Wednesday, October 11, 2006
Young And Aspiring
Wooo... Na'ko naman. Finals na sa Math!
Highlights:
- Umaga pa lang nasa UST na 'yung iba sa kanila kahit walang pasok sa IND subject nila.
- Freehand drawing finals na ng IND 1-1. Tinatapos na nila ang kani-kanilang mga plates.
- Tumambay lang sila sa pav. 'Yung iba nagaaral para sa Math. 'Yung iba kumakain. Si Andy tulog nanaman.
- Dumating na rin si David sa pav kasama nila.
- Pumasok na rin sila pagdating ng mga 1:00pm para sa Math exam nila.
- Start na ng exam at madami-dami ang items ng test pero kayang-kaya naman.
- Pagkatapos ng exam ay nagsilabasan na rin sila at pumunta na sa pav para tumambay.
- Tinatapos na rin nung iba ang kani-kanilang mga MC plates.
- Nag usap-usap na rin sila Geim, Egoy at Andy na maagang pupunta sa school kinabukasan para magaral sa HOD1 nila.
- Ginabi na sila sa pav at dun na rin sila nag-dinner.
- Nagyaya na umuwi si Andy kaagad. Nagulat si Kevin dahil first time nangyari 'yun.
- Umuwi na rin sila. Inantay lang nila magayos ng gamit si Mike at umalis na sila sa pav.
- Kela Chuckie nag-stay si Mike dahil wala pa itong sundo. 'Wag kayo magaaway ah!
So let's not even try, you're right, let's ball it up and throw it out the window. It's becoming all so clear in my mind.
7:35 AM