Tuesday, November 07, 2006
Welcome To The Black Parade
Monday, November 06, 2006
(Hindi pa na-uupdate ang blog kaya wala hindi nakagawa ng entry.)
Highlights:
- First day na ng second semester. Pumasok na sila sa kanilang first class ng 7:00 AM.
- Nagkita-kita nanaman ang mga magkakaibigan. Na-miss nila ang isa't-isa.
- Sabog nanaman si Egoy at Vien at nagiingay sa classroom.
- Si Andy naman at si Kevin ay natuwa dahil sa hindi nila inaasahang pagkikita sa Batangas nung nakaraang araw.
- Dala-dala ni Vien ang kanyang bagong mp3 player!
- Ipinaalam na nila ang band na, "SHOCKSPACE". Haha.
- Madami na ang nasa classroom pero hindi pa rin dumadating ang prof kaya nagsilabasan na rin sila.
- Bumaba na silang lahat para kumain muna ng merienda.
- Naglolokohan sila na dumeretso sa Dynaquest para mag-DotA pero ayaw ng iba.
- Kumain na ang iilan sa Ministop. Nagkuwentuhan naman ang iba.
- Pagkatapos nun ay bumalik sila sa room para sa antayin si Sir Paner sa Physics class nila pero mukhang absent ito.
- Tumambay muna sila sa room hanggang dumating na ang IND 2-1, kaya napilitan silang bumaba na.
- Dumeretso na sila sa pav at naghanap ng matatambayan.
- Si Carlo ay inaantay nanaman si CFAD Shirt Girl.
- Si Kevin naman ay sumisipleng sulyap kay Cindy.
- Nakatulog naman si Andy sa pav habang naiwang nakabukas ang kanyang iPod.
- Nagkukuwentuhan lang sila doon hanggang maya-maya ay nagsimula nang umulan nang malakas.
- Nilipat na nila ang kani-kanilang mga bag para hindi mabasa.
- Maya-maya ay umuwi na rin sila nung humina ang ulan.
- Naiwan na si Sharlene sa pav mag-isa.
- Si Mike naman ay lumabas na ng building at nakasabay pa n'ya si CFAD Shirt Girl palabas.
- Naabutan niya si Sharlene sa pav at pinaalam kay Carlo ang tungkol kay CSG.
- Si Andy at Kevin naman ay sumakay na sa bus na puno ng UST students. Naging schoolbus.
- Si Carlo naman at Jobert ay nagsimula na ring maglakad para makauwi na rin ng maaga-aga.
Tuesday, November 07, 2006
Hanggang 9:00 PM ang classes! Oh nose.
- Umaga pa lang ay nasa school na si Jeng at Rochelle.
- 11:00 AM pa pala ang kanilang klase kaya wala silang magawa.
- Nagsidatingan na rin ang iba nilang kaklase at inaantay na lang dumating ang oras ng pasukan.
- Binigyan ni Mike si Mads ng chocolates... Haha.
- Pumasok na ang mga may pasok. Naiwan doon si Andy at Mike.
- Nakasama nila si Vincent sa pav at niyaya silang dalawa manood sa Quarto kasama sila Chi, Jenice at Mads.
- Gusto ni Mike pero hindi siya sasama hanggang hindi sasama si Andy.
- Walang prof sila Carlo at nagsibabaan ulit sila sa pav para tumambay.
- Nandun lang sila at nagkukuwentuhan ng kung anu-ano.
- Kasama rin nila si Sharlene sa pav at inaasar kay Jacky dahil parehas silang Chinese.
- Nakasama rin nila sa pav ang kaibigan ni Kevin na si Pat at mga kaklase nito.
- Inaantay na lang nila mag 6:00 PM para sa next class nila. Ang tagal naman!
- Pagsapit ng takdang oras ay nagsiakyatan na sila para pumasok.
- Si Andy naman at Kevin ay umuwi na dahil wala silang klase.
- Naiwan naman si Mike sa pav mag-isa.
- Yung iba naman ay nag-picture-picture na lang sa klase dahil walang prof.
- Umuwi na rin ng maaga si Jacky at David.
- Tumambay pa sila sa Ministop kasama ni Mike at nagusap-usap.
- Pagkatapos nun ay umuwi na rin sila.
When I was a young boy. My Father took me into the city to see a marching band.
5:14 AM