Wednesday, January 31, 2007
Redefine
Wala silang pasok! Yung iba nag pahinga... yung iba pumasok pa rin. Yey!
Highlights:
- Umagang-umaga pa lang ay nandun na sina Carlo at Vien sa UST.
- Maya-maya ay nagsidatingan na rin ang mga tao.
- Dumating din si Andy at Kevin maya-maya, dala na nila ang gitara. Tuwang-tuwa si Jacob.
- Nagpatugtog na rin sila gamit ang speakers ni Kevin.
- Mamaya ay pumunta na sila sa Frio Mixx. Si Andy naman ay nanglibre sa Wendy's.
- Bumalik na rin sila sa pav pagkatapos at naabutan nila si Mike at Jace.
- Maya-maya ay naglaro na rin sila ng Football sa may field.
- Dala rin ni Chuckie ang kanyang American Football.
- Dumating din sila Coy maya-maya sa pav dahil tapos na ang klase.
- Si Egoy naman at Beth tumambay sa sixth floor kasama ng mga 1-1.
- Tumambay lang sila dun hanggang gabi.
- Maya-maya ay nagsiuwian na rin sila.
Imagine your brain as a canister filled with ink. Yeah, now think of your body as the pen where the ink resides.
6:06 AM
Tuesday, January 30, 2007
Summer Romance (Anti-Gravity Love Song)
Hanggang gabi nanaman ang klase nila. Nakakahilo.
Highlights:
- Umagang-umaga ay nauna na sa UST sina Andy, Jace, Jacky at Mike.
- Maya-maya ay Football PE na nila Jace at Mike. Pero may laban kaya wala silang PE.
- Tumambay na rin sila sa pav at inaantay na lang nila ang oras para pumasok na sila sa kanilang MP.
- Pagkatapos ng kanilang MP ng mga 1:00 PM ay bumili na rin sila ng pagkain sa McDo at sa pav na sila kumain.
- Tapos nun ay umakyat na rin sila para sa IND class nila. Hindi pumasok si Vien ng IND. Bad!
- Si Jacky naman ay mapipilitang mag-antay hanggang 6:00 PM para sa SM class niya.
- Si Mike naman ay gumagawa lang ng plate sa pav at tumambay din kasama nila Chi at Mads.
- Nagpapapansin nanaman si Jace as usual.
- Nagkainitan din si David at Vien. Suntukan na! Haha.
- Pagkatapos nun ay nagsiuwian na rin ang mga walang SM class katulad nila Andy, Chester at Kevin.
- Pumasok na rin sila sa SM class nila.
- Nagpa-check na rin sila ng mga concepts nila at dinismiss na rin maya-maya.
- Nagsiuwian na rin sila pagka-dismiss sa kanila.
I'm home alone tonight. Full moon illuminates my room.
5:00 AM
Monday, January 29, 2007
Inhale Water
Friday, January 26, 2007
(Late nanaman ang blog-posting. Sorry.)
Highlights:
- 5:30 AM, nagkita-kita na sila Andy, Geim, Jacob at Julius kasama ang iba pang kasama sa field trip para makaalis na.
- Para naman sa mga may klase ay pumasok na rin sila sa Literature class nila.
- Pero di pumasok si Sir Maliksi at wala ng klase!
- Nag-football muna sila Kevin bago pumasok sa MC class nila.
- Pagdating ng MC class ay gumawa na yung iba ng mold, at yung iba naman inayos yung styro nila.
- Pagkatapos ng MC class nila ay Techniques na!
- Lahat sila ay seryoso mula simula hanggang pagkatapos.
- Pina-take home na ni Sir Dacs ang plate dahil nabilib siya sa determination ng buong klase matapos ang plate.
- Nag-McDo sila at nanlibre si Egoy! (Yung dapat na pang-field trip pinanlibre. Hehehe.)
- Nagusap-usap na rin sila sa mga bagay-bagay at pagkatapos nun ay umuwi na rin sila.
- Para naman sa mga nasa-field trip. Masarap ang buhay nila.
Monday, January 29, 2007
Isa nanamang panimulang araw para sa mahaba-habang linggo... Nakakapagod na. Kaya yan!
Highlights:
- Walang class sa Theology dahil may kailangan asikasuhin si Sir Legaspi.
- Kaya free time nanaman sila bago mag Physics.
- Pinanood na rin nila mula sa handicam na dala ni Geim ang three-day field trip nila sa Batangas, Laguna at Quezon.
- Maya-maya ay pumasok na rin sila sa Physics class nila at nag-discuss na rin si Sir Pineda.
- Pagkatapos nun ay pumunta silang Grandstand para doon tumambay.
- Maya-maya ay nag-football na rin sila sa field.
- Bumalik na rin sila sa pav pagkatapos.
- Basketball PE nanaman nila Carlo, Kevin, Jacky, Julius, Jobert at Vien.
- Pagkatapos ng dalawang oras ay bumalik na rin sila sa pav.
- Si Mike ay binigay na ang kanyang mga pasalubong galing sa field trip nila. Bastos si Mike...
- Tumambay lang sila dun at maya-maya ay kumain na rin sila. Libre ni Andy.
- Nag-football ulit sila maya-maya.
- Pagkatapos nila maglaro ay nagpahinga na sila.
- Umuwi na rin sila pagkatapos.
I inhale water. I sink for a few days.
5:46 AM
Thursday, January 25, 2007
Love Hurts
Isang araw para makapag-relax... salamat!
Highlights:
- HOD nanaman nila at binigay na ang mga grades nila sa Prelims.
- Wala man lang nakapasa sa mga irregular students natin. Daig pa sila ng mga first-year.
- Pagkatapos nun ay pinababa na rin sila.
- Sa IND naman ay tinuloy na nila ang plate nila sa paggawa ng Bike.
- Sumakay si Chuckie at si Jobert kasama ni Buni sa Vitara niya. Anong ginawa nila ah!?
- Di na rin pumasok yung iba sa PA class nila dahil tinamad na kaya tumambay na lang sila sa pav.
- Maya-maya ay natapos na rin ang IND class nila.
- May sakit ang prof nila sa Logic kaya wala na silang klase. Yehey!
- Tumambay na lang sila sa pav, as usual.
- Nagkuwentuhan at andaming nagpa-survey sa kanila. P2.
- Inantay lang nila matapos ang PE nila Coy at balak na nilang umuwi.
- Sabay-sabay na rin silang umalis pagkatapos nun.
Tonight we drink to youth. And holding fast to truth.
8:18 AM
Wednesday, January 24, 2007
23
Instead na makapag-pahinga sila. Kinailangan pa rin nila pumasok... waaa.
Highlights:
- Pumuntang Taft sila Jobert with classmates para maghanap ng mapagpapagawaan ng bike.
- Si Kevin, Jace at Jacob naman ay nasa Beato na inaantay ang kanilang pagdating.
- Maya-maya ay dumating na rin sila Jobert galing Cartimar.
- Dumating na rin si Carlo galing kay Diane. Sigurooo.
- Nakita nila si Chuckie at David.
- Nanood sila ng Basketball PE nilang dalawa.
- Nasupal silang dalawa sa kaklase nilang malaki. Oh no!
- Tapos nun ay bumalik na rin sila sa pav para tumambay.
- Naabutan nila si Andy dun katabi si Rainbow.
- Naglaro sila ng American Football sa field. Bato-bato lang.
- Dumating na rin sila Coy maya-maya at tumambay kasama nila sa pav.
- Nandun sila John at ibang Judo peeps at nag share sila ng mga bagong techniques.
- Maya-maya ay nagsiuwian na rin yung iba pero natira sina Andy, Carlo, Coy, Kevin, Jobert, Mike at Vien.
- Pumunta sila sa Wendy's sa Dapitan at nanlibre si Andy gamit ang kanyang bagong credit card.
- Pagkatapos nun ay umuwi na rin sila. Salamat Andoy!!!
I felt for sure last night. At once we said goodbye.
6:19 AM
Tuesday, January 23, 2007
Freakish
Isa nanamang mahaba-habang araw na tatahakin! Grabe!
Highlights:
- Maagang dumating sa UST sina Mike at Vien. Maya-maya ay dumating din sila Jobert.
- Gumawa na rin si Jobert ng kanyang Jewelry at si Vien sa kanyang drafting.
- Dumating na rin si Beth at Rochelle galing sa kanilang PE.
- Football PE naman ni Mike at Jace. Game!
- Nagkainitan si Jace at Vien. Sapakan na! Haha.
- Pumasok na rin sila sa MP class nila at nagreport ng napakaboring sila Jules.
- Early dismissal dahil tinamad si Ma'am Lei.
- Tumambay na rin sila sa pav at nandun na si Andy at Chester. Kumain na rin sila.
- Nag-IND na rin sila. Nabadtrip si Vien kay Sir Buni dahil sa low grades na nakuha niya.
- Pinagusapan na rin nila kung ano scaling ng model ng bike.
- Umuwi na rin pagkatapos yung mga walang SM class.
- Gumawa na rin sila ng concepts ng glass! Tapos SM na!
- Nagpa-check na rin sila ng concepts kay ma'am.
- Chuckie: "Hindi napapagod. Hsss!"
- Nag ministop muna sila pagkatapos ng SM at umuwi na rin maya-maya.
As I'm talking my words slip to the floor. And they crawl through your legs.
6:04 AM
Monday, January 22, 2007
When Your Heart Stops Beating
Naku! Dalawang exams! Isang plate! Kaya pa ba!?
Highlights:
- Prelims na sa Theology! Madaming alanganin kaya madaming manonood ng play!
- Pagkatapos nun ay punta kaagad sa third floor para sa Physics prelims!
- Minemorize nila ang mga definitions at napunta kela Silver Surfer at Fantastic Four ang usapan.
- Ayan tuloy, walang nasagot sa exam.
- Pagkatapos nun ay tumambay na sila sa pav.
- Gumawa na rin yung iba ng plate nila sa IND.
- PE na rin nila Jacky, Jobert, Julius at Vien sa Basketball.
- Si Carlo at Kevin pinagsuot ng pambabaeng jersey dahil desperado manalo ang team nila.
- Naging 'Tuplano' ang apelyido ni Carlo, 'Sy' naman para kay Kevin.
- Pagkatapos nun ay bumalik na rin sila sa pav.
- Nagsiuwian na rin sila pagkatapos nun.
Turn it up. I never want to go home.
6:48 AM
Sunday, January 21, 2007
Oh, Hello
Happy 18th Birthday Jeng! Debut na ni Jeng!
Highlights:
- Usapan ay magkikita-kita sa bahay nila Kevin ng mga 5:00 PM.
- Unang dumating dun ay si Andy.
- Maya-maya ay dumating na rin si Carlo't Jobert. Sabay silang pumunta.
- Dumating na rin si David pagkatapos.
- Inantay lang nila tatay ni Kevin at umalis na rin sila gamit ang FORTUNER! Whoa!
- Pagkadating nila dun ay magsisimula na ang debut.
- Nasama sa 18 Roses sina Andy, David, GP, Oyo, Paolo at iba pang IND friends!
- Kainan na rin pagkatapos ng mga pictorial for each table.
- Nabusog na rin sila sa kanilang mga kinain.
- Kumanta rin si Diane! Ang ganda ng boses. Grabe.
- Nandun din ang mga IND girls. Sina Czara, Diane, Eylin, Eachay, Joyce, at marami pang iba.
- Pinalabas sa projector ang mga special greetings from special people.
- Pagkatapos ng napakahabang program ay natapos din.
- Sumayaw si David ng Sexy Back. Wooohooo! Go Zanjoe!
- Nagsiuwian na rin sila pagkatapos nun. Thank you Jeng!
Didn't I know you, mystery man? Strange as all new thoughts on impotence.
8:47 AM
Saturday, January 20, 2007
Fallen
Birthday ng magkambal na kapatid ni Diane! Kainan! Waaaw.
Highlights:
- Umaga pa lang ay nandun na si Mike sa UST dahil may klase pa siya.
- Dumating na rin maya-maya si Andy at tumambay sa pav.
- Nakasama rin niya si Jack, Mike, Minnie at Pat.
- Nagpatugtog lang sila gamit ang speakers ni Minnie.
- Maya-maya ay dumating na rin sa pav si Carlo.
- Inaantay na lang nila si Diane matapos.
- Maya-maya ay dumating na rin si Diane at sinamahan muna ni Carlo para mag-ayos.
- Nagkita-kita na lang sila sa Ministop nila Andy, Carlo, Diane, Mike at Pat para umalis na.
- Nag-jeep na sila sa Morayta para pumunta sa LRT.
- Pagdating dun ay nakasakay na rin sila kaagad at maluwag pa.
- Bumaba sila ng Katipunan at nag-FX papunta sa bahay nila Diane.
- Pagdating dun ay ni-welcome kaagad sila at pinakain ng napakarami.
- Kumanta si Pat ng kanyang favorite song at si Andy't Carlo ng Incubus song.
- Ang mag-irog ay kumanta rin pagkatapos. Yikeee!
- Umalis na rin sila Andy, Mike at Pat dahil gagabihin na rin sila. Naiwan na si Carlo't Diane dun.
- Nakababa kaagad si Pat dahil Marikina lang yun. Si Andy at Mike sa Gateway bumaba.
- Sinamahan ni Andy si Mike maghanap ng Memory Card at umuwi na rin pagkatapos.
Yeah, I've been to Jupiter. And I've fallen through the air.
7:05 AM
Friday, January 19, 2007
Imagine
Eh-huh! Another torture sessions with Sir Dacs!
Highlights:
- Umaga pa lang ay pumasok na rin sila para sa prelims ng Literature.
- Madali lang ang exam. Chicken feed.
- Pagkatapos nun lumabas na rin sila sa pav.
- Kumain na rin yung iba. Yung iba gumagawa na ng kanilang MC.
- Tinatapos na rin nila ang kanilang mga toys para mapasa na kay Sir Dacs.
- Bumili na rin sila pagkatapos nun ng mga materials para sa Techniques.
- Nagpa-print at nagpa-enlarge ng kanilang mga copies ng mga Motorcycles na i-rerender.
- Pumasok na rin sila sa Techniques at natuwa si Dacanay dahil walang na-late.
- Nagpakahirap na rin sila mag-render at pagkatapos ng klase ay kinuha na ni Dacs mga gawa nila.
- Pagkatapos nun ay umalis na rin sila sa room at pumuntang McDo para kumain!
- Dahil sa kalikutan ni Chester ay nasagi niya ang tray ni Kevin at tumapon ang coke niya sa bag ni Andy.
- Natulala si Chester. Pagkatapos nila kumain ay nagsiuwian na rin sila.
- Sinamahan pa ni Carlo si Diane pauwi. Yikee.
Imagine there's no heaven. It's easy if you try.
7:52 AM
Thursday, January 18, 2007
Pendulous Threads
Malapit na matapos ang week ng Preliminary Exams. Kaya pa tooo.
Highlights:
- Exam na ng mga bumagsak sa HOD. Hindi pa nag-aral! Bad.
- Pagkatapos mag-exam sa HOD ay pinag-break sila at pinabalik mamaya.
- Exam naman sa PA ang susunod! Naku naman.
- Medyo wala silang nasagot sa mga tinanong ni Ma'am Mendoza.
- Pagkatapos nun ay nag-lunch na sila.
- Pumasok na rin sila sa kanilang Logic class.
- May exam din sa Logic! Paulit-ulit nilang binasa ang mga tanong dahil mahirap ito intindihin.
- Pagkatapos nun ay nasabaw na ang kanilang mga utak sa dami ng exams...
- Lumabas na rin sila para tumambay sa pav.
- Inantay nila ang dismissal nila Coy para sabay-sabay na rin sila umuwi.
- Pagdating ng gabi ay nagpasya na rin silang umuwi dahil gagabihin na sila.
Mend this careless thread. It’s gone askew.
5:40 AM
Monday, January 15, 2007
Hey, It's Your Funeral Mama
Start na ng Preliminary Exams Week! Nakooo.
Highlights:
- Kinakabahan na sila sa pagdating ni Sir Legaspi dahil hindi nakapagaral ang iba.
- Dumating din si Sir Legaspi pero inannounce niyang next week na lang ang exam!
- Sabi naman ni Sir Pineda ay next week na rin ang exam para sa Physics.
- Wala ng exam for monday! Woohoohoo.
- Kumain na rin sila sa McDo, at nagpakasarap ng buhay.
- Pagkatapos nun ay nag-Football na rin sila sa field.
- PE na nila Carlo, Jacky, Jobert, Julius, Kevin at Vien.
- Iniwan nilang mag-isa sa pav si Andy kaya naman natulog nalang ito.
- Pagkatapos ng kanilang PE ay nagkayayaan nanamang mag-Football ulit!
- Trigger happy si Chester sa pag-pipicture gamit ang kanyang bagong phone.
- Career mode naman si Jace para makasali siya ng Football Club ng CFAD.
- Nagsi-uwian na rin sila maya-maya.
The sky is blue, the grass is brown. My head is buried inside this helmet.
5:49 AM
Friday, January 12, 2007
We're All Thieves
Friday is Dacanay Day.
Highlights:
- Pumasok na rin sila sa Literature class nila.
- Pagkatapos ng Lit nila, ay kumain na rin sila.
- Tumambay muna sila sa pav pagkatapos nilang kumain.
- Pagsapit ng ala-una ay pumasok na rin ang mga may MC class sa kanila.
- Natapos din kaagad nila ang mga pinapagawa ni Dacanay.
- Habang may oras pa, ay nagpa-print na sila ng mga kopya nilang i-re-render para sa TECH.
- Bumili na rin sila ng mga napakamahal na materyales.
- Na-late na rin sila ng halos isang oras, kaya naman nagalit si Sir Dacs.
- Pina-render din sa kanila ang kanilang mga kopyang sasakyan.
- Yung iba naman ay nagpa-xerox na lang ng ginawa ni Dacanay na concept car.
- "I have twelve clients.", sabi ni Sir Dacanay.
- Maya-maya ay dinismiss na rin sila at nagsiuwian na rin sila sa pagod.
Lost in a haunting thought. Spinning me around once more.
8:36 AM
Thursday, January 11, 2007
The Suffering
Isa nanamang medyo nakakasabaw ng utak na Thursday ang dumating.
Highlights:
- HOD class nanaman nila Andy, Egoy, Geim, Jeng, Julius at Oyo.
- IND naman ng mga nananatiling regular students sa IND subject.
- May lagnat pa rin yung isang nilalagnat na pagong.
- Hindi na pumasok sina Andy at Geim kasama ng ibang first-year students sa PA.
- Class pic na ng section nila kaya kinailangan talagang umalis sa klase kahit ano pa mangyari.
- Pagkatapos nun ay naglakad na silang papuntang Spiral at dun kumain.
- Si Jobert humiwalay na dahil may pinupuntahan pa!
- Logic class na rin nila pagkatapos nun.
- Nag-discuss nanaman si Sir. Nakakasabaw ng utak.
- Pagkatapos nun ay dinismiss na rin ni Sir ang klase.
- Tumambay na rin sila sa pav pagkatapos.
- Maya-maya ay nagsiuwian na rin sila.
Is there word or right to say? Even in this old fashioned way.
4:59 AM
Wednesday, January 10, 2007
Hear You Me
Wednesday at walang pasok. Pero tambay mode na lang.
Highlights:
- Umagang-umaga ay nasa UST na rin sila at nakatambay lang sa pav.
- Mataas ang lagnat ni Andy. Mainit ang pakiramdam.
- Humingi na rin si Jobert ng gamot sa IND 2-1.
- Bumisita din si Jako sa UST. Wario!
- Gumagawa si Beth at Egoy kasama si Joban ng MC plate nila.
- Natulog na lang si Carlo at Diane sa pav.
- Tumambay lang sila doon hanggang sumapit na ang gabi.
- Maya-maya ay dumating din sila Coy.
- Inabot na rin sila ng gabi sa UST sa kakatambay sa pav.
- Natapos na rin ang Graphics ng 1-1.
- Pagkatapos ng matagal na pagtambay ay napagpasyahan na rin nila na umuwi na.
There's no one in town i know. You gave us someplace to go.
4:49 AM
Tuesday, January 09, 2007
Anywhere With You
Monday, January 08, 2007
Start of a new week. Kailangan na paghandaan ang prelim week!
Highlights:
- Theology class na naman nila kasama si Sir Crispin.
- Last discussion na rin bago ang Prelims exam next week.
- Pagkatapos nun ay deretso sila sa Physics class kasama ni Sir Pineda.
- May pinagawang proyekto si Sir para sa mga estudyante.
- Dinismiss din sila kaagad pagkatapos ng dalawang oras.
- Tumambay na rin sila sa pav pagkatapos nun.
- Si Jace naman ay pumoporma nanaman sa kanyang iniirog.
- Iniinggit naman ni Mike si Jace.
- Nanood na lang sila ng football game ng CFAD sa field.
- PE na rin nila Carlo, Kevin, Jacky, Jobert, Julius at Vien.
- Nagpaalam na si Andy at Chester kay Kevin, at pinaalam na wala siyang makakasabay pauwi.
- Umalis na sila Andy, Chester, Chuckie, Jace at Jacob para tumingin ng mga CD sa Music One.
- Pagkatapos ng PE nila ay pumunta na ang mga kasama ni Kevin sa kani-kanilang mga babaehhh.
- Kasama ni Kevin si Casper.
- Umuwi na rin sila maya-maya.
Tuesday, January 09, 2007
Tambay mode sa bahay nila David!
Highlights:
- Usapan ay magkikita-kita sa McDo EDSA MRT branch.
- Unang dumating dun ay si Andy, tapos si David, Chuckie at huli na si Kevin.
- Dun na rin sila nag-almusal dahil di pa sila kumakain.
- Pumunta na rin sila sa clubhouse pagkatapos nun para makapaglaro na.
- Two on two Basketball... Andy at Chuckie laban kay Kevin at David.
- Nanalo sila Kevin at David sa laro.
- Pagkatapos nun ay umalis na si Chuckie dahil may lakad pa sila ng girlfriend niya.
- Tumambay na lang sila at nanood maya-maya ng TV sa loob ng bahay nila David.
- Pinakain din sila pagkatapos nun. Sarap.
- Dinaanan nila si Mike sa 7-Eleven sa labas ng gate para kunin ang ginawa niyang concept para sa billboard nila David.
- Nagkuwentuhan na lang sila ulit hanggang sobrang ginabi na sila.
- Pinapauwi na si Kevin kaya napilitan na ring umuwi si Andy.
I know i can't come near you. Every time I do, I get shaken inside and the sun in my eyes.
6:57 AM
Friday, January 05, 2007
Call It Karma
Dacanay Day nanaman. Oh meeen.
Highlights:
- Literature class na nila kasama si Siiir.
- Group reporting na rin ng iba-ibang grupo.
- Nahuli ang 'Gay Porn' sa laptop ni Sir na itatago natin sa alyas na Yakult.
- Dinismiss na rin sila ni Sir pagkatapos nun.
- Kumain na rin sila sa Spiral pagkatapos nun at nakita nila si Mojofly.
- Nanood na rin sila ng game ng football pagkatapos nun.
- MC class na rin nila at pumasok na sila.
- Pero yung iba hindi pumasok dahil tinatamad gumawa o kaya walang gawa. (Vien!)
- Si Mike nagpaputok ng kanyang Piccolo.
- Maya-maya ay klase na rin nila sa Techniques.
- Nag-render sila ng iba-ibang objects na at least 12-inches ang length.
- Nung natapos na sila ay nagsilabasan na rin para tumambay sa pav.
- Na-miss ni Carlo ang barkada. "Nakaka-miss kayo..." Drama!
- Kumain na sila sa Ministop at umuwi na rin pagkatapos.
Blame it on the weather. But i'm a mess.
7:33 AM
Thursday, January 04, 2007
One Eight Seven
Start of year 2007! Plates nanaman!.. Yeah!
Highlights:
- HOD 2 at PA class nanaman ng mga delayed! Walang sawang Ma'am Mendoza.
- Samantalang sila Carlo at ang buong klase ay IND naman.
- Puro discussions lang naman ang ginawa nila.
- Maya-maya ay bumaba na rin sila sa pav at doon nagkita-kita.
- Nagyaya mag McDo si Chester sa carpark para kumain.
- Puno ang McDo kaya nag-takeout na lang sila at sa pav kumain. Ang init sa field!
- Pagkatapos nila kumain ay nagaral na rin sila para sa quiz sa Logic. Nagaral nga ba???
- Umakyat na rin sila pagkatapos nun at dumating na rin si Sir Logic.
- Quiz na rin. Two-item-essay-type quiz. Wala silang Logic-logic sa utak kaya nahirapan sila. Hihi.
- Bumaba na rin sila pagkatapos nun.
- Tumambay sandali sa pav at umuwi na rin maya-maya. Sumabay din si Coy sa kanila.
Mga bago sa bagong taon:
Andy - bagong headphones, bagong gupit
Carlo - bagong buhay para sa minamahal niyang si Diane
Chester - bagong cellphone, bagong 'sawi sa pag-ibig', bagong gupit
Chuckie - bagong cellphone
David - bagong hairdo, bagong corning joke
Geim - bagong tali sa buhok
Jace - bagong bigote ala Cesar Montano
Jobert - bagong gupit, bagong money
Kevin - bagong alam sa gitara
Vien - bagong earphones
Mga nawalang bago sa bagong taon:
Egoy - nawalang mp3 player, nawalang mamahaling earphones, nawalang cellphone, nawalang drumsticks
It's so nice sitting very still. In a room where no one else can feel.
4:57 AM