07, 2007
The Rival Cycle
Manlilibre si Sir Ortegaaa! Waaaw.
Highlights:
- Klase naman nila Jacob, Julius at Jace kasama ang mga freshmen.
- Tumambay na sila sa pav pagkatapos nun.
- Dumaan naman si Andy sa bahay nila Kevin para sabay nilang dalhin ang kanilang mga gitara.
- Pagdating nilang UST ay tuwang-tuwa si Jacob at kaagad na tumugtog.
- Football game ng CFAD! 11-1 ang score. Goalee si Future Kevin.
- Ininbitahan ni Sir Ortega ang mga Judo Team Members para sa isang dinner mamayang gabi.
- Naglaro din sila ng Football maya-maya.
- Tumambay lang sila sa pav at kuwentuhan.
- Nagpaturo ang iba mag-gitara kay Kevin.
- Maya-maya ay nag-assemble na ang mga Judohista para bisitahin si ate Aubrey na nasa UST Hospital.
- Hindi makasama si Kevin dahil hindi siya nakapagpaalam.
- Pumunta na rin sila doon at sumakay ng jeep.
- Pagkarating doon ay nabusog sila sa dami ng pagkain sa Shangri-La Chinese Cuisine Restaurante. Chanese!
- Pagkatapos nun ay nagsiuwian na rin sila.
Alongside all hearts as they finish with backdrop cities like jagged teeth. Digging deeper.
7:38 AM
Tuesday, February 06, 2007
Televators
Football time! Haha. Nakakapagod!
Highlights:
- Umaga pa lang ay nandun na sila Kevin at Vien at kasama nila sa pav si Two.
- Nagsidatingan na rin mamaya ang iba pa nilang mga kaklase.
- Pumasok na rin sila sa MP class nila.
- Pagkatapos ng MP class nila ay lumabas na rin sila sa pav.
- Kumain na rin sila doon. Pati yung mga may dalang baon.
- Maya-maya ay pumasok nanaman sila para sa IND class nila.
- Yung mga walang IND ay naglaro nalang ng Football sa field.
- Mamaya ay dinismiss na rin ang mga nag-IND ng maaga kaya nakapaglaro pa sila kaagad.
- Naglaro sila ng Monkey in the Middle pero no hands are to be used dapat!
- Pinagpawisan talaga sila at yung iba ayaw ng pumasok ng SM class nila.
- Mamaya ay pumasok na rin sila sa SM.
- Pagkatapos ng klase ay nagsiuwian na rin sila.
Just as he hit the ground. They lowered a tow that stuck in his neck to the gills.
4:46 AM
Monday, February 05, 2007
Bloody Romance
Kailangan na talagang mag-aral!!! Waaa...
Highlights:
- Monday nanaman at Theology class nanaman kasama si Sir Legaspi.
- Pinakita na rin ang results ng Prelims. Karamihan ay bagsak at pasang-awa.
- Score ni Chester ay 12/50.
- Pumasok na rin sila ng Physics class kasama si Sir Pineda.
- Hindi na masyadong galit si Sir Pineda.
- Nagbigay ng letter ang grupo nila Vien para makapag-report pa rin kahit bawal na.
- Nag-report din ang grupo nila Diane at grupo ng mga irreg.
- Binigay ang results sa Physics class. BUONG BARKADA, ZERO ANG SCORE.
- Tumambay na rin sila sa pav pagkatapos ng klase.
- Naglaro na rin sila ng Football sa may field.
- Nag-drama si Kevin dahil wala na siyang kasabay pauwi dahil uuwi na sila Andy, Chester, Coy at Jacob.
- Umuwi na rin maya-maya sila Vien.
- Naglaro na lang sila Kevin, Jace at Jobert ng Frisbie kasama ng mga IND 2-1.
Life is floating fast away. But I look, your head is turned away.
12:34 AM
Saturday, February 03, 2007
Embers And Envelopes
Unofficial Field Trip na! Hahaha.
Highlights:
- Nagkita-kita na sila sa UST para sabay-sabay na silang makapunta doon sa Factory visit nila.
- Si David naman ay dumeretso na kaagad dun kesa mapalayo pa.
- Pagdating nila dun ay nilibot na rin nila.
- Pinakain din sila ng libreng Siopao! Wow...
- Pagkatapos nun ay dumeretso na silang SM Manila para manood ng play para sa Theology.
- Nakita nila doon sina Andy, Chester at Kevin.
- Nakapasok na rin sila at nanood ng play habang sina Chester at Kevin naman ay natapos na.
- Nagkita naman si David pati si Carla kasama ang mga kaklase nito.
- Kumain na rin sila at pagkatapos nun nagsiuwian na si Andy, Chester at Kevin.
- Sina Carlo naman ay natapos na rin sa pagnood ng play.
- Hinahanap nila sina Chester pero di na nila ito naabutan.
- Umuwi na rin sila pagkatapos nun.
We write to apologize. We ask to look past life as it goes by.
6:52 AM
Friday, February 02, 2007
Ready To Fall
It's the Dacanay Day again. Eh-huh!
Highlights:
- Umaga pa lang ay dumating na sila sa UST at pumunta muna sa pav.
- Gumawa na rin sila ng mga plate nila sa Techniques para matapos na.
- Sinabay naman ni Chester si Andy, David at Kevin papuntang UST dahil may dala siyang sasakyan.
- Naiwan ni Andy ang gawa niya sa taxi kaya gumawa siya ulit ng panibago.
- Si David naman ay namromroblema dahil nadumihan ang kanyang uniform.
- Wala daw Lit class dahil may inaasikaso si Sir Maliksi.
- Kumain na rin yung iba pagkatapos matapos ang mga gawa nila.
- Pumasok na rin sila sa MC class nila kay Sir Dacanay at gumawa na.
- Sila Jace naman ay wala ng klase kaya naglalaro na lang sila ng Football.
- Maya-maya ay natapos na rin ang MC at Techniques na nila.
- Naiwan sila Jace at Mike sa pav.
- Pumasok na sila at gumawa sila ng design concepts ng Furniture at i-rerender nila ito.
- Pagkatapos nun ay naabutan pa nila sina Geim, Jacob, Jace at Mike sa concert sa harap ng Main Bldg.
- Pagkatapos nila tumambay ay nagsiuwian na rin sila.
Hold on slow down again from the top now and tell me everything. I know I've been gone for what seems like forever.
7:36 AM
Thursday, February 01, 2007
Orestes
Thursday nanaman! Uhhh. Wala na ako masabi. Haha.
Highlights:
- HOD class nanaman ng mga HOD Boys kasama ang 1-1.
- Mukhang malungkot si Penelope.
- IND class naman ng mga pasado pa rin. Haha.
- Maya-maya ay nag PA class na rin sila pagkatapos ng HOD.
- Tuwang-tuwa si Jacob dahil nakita na niya ulit si Diddy.
- Pagkatapos ng mga klase ay tumambay na rin sila sa pav.
- Kumilos na rin sila papuntang Spiral para doon ay kumain na.
- Pagkatapos kumain ay pumunta na rin sila sa Beato dahil may klase pa sila sa Logic.
- Nag-check na rin sila ng mga Prelims exams nila.
- Dinismiss na rin sila ni Sir pagkatapos niya tamarin sa pag-che-check.
- Bumalik na rin sila sa pav at doon tumambay.
- Naglaro din sila ng Football sa field. Cindy at AC I pala ay naglalaban.
- May makulit na batang napagkamalan nilang anak ni Chester.
- Nakasama rin nila sina Coy sa pav at doon tumambay.
- Pagkatapos nila gabihin ay umuwi na rin sila pagkatapos nun.
Metaphor for a missing moment. Pull me into your perfect circle.
5:23 AM