Friday, September 08, 2006
Collapse
18th birthday celebration ni Kevin! Haha. Nakakapagod pero masaya!
Highlights:
- Ang aga dumating sa classroom ni Andy, Carlo at Vien.
- Kaharap lang nila ang room nila CFAD Shirt Girl. Nice Carlo...
- Techniques class na nila. Pinagawa na ni Sir Castro 'yung Perspective View ng Bike.
- Nag-cut ng class si Kevin, Vien at Egoy para mag-DotA.
- 'Di na bumaba ang madami sa mga estudyante. Sa room na lang sila nagsikainan ng kani-kanilang baon o biniling pagkain.
- Physics class na kasama si Sir Paner. Nasermonan nanaman sila. Lagi naman eh. Daming tulog!
- Pagkatapos ng klase ay nag-assemble na sila Andy, Carlo. Chester, Chuckie, David, Geim, Jace, Jobert, Jules, Kevin, Mike, Paul at Vien. Si Egoy ay hinatid pa si Beth kaya medyo na-delay.
- Naka-libreng sakay sila papuntang G4! Dahil sa pag promote ng bagong Bingo cookies. Nagbayad lang sila ng pambili ng cookies worth P3.50.
- Nakunan pa sila sa camera na ipapalabas sa Wazzup Wazzup! Waaa... may madidiskobre!
- Nagpasalamat sila kay kuya driver pag dating nila sa G4 para sa libreng paghatid.
- Bumili kaagad sila ng tickets. 'You, Me & Dupree' ang papanoorin nila.
- Pumasok na sila at nanood sa sinehan pagdating ng mga 6:15pm.
- Pagkatapos nila manood ay kumukulo na ang kani-kanilang mga tiyan! Puno sa Tokyo Tokyo kaya nag KFC na lang sila!
- Nung nagsimula na ang kainan ay 'di na sila nagpansinan. Haha.
- Pagkatapos kumain ay nag-Timezone pa sila. Guitar Freaks, Drummania, Air Hockey at kung anu-ano pa ang kanilang nilaro.
- Tinuruan ni Kevin si Tittel sa Guitar Freaks! Habang si Andy naka S rank sa 'Rewrite' song.
- Si David nag-drudrums! Haha. Si Andy ginagawang pang Saosin kaya wala sa timing lagi. Game over! Haha.
- Si Julius at Vien first time nilang nakitang sumapak! Haha.
- Si Geim naman at Chester ay nagmistulang mga Hitman sa kanilang mga porma sa Time Crisis.
- Ang lakas ni Jolly Jace sa shooting sa Basketball! He's so jolly!
- Pinapauwi na ang madami sa kanila kaya kailangan na nilang umalis.
- Nag-aabang sila ng Taxi pero walang pumapayag kaya napilitan 'yung iba na maglakad na lang para mag-bus.
- Naghiwa-hiwalay na rin sila at nahati sa tatlong grupo.
- Uwian na! Si Kevin naiwan sa G4 dahil kasama pa n'ya ang kanyang family. Salamat Kevin!
So, tell me is it right? To feel like we're only getting smaller.
9:58 AM