Friday, November 24, 2006
The Infatuation Is Always There
Yeaaah! Walang Dacanay-marathon na nangyari dahil sa meeting ng mga prof... Relax muna.
Highlights:
- First meeting sana sa Literature kaso wala pang kalahati ng klaseang pumasok kaya wala nanaman.
- Wala daw MC class sabi ni Sir Dacanay! Masuwerte si David at di natuloy ang pag-d-drop niya.
- At siyempre, kung walang MC, wala na ring Techniques! Yahooo.
- May meeting pala ang mga teachers kaya walang klase.
- Nasa pav sila kasama si Gwen, Jenin at ibang IND students. Gumagawa sila ng plate nila.
- Tumambay din sila kasama si Vincent ng sandali.
- Nagyaya silang bumili ng maiinom sa may Carpark. Bumili sila ng Quickly!
- Nakita nilang si Beth at Egoy naglalakad sa Lover's Lane. Sinundan lang nila ito.
- Antakaw ni Vien at ni David. Inubos nila ang mga tindang siomai.
- Naglaro din sila ng Frisbee sa field. Puro alikabok ang inabot nila.
- Tumambay na rin sila sa bench sa may field at nagkuwentuhan.
- Kumain na rin sila sa Ministop pagkatapos dahil nagugutom na si Jobert.
- Sumabay na yung iba pauwi kay Chester dahil may dala siyang sasakyan.
- Yung iba, sila Carlo, Jobert, etc. ay nagcommute na.
I understand what you're trying to say. No need to say it, I am leaving.
6:24 AM