Tuesday, July 18, 2006
Whoa
Parang walang nangyaring ngayong araw na 'to na may kaugnayan sa mga plates namin. 'Pag nakita n'yo si You Rock, sabihin n'yo, "YOU ROCK!".
Highlights:
- Late na nakarating si Andy sa UST. 'Di na s'ya umattend ng PE class n'ya.
- Nagkita sila ni Egoy sa harap ng building. Naki sit-in muna si Andy sa LC1 class ng 1-1.
- Pinagtritripan nanaman nila Egoy at Geim 'yung ibang istudyante sa klase.
- Walang klase. Hindi dumating si Ms. Bitantes kaya tuwang-tuwa sila.
- Habang bukas ang bintana ng room, nag-hi si Andy at Egoy kay Gwen, na nasa baba ng building.
- Kaway naman si YOU ROCK! Feeling!
- Nagsidatingan na sila Jace at Jobert.
- Binigay na ni Jace 'yung mga wood finishes. Umalis kaagad si Jace.
- Dumating na si Carlo suot ang kanyang Coheed And Cambria t-shirt!
- Maya-maya dumating na si Chuckie. Todo porma. Mamahalin pa ang mga suot.
- Sinamahan ni Egoy si Beth para umuwi.
- Nakasama nila Andy, Carlo at Jobert si Gwen, Jesse at Paula sa tabi ng field.
- Sinamahan na nila si Gwen sa PE class n'ya.
- Pumunta na sila sa gym na pag-tratrainingan ni Jobert para sa volleyball.
- Balik pav sila Andy at Carlo, at nakita nila si Egoy.
- Tambay mode sa pav. Nandedemonyo si Carlo at Egoy na mag-DotA, pero ayaw ni Andy.
- Pinakilala ni Gwen once again si Andy kay Lianne at Marianne.
- Nakita na ni Chuckie sila Mads. Stalk mode!
- Nag-DotA sila. Napilit nila si Andy. Talo.
- Tinuruan nila mag-O2 Jam si Carlo!
- Tumambay sa Ministop tapos uwian na! Haha.
I've hoped for change. It gets better everyday.
5:49 AM